Chapter 3

3.4K 194 0
                                    

SOMETHING WRONG

Steven's

"Hey! Good morning, gorgeous!" He greeted Beialeigh who is approaching to his table. He also plastered a wide smile on his face. Baka sakaling hindi siya nito malditahan kung magpapaka-nice siya dito.

Tinawagan ito ni Bryce upang makipagkita sa kanya. Mabuti na lamang at nananatili pa din itong masunurin sa nakakatandang kapatid kaya hindi na siya mahihirapan na kausapin ito para kumbinsihin na magback out na sa project nito sa kompanya ni Ronaldi Quevas.

Beialeigh's facial expression on the other hand remains the same everytime na makikita siya. Then afterwards when he started to speak ay mahahalata na agad ang iritasyon sa mukha. She's always telling him that he is a constant annoyance to her. Kaya naman paborito niyang asarin ang magkapatid na Gamboa.

Pero ngayon, walang ibang ipinapakita ang mukha nito. She also seems so bored already samantalang wala pa itong isang minutong nakaupo sa kanyang harapan.

"What is it? This is better be important. Nagagambala niyo na ang bakasyon ko." Walang buhay na ani ng dalaga.

Sinuyod muna niya ito ng tingin bago siya sumagot. The woman is in her usual simple attire. Isang simpleng floral dress lamang na humahakab sa makurba nitong katawan at pares ng simpleng flat sandals lamang na sapin sa paa. Pero dahil isang Beaileigh Gamboa ang may suot ng mga iyon ay nagmukhang elegante ang simpleng kasuotan ng dalaga.

"Order muna tayo---

"Kumain na 'ko." Agap nito sa sasabihin niya sana.

"Oww-kay. In that case ako na lang ang o-order." Pagsuko na lamang niya. "Are you sure you don't want anything?" Pilit niya pa. Because he knew that she lied. Hindi pa ito kumakain. Bantay-sarado niya ito eh. Kaya alam niya kung ano ang mga ginagawa nito. At hindi pa talaga ito nag-b-breakfast.

Tumingin siya dito upang hintayin sana ang sagot nito pero abala lamang ito sa pag-c-cellphone.

He sighed.

Anong nangyari sa'yo, Beialeigh? May nakaligtaan ba 'ko sa buhay ng mga Gamboa at naging stiff ka na rin katulad ng mayabang mong kapatid?

Sabagay ay naging busy siya kamakailan sa DKRC kaya naman hindi na niya gaanong namatyagan ang mga Gamboa.

Kinambatan na lamang niya ang waitress at umorder ng kanyang pagkain. For two na rin ang kanyang inorder dahil baka sakaling magutom ang kanyang kaharap.

"Talk. Sinasayang mo ang oras ko." Wika ni Beia nang makaalis ang waitress upang gawin ang kanilang pagkain.

Nakasuot ito ng dark shades kaya naman hindi niya makita ang magaganda nitong mga mata.

He put his hands on the table and heaved a deep sigh.

"Your brother wants you to pull out your commitment to Blue Star Production. Siya na din ang bahalang umayos at magbayad ng danyos." Panimula niya.

Sa wakas ay inalis nito ang salamin na suot at inilagay sa ibabaw ng ulo.

Halata ang pagtataka sa ekspresyon ng mukha nito. But she remained calm. Akala niya ay magagalit at magsusuplada na naman katulad ng palagi nitong ginagawa sa tuwing magkakausap sila.

"Is that so?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito.

"Yeah. And if you want to know why---

"Okay." Putol nito sa kanya na ikinabigla niya ng kaunti. She even shrugged her shoulder.

That's it? Pumapayag na siya? Agad-agad?
Napabuka din ang kanyang bibig sa pagtataka.

"Hindi mo ba aalamin kung bakit? You know...? The reasons?" Tanong niya. Labis niya talagang ipinagtataka ang mga ikinikilos ng dalaga ngayon. It's not her usual self. Naninibago siya.

The Secret AgentTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang