Kabanata 6: Esmeraldang mga mata

56 8 0
                                    


This is crazy. Sinabi sa akin nina Mina at Mike ang lahat ng nangyari. They told me that they saw me heading towards the acacia tree pale and blank. Hindi daw nila ako sinundan dahil sa may iniutos daw sa kanila ang kanilang mga magulang. Then nabalitaan na lang daw nila na may grupo ng kabataan na nakakita sa akin na nakahandusay sa tapat ng malaking puno. May tali sa leeg at maraming galos sa katawan. They bring me to the hospital at ayun na nga. Nakatulog ako ng isang linggo dahil doon. Agad naman daw na kumalat ang balitang iyon dito sa university, sinasabi na kaya ko daw iyon ginawa ay dahil sawa na daw akong maging teachers pet. Ang sabi pa ay nagpapapansin lamang daw ako. Tsk.

As if naman maniniwala ako doon! I know what happen at malinaw iyon sa alaala ko. I just want to know where's Dyna is. Siya ang makaka-pagsabi sa akin ng tunay na mga nangyari.

"Hindi ka ba talaga naniniwala?" Tanong ni Mike. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno ng acacia na sinasabi nila. Ang puno ng acacia na nasa gilid ng entrace gate ng aming university. Buti na lamang at walang mga gasinong tao ngayon at walang makakarinig sa aming pag-uusapan. I coldly look at them. Mukha ba akong naniniwala?

"No! The heck with that story! Alam ko ang nangyari sa akin okay. May kaibigan akong multo at kasama ko siya ng pumasok kami sa isang hidden mansion sa Mendiola Street. Then nakuha namin ang librong hinahanap namin which is ang Lluñira then dumating ang kapre na taga-bantay ng mansiyon and then lumutang kami palabas para tumakas and then nabitawan niya ako dahil sa mabigat daw ako and then....everything wents blank. That's it!"

Gulat na tulala ang dalawa sa aking tinuran. Mike on his—I don't know what you're saying— face, and Mina on her—Are you crazy?—reaction. Agh! Bakit ko nga ba iyon sinabi sa kanila eh hindi naman sila maniniwala?

"Ah, ayos ka lang Luna? Talaga bang gising ka na or—"

"It's Karie! Not Luna!" Inis kong saad kay Mina na ikinatigil naman nito.

"Don't dare to call me crazy at wag niyo ring sabihin na hindi kayo naniniwala sa akin dahil alam kong hindi kayo tao okay!"

I snap at them na mas lalo pa nilang ikinagulat. Napa-face palm pa si Mike. Sumeryoso naman ang gulat na mukha ni Mina kasabay ng malamig na pag-ihip ng hangin. So, tama nga ang hula ko? Isa na namang mythical creature ang nakausap ko. Aishh!! Asan ka na ba kasi Dyna?

"How do you know?" She ask at nakalutang na siya sa hangin na napapalibutan ng mga dahon. Engkanto pa ata ngayon ang nasa harapan ko.

(—_________—)

"Hinulaan ko lamang, iba ang presensya ng mga kagaya ninyo sa mga tao. Saka pansin ko kanina nung umorder kayo ng same foods sa caffe, parang first time niyo pa lamang iyong nakain." I answered at tumango naman si Mike.

Kita ko ang pag-rehistro ng gulat sa kanilang mga mukha.

"Ikaw nga talaga ang pinili."

Sambit nito na hindi ko maintindihan kung ano.

"Kayo ba ang may pakana ng nangyaring iyon sa akin?" I ask. Ang dami kasi nilang alam sa nangyari eh. Ayoko namang mambintang pero clueless ako kung paano talaga yun nangyari sa akin. Tsk.

"First of all, hindi kami diwata, at kung gusto mo talagang malaman kung anong nangyari, o sige, sasabihin namin sa iyo."

Panimula nito sa sasabihin. Kita ko ang biglang pag-seryoso ng mukha ni Mike sa tinuran ng kanyang kakambal.

"Kaming dalawa ni Mike ay ang mga engkantong nakatira sa dalawang punong mangga na pinagbagsakan mo nung gabing lumabas kayo ni Dyna sa bintana ng mansion. Marahil iniisip mo na nakakatakot dapat ang hitsura ng mga engkanto pero nagkakamali ka. HINDI LAHAT. Kaming dalawa ni Mike ay mga engkantong tinatawag na Diyole. Ibig sabihin, kalahating engkanto at kalahating Lakda. Lakda ang tawag sa mga taong piniling bigyan ng iba't-ibang kakayahan na naninirahan sa Lantria."

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now