Chapter 18

2.3K 84 1
                                    

"REGRETS"


Steven's

After what happened in Mexico, Steven decided to take a break and think things through. Realizations hit him hard after that horrific incident. Luckily no one died on his team but most of them are wounded and cannot go back to training for now. Which only means, na matatagalan pa bago maging opisyal na mga Navy SEAL ang mga ito.

Pagkatapos ng kanilang de-briefing ay napakaraming bagay-bagay ang pumasok sa kanyang isipan. Kasama na roon kung dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang lahat.

Ilang pagkakataon na ba na nanganib ang kanyang buhay dahil sa pagiging isang secret agent noon sa FBI? At ngayon ay bilang isang sundalo para ipagtanggol ang karapatan at kaligtasan ng mga mamamayan hindi lang ng bansang Amerika kundi pati na rin ng buong mundo. Ngunit naiba ang sitwasyon nang may isang tao na binawian ng buhay upang siya ay mailigtas sa tiyak na kapahamakan.

He's torn between giving up his biggest dream and going home to his lovely wife. Ngunit ayaw naman niyang umuwi ng Pinas hangga't wala siyang maipagmamalaking achievement sa pamilya ng kanyang asawa.

He misses his wife so damn much ngunit alam niyang kapag tinawagan niya ito ay magre-request ito ng video call at ayaw niyang makita siya ng mahal na asawa sa ganitong uri ng kalagayan. He looked like a mess right now at nakasisiguro siyang mag-aalala si Beialeigh ng husto kapag nabistahan ang kanyang kamiserablehan ngayon.

He took his phone out, but instead of dialing Beia's number, he dialed the first person whom he loved for so long.

Napalunok siya ng sagutin nito ang kanyang tawag at marinig muli ang malambing nitong tinig.

"M-mom..." He whispered.

[Steven, anak? Oh, thank heavens you're safe. Salamat, Panginoon ko.]

"Ako pa ba, Mom?" Biro niya kahit ang totoo'y nagsisimula na siyang maging emosyonal.

Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong uri ng kalungkutan. Maybe because he's still mourning of Alejandro's sudden death and missing his wife at the same time. He really feels empty inside. At ang kahungkagan na kanyang nararamdaman ang siyang lalong nagpapahina sa kanya ngayon.

[Silly.] His mother chuckled on the other line. He smiled but didn't reach his eyes.

[So. How was it?] Tukoy nito sa kanyang training.

His mother knew everything including his secret marriage. Maging ang kanyang pagiging isang secret agent dati sa FBI ay ipinagtapat na niya rito bago pa man siya magsimula sa SEAL.

"It's b-brutal, Mom..." May himig pagsusumbong niyang tugon. And the vivid memories of Alejandro suddenly came along. His dead body lying on top of him. Lifeless.

Nagbalik sa kanyang ala-ala ang kabayanihan nito at kung paano ito nalagutan ng hininga sa ibabaw niya.

His mother gasped.

[Oh, anak ko... Are you alright?]

He want to say no but he wouldn't dare to. Dahil katulad ng kanyang asawa ay ayaw niyang mag-alala ang kanyang ina.

"I'm good, Mom. Don't worry about me here. It's just that, I miss home already. I miss my wife..."

[Ah.. You sounded like your father when he was away from us.] Malambing nitong sabi.

"I miss you, Mommy." Pag-amin niya.

Natahimik ang kanyang ina at kapagkuwan ay naririnig na niya ang tahimik nitong mga hikbi.

[Oh, son. You don't know how much I miss you too and how much I wanted to tell you to come home now. Pero ayokong maging hadlang sa mga pangarap mo because that's so selfish. But you promised that you'll be okay, right?]

Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. He sobbing like a lost child.

[Pero ngayon, parang gusto ko ng maging selfish dahil alam kong hindi ka na masaya diyan.]

"M-mom.." He sobbed.

[Hindi na kita pinigilan noong nagpaalam kang papasok diyan because I thought that it will make you happy. Edward anak, uulitin ko sa'yo. You don't need to prove yourself to anybody, dahil ang taong tunay na nagmamahal, kayang tanggapin ang kahinaan at hindi lang ang kalakasan. And I want you to know that I'm so proud of you, my son. And I know that your wife is proud of you too. Piliin mo naman ang sarili mo ngayon, anak. Huwag 'yung puro ibang tao na lang ang inuuna mo. Tandaan mo, ang mararamdaman ni Beialeigh ang pinakamahalaga at hindi ang iisipin ng ibang tao. Huwag mong masiyadong ibaba ang sarili mo because you're not.]

"I...I honestly don't know, m-mom. I don't know what to do... I don't know."

[You know it, Edward. Ayaw mo lang gawin dahil natatakot ka. C'mon, son. You're a one brave man pero bakit pagdating sa mga ganitong bagay, naduduwag ka? Kung nabubuhay lang ang daddy niyo, I'm sure he will told you this also. May kasama pang batok.]

They chuckled with the memories of his father with the way how he scolded them.

[Kidding aside, anak. Sa tingin ko mas kailangan ka ng asawa mo kaysa ng US Navy. Don't mind her family. I'm sure eventually matatanggap ka rin nila kung sino ka talaga at kung ano lang ang kaya mong maibigay sa prinsesa nila.]

Sa totoo lang ay ilang beses nang pumasok iyon sa kanyang isipan. Sadya lang talagang naduduwag siya sapagkat sa tingin niya ay walang-wala siya kumpara sa mga Gamboa. Isa lamang siyang simpleng tao bago napasok sa FBI at SEAL team.

"I'll think about it, mom."

[You better should, anak. Aba! Tumatanda na ang mommy mo. Gusto ko ng makita ang apo ko sa'yo bago ako sumunod sa dad niyo.]

"Mom! Don't say that please."

[Kung ganon, ipakilala mo na sa'kin ang asawa mo sa lalong madaling panahon. I only saw her on magazines and ads. But I can say that Senator Gamboa's daughter is very beautiful. No doubt, nabihag niya ang puso mong pihikan.]

Alam ng kanyang ina kung gaano siya nasaktan noon sa ginawa ni Keena. Maging siya ay hindi inaakalang magmamahal pa ng higit sa pagmamahal na naibigay niya para sa dating kasintahan. Mahal na mahal niya si Beialeigh higit sa kung ano pa man. Kaya wala naman sigurong masama kung ipaglaban niya ang kanilang pagmamahalan.

Nagpaalaman na silang mag-ina matapos ng ilan pang kamustahan.

Nagsisisi siya noong mga panahong naduwag siya at mas piniling ituloy ang kanyang pangarap dahil sa tingin niya ay yoon lamang ang tanging paraan para matanggap siya at mapatawad ni Bryce. Ngayon ay buo na ang kanyang pasya. Magiging matapang na siyang harapin ang mga Gamboa at ipaglaban ang pagmamahalan nilang mag-asawa.

The Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon