Chapter 8

2.6K 180 2
                                    

HIS FEELINGS


Steven's

Naistatwa sa kinatatayuan si Steven nang makita ang suot ni Beialeigh. O mas tamang sabihing-- kinulang ito ng suot na pang-ibaba.

Napakadami na niyang nakitang mga babaeng halos hubad na. Isama na rin ang mga babaeng naikama na niya. Ilang beses na rin niyang nakita ang mga sexy IG photos ni Beialeigh pero iba pala ang magiging epekto nito ngayong personal na niyang nakita. To think that he saw her milky legs and her delectable buttocks only, but damn! Nawala yata ang kanyang huwisyo.

Kung ganito naman ng ganito ang mapapala niya sa pagiging sunud-sunuran niya sa mga utos ni Bryce eh hindi na talaga siya magdadalawang isip na sundin lahat ng utos nito--- kapalit ng kasalanan niya at ng FBI sa mga Gamboa.

Maging ang kanyang alaga ay automatic na nabuhay sa hindi inaasahang tanawin.

"Calm down, buddy. Calm down. She's off limits." Pagpapakalma niya sa alaga at tinapik-tapik pa ito upang maibsan ang pag-iinit noon.

Kung naiibang babae lang si Beialeigh, malamang, kanina pa ito humihiyaw sa sarap na dulot ng kanyang ekspertong pagpapaligaya sa mga kababaihan. Ngunit may mga binitawan siyang salita kay Bryce.

"You said, gusto mong makabawi sa pamilya ko sa perwisyong naidulot niyo sa'min. That's why I'm appointing you to be my sister's personal bodyguard habang andito ka pa sa Pilipinas. But please, huwag mo na lang ulit gagawin ang bigla na lang mawawala na parang bula-- just like your code name. Beia's safety is our most priority." Seryosong saad ni Bryce habang prenteng nakaupo sa swivel chair nito.

"Makakaasa ka, bayaw." Nakangisi niyang sagot.

Agad naman nalukot ang mukha ng kausap.

"Binabalaan kita, Agent Bubble. Huwag ang kapatid ko. You're no good for her. Hindi kita pipigilang makipag-kaibigan sa kanya but don't you dare include her in your list. She's off limits." May pagbabanta sa tono ng pananalita ng binata. Binigyang-diin pa nito ang salitang 'kaibigan' na nagpapahiwatig na hanggang doon lang dapat siya at bawal siyang lumagpas sa linya.

Naglaho ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. The word "You're no good for her" hit him real hard.

Una sa lahat, wala siyang balak isali ang dalaga sa mga babaeng nagdaan sa buhay niya sapagkat si Beialeigh ang tipong pangmatagalan at inihaharap sa dambana. But unfortunately, he stopped entering serious relationship when a certain woman broke his heart. Keena is her name. His first love and childhood sweetheart. His first in everything.

But when he joined his Uncle Martin's team para hulihin ang mga pumatay sa kaniyang ama ay nagsimula na rin siyang maging busy. Halos mawalan siya ng oras sa kaniyang sarili at pamilya. Hindi iyon naintindihan ni Keena at nakipaghiwalay ito sa kanya.

Nagmakaawa siya sa kasintahan na huwag siyang iwan. Nangako pa siya noon na pagkatapos niyang lutasin ang kaso ng kanyang ama ay aalis na siya sa pagiging agent at papakasalan na niya ang dalaga.

Nadaan naman sa pagmamakaawa niya si Keena at nagkabalikan sila. Ngunit ilang buwan makalipas noon ay natuklasan niyang nagdadalan-tao ang kasintahan. At imposibleng siya ang ama. Sapagkat sa mga buwan na iyon ay nasa misyon pa siya. At simula noong magkabalikan sila ay wala pa ulit nangyari sa kanila ni Keena.

The Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon