Kabanata 5: Pagbabago

62 7 0
                                    

"Ate!!! Ate!!! Gising!!!"

I immediately get up on my bed dahil, sa malakas na boses na iyon ng aking bunsong kapatid na si Kezia. Aish, inaantok pa yung tao, ka-aga-aga nanggigising. Ano na bang oras na at-.....!!!!

O_________O!!!

Gulat kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Nakabukas na ang bintana, nasa gilid ng kama ko ang aking study table at higit sa lahat. Nandito ako sa loob ng aking kwarto!!! T-teka nga. Bakit ako nandito sa aming bahay? Inalala ko ang mga nangyari kagabi.
Ako at si Dyna, nasa isang mansion. Kinuha ang isang libro tapos tinakasan yung kapreng taga-pagbantay ng mansyon. Then lumutang kami at nabitawan niya ako.

Wait...what!!!! Nabitawan niya ako!! That means, nahulog ako.
Agad kong nililis ang aking suot na pajama at jacket para tingnan kung may mga galos. M-meron nga. Pero mga nagamot na ito. But how did I get home? Nasaan si Dyna?

I look at my sister and was about to ask ng unahan na ako nito.

"Kung itatanong mo kung paano ka nakauwi, isang grupo ng kabataan ang nagdala sa iyo sa hospital nung nakaraang linggo. Nakita ka daw nila na walang malay na nakahiga malapit sa malaking puno ng acacia at ang sabi nila marami kang sugat sa katawan. Ate, umakyat ka ba sa puno ng acacia? Abnormal ka na ba ate?" Hindi makapaniwala nitong tanong sa akin matapos magpaliwanag.

Sinamaan ko ito ng tingin at binato ng unang pinaka-malapit sa akin.

"Hindi ako abnormal okay. Nga pala, nasaan na ang gamit ko. M-may libro ba kayong nakita?"

She think for a while saka ako nginitian.

"Ah, oo, nung nasa hospital ka, ibinigay sa amin yung mga gamit mo. Pero wala naman kaming nakitang libro eh. Tingnan mo." She answered at kinuha sa may sofa yung bag ko. She open the zipper at tiningnan ang laman.

"Wala ditong libro." She said saka pinakita sa akin. Kumunot naman ang noo ko ng makitang nandoon yung libro. Nalilito ko siyang binigyan ng tingin.

"W-walang libro?" I ask at sunod sunod naman ang naging tango nito.
"Pero nakakapagtaka ate ang bag mo kasi ang bigat eh notebook lang naman ang laman." She said at ibinigay sa akin ang aking bag saka ako iniwan sa loob ng kwarto ko.

Hindi niya ba talaga nakita yung libro? I shook my head dahil baka hallucination ko lamang iyon. Pero hindi niya talaga nakita eh. I took a sigh and get the book. Magaan lang naman ito pero nabibigatan na si Kezia. Sabagay bata pa naman ang isang iyon.
Pinagpagan ko ang libro saka binasa ang nakasulat sa cover ng libro.

"Lluñira de Mandirigma."

Buti na lamang at marunong akong magbasa ng baybayin dahil kung hindi. Kailangan ko pa itong i-translate. I trace the golden crystal by my hand, ganun na din ang iba pang diamonds na nasa paligid nito. Nice design. Bakit kaya ito gustong makuha ni Dyna? And speaking of her. Nasaan na ba ang kaluluwang iyon? May atraso pa iyon sa akin sa pagbitaw niya sa akin kagabi. Hindi naman ako ganoon kabigat eh. Tsk.

"Ate, hindi ka ba papasok sa school ngayon? Isang linggo kang absent dahil isang linggo ka ring tulog."

O_____________O!!!

I look at Kezia leaning on the door with wide eyes.
A-ako? I-isang linggong tulog? Hindi nga!!!!!!

***

"Welcome back Ms. Lapaz, we're glad you're awake."

Bungad sa akin ng aming professor ng math na si Sir Kael. He's in the mid-20s kaya bata pa lamang siyang tingnan. Nauna lang sa batch namin ng apat na taon at nag-apply dito na magturo. Tumango na lamang ako bilang pagbati saka umupo sa upuan malapit sa mini book shelf ng aming classroom.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now