Chapter 2

4.2K 151 0
                                    

PROTECT HER

Steven's

Kakatapos lang basahin ni Steven ang text message ni Bryce sa kanya na nagsasabing tutungo umano sa Maldives ang kapatid nito at magbabakasyon ng isang linggo bago maging busy sa trabaho. Humingi daw kasi ito ng palugit bago simulan mag-shooting ng gagawin nitong pelikula para naman daw fresh itong tignan sa gagawing bagong proyekto.

Tss. Ang arte.

Iritado niyang saad sa kanyang isip. Magsisimula na kasi siyang bantayan ang bratinelang dalaga. Pero buti na lang ay out of the country napili nitong magbakasyon. Paniguradong mag-e-enjoy din naman siya.

"Maldives. Here we come, baby." Nakangisi niyang kausap sa sarili habang nasa ilalim ng shower. Medyo kailangan lang niyang magmadali ng kaunti sapagkat kailangan niyang makasabay sa eroplanong gagamitin ni Beialeigh na pag-aari ng mga Klatten.

Mabilis niyang tinapos ang paliligo at nagpahatid na sa airport.

Nakapasok na siya ng eroplano nang marinig niya ang boses ng kanyang babantayan.

"I thought we're already leaving. Is there any technical problems going on?" Medyo pataray nitong tanong sa FA na kausap.

"No, Ma'am. We're just waiting for someone na makakasabay niyo sa flight na ito." Magalang naman na sagot ng FA dito.

Nakatalikod ang mga ito sa kanya kaya hindi pa siya napapansin ng mga ito.

"I'm already here." Pagkuha niya ng atensiyon sa dalawang nag-uusap.

Sabay na lumingon ang mga ito sa kanya. So he smiled automatically. Bagay na natutunan niya sa kanyang ilang taong pag-a-undercover sa Pinas.

"Steven?"

Nakakunot ang noo ni Beia na sinusundan siya ng tingin habang umuupo siya sa katapat nitong upuan na isang metro ang layo mula rito.

"The one and only, Miss Gamboa." He winked at her. "I'm also having my vacation at Maldives but originally my plan was next month pa. Pero nung malaman ko na may libre naman akong masasakyang eroplano papunta 'don, I adjusted the schedule of my vacation. Sayang naman di'ba. Mahal ang ticket." Nakangiti niyang paliwanag sa dalaga na halata ang disgusto sa magandang mukha nito na may kasabay itong b-byahe.

"Whatever." Nakairap nitong sagot and he just smirked. "But please, don't irritate me with your nosiness during the flight. I need to rest." Tila pagal nitong pahayag. Agad namang natanggal ang ngisi sa kanyang labi nang matitigan ang itsura nito. Her eyes are a bit swollen.

Did she cry? Hep! Wala ka ng pakialam 'don, Steven.

Ni hindi nga sila close eh! Ang trabaho lang niya ay ang bantayan ito at protektahan kung sakali mang manganib ang buhay nito.

Lingid kasi sa kaalaman ng dalaga ay madalas itong napapadalhan ng mga death threatening notes na maagap lang na naitatapon ni Bryce upang hindi na nito makita at huwag na itong mag-alala pa.

Alam niyang mga kalaban sa negosyo at pulitika lamang ng mga Gamboa ang maaaring gumawa ng mga pananakot sa dalaga at sigurado na rin siya kung sino ang nagpapadala ng mga iyon.

Mabilis lang kung tutuusin para sa kanya na dispatsahin ang taong nasa likod ng pagbabanta sa dalaga para mabawasan ang kanyang iisipin. But where's the fun and excitement of the story kung agad niya namang ilalantad ang kalaban? At isa pa, katulad nga ng nasabi niya kay Bryce. Talagang ma-e-enjoy naman niya ang pagbabantay dito. But he doesn't know exactly the reason why.

Nanahimik na lamang din siya sa kanyang kinauupuan dahil parang nahihipnotismo siyang napatitig na lang sa nakapikit na mga mata ni Beialeigh.

Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na matitigan ito nang malapitan. Magkamukha ang ilong at kulay ng mga mata nito at ng Kuya nitong mayabang na CEO. Maybe they got that features from their mother. Kakaunti lamang ang namana ng mga ito kay Senator Gamboa.

The Secret AgentWhere stories live. Discover now