Chapter 17

2.3K 92 0
                                    

"BULLETS"

Steven's

Mexico

"How are they?" Steven asked one of his colleague, Javier.

"Romero still have fever and the rest are getting better." Sagot nito na ang tinutukoy ay ang mga kasamahan nilang sugatan sa naganap na sagupaan nila laban sa mga rebelde at terorista.

Kasalukuyan silang nasa isang kabundukan ng Mexico na napakalayo sa kapatagan at kabihasnan.

Pinadala sila roon ng US Navy upang makipag-negosasyon sana sa mga rebeldeng Zapatista at gumawa ng kasunduan upang hindi na umabot sa giyera ang hidwaan ng mga sundalong amerikano at ng mga rebelde.

May nakapagbigay rin kasi ng impormasyon sa US government na nakikipag-ugnayan na sa naturang grupo ng mga rebelde ang mga kilala ring grupo ng mga terorista upang i-recruit ang mga Zapatista at maging kaisa ng teroristang IILF o International Islamic Liberation Front.

Ngunit sa gitna ng pagsasagawa nila ng peace and order agreements kasama ng mga Zapatista ay hindi nila inaasahan ang pagdating din ng IILF. Nagalit ng husto ang mga ito nang maabutan sila kaya humantong sa isang mainit na labanan.

Nahati ang mga Zapatista sa dalawang grupo. Ang isa ay sang-ayon sa peace talk at ang isa naman ay tutol roon at tuluyan nang umanib sa IILF.

May mga namatay at nasugatan sa engkwentro but luckily, sugatan lamang ang mga kasamahan niyang SEALs at hindi sila nalagasan at ang mga namatay lamang ay nasa panig ng IILF. Siya ay may daplis lang na tama ng baril ngunit hindi naman niya iyon iniinda.

"How are you brothers?" The leader of Zapatista asked. Alejandro de Reyes. Ito ang tumulong sa kanila laban sa mga terorista.

Siya naman ay ang tumatayong leader ng kanyang team.

"We're fine. Thanks for asking and for your help. We really appreciate it." He said sincerely.

"I want to say sorry for my brother's action. He's young and wild and very very hard to tame. But I assure you that this will not happen again." Muling saad nito sa matigas na ingles at halata ang punto ng pagiging Mexicano. Isa ang kapatid nito sa umanib na sa IILF.

"I cannot tell you that it's okay. But as you can see, they're the main reason why we're still here." Saad niya.

Hindi kasi makaalis sa lugar na iyon hangga't hindi pa tuluyang gumagaling ang kanyang mga kasamahan na nasugatan sapagkat alam nilang inaabangan ng IILF ang kanilang paglabas sa kanilang pinagkakanlungan.

Inabisuhan na rin nila ang kanilang base camp sa kanilang lokasyon ngunit pinatigil niya ang akmang pag-rescue sa kanila sapagkat nababatid niyang mas magdudulot iyon ng mas malaki pang kaguluhan at baka madamay pa sina Alejandro. Alam niyang walang sinasanto ang SEAL Team pagdating sa mga ganitong sitwasyon kaya naman iniiwasan niyang may mga inosente pang madamay.

Sa ilang araw nilang pananatili kasama ng mga rebelde ay napatunayan nilang hindi naman likas na masasamang tao ang mga ito. Naging mabuti ang mga Zapatista sa kanila at ang mga ito pa ang gumagamot ngayon sa kaniyang mga kasama. Nangako din si Alejandro na sasamahan silang makababa sa kapatagan sa oras na bumuti na ang kanilang kalagayan.

The Secret AgentWhere stories live. Discover now