Chapter 4.2

3K 128 3
                                    

Steven's

"Madrigal?"

Bryce reaction was priceless upon seeing Caleb Madrigal sitting in front of them. Nakasakay na sila sa private jet plane ng Hidden Forces na maghahatid sa kanila sa Puerto Rico.

Alam niyang halo-halo ngayon ang emosyon ng kapatid ni Beialeigh. Lalo pa't halos nasa kanilang tabi ngayon ay mga taong madalas din nitong nakikita na pagala-gala lang sa Dark Knights Riding Club.

Ang kasama din nilang tumungo sa Puerto Rico ay ang grupong sumagip din kay Stevielyne Alonzo at sa pamilya ni Juanczo.

"At your service, CEO." Nakangising ganting bati naman ni Caleb sa binatang iniisa-isang tignan ngayon ang mga kasama nila sa eroplano.

"God! I can't believe this!" Muli pang bulalas ni Bryce nang hindi makapaniwalang halos kakilala niya ang mga kasama nilang magliligtas sa kapatid nito.

"Start talking, Lo. Before I lose my sanity here." Sinulyapan muli nito ang kanilang mga kasama bago nagpatuloy. "Geez! I'm in the middle of processing all of these shits and worrying about my sister's life all at the same time. You better throw all the bombs now, Steven. Hangga't nasa tama pa 'kong katinuan." The arrogant and stiff CEO exclaimed that made him smirked a bit. Ngayon lang niya nakitang nagkaganito ang kaibigan. He is always calm and steady. Suplado pa ito most of the time. But now? Tsk. Tsk. Marahil ay sobrang nag-aalala nga talaga ito sa kapatid na babae.

Kung siya nga ay hindi na mapakali, ito pa kaya?

"Huh! Pathetic!" Bubulong-bulong si Lopez sa kanyang tabi. Habang pinipigilan naman ng iba ang matawa sa itsura ni Bryce. Ang aroganteng CEO ay wala na at napalitan na lamang ng helpless na lalaki ngayon sa kanyang harapan.

Nakaupo ito habang paulit-uli na pinapasadahan ng palad ang buhok at nakatingin sa kawalan. Sigurado siyang kasalukuyan pa nitong pinoproseso sa isipan ang mga kaganapan.

"Okay." Panimula niya para kuhanin ang atensiyon nito. Inilapag niya ang black folder sa harapan ng binata na agad naman nitong binuklat at mabusising tinignan bawat pahina.

"Motherfuckers!" Mura nito sabay palipad ng folder sa ere matapos nitong makita ang nilalaman noon. "I knew it! I knew it!"

Nakapaloob doon ang lahat ng kailangan nitong malaman.

Maging siya ay nagtatagis ang mga bagang sa kanilang mga nalaman.

"Your mother used your s-sister to get Ronaldi's trust. May mga sinabi si Beatrice sa kapatid mo para makuha niya ang tiwala nito at sumama ng kusa sa Puerto Rico." Walang emosyon niyang hayag. Parang may bikig din kasi sa kanyang lalamunan at nahihirapan siyang magpaliwanag sa lalaki. His emotions is betraying him. Kailan pa ba siya huling nagpaapekto sa kanyang nararamdaman? He can't remember.

Ngayon lamang niya naintindihan kung bakit parang wala ng pakielam si Bryce sa ina ng mga ito. At kung bakit tanging si Beialeigh na lamang ang may gustong magkapabalikan pa ang mga magulang ng mga ito. Marahil ay iyon ang ginamit ni Beatrice Gamboa bilang panuhol sa dalaga.

God-damned!

"Nakita ko ang folder na 'yan sa cottage na inuukopa ni Miss Gamboa." Lopez interfere. Ito kasi ang naatasang mag-imbistega sa Maldives kung saan sinimulan ang imbestigasyon sa pagkawala ni Beialeigh. "She also left her things there. Hindi rin siya nag-check out. She just left from Maldives and go straight to Philippines. And possibly meet with your mother there." Bumaling sa kanya si Lopez. Encouraging him to continue what he is about to say.

The Secret AgentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora