Kabanata 28: Arnis

36 6 0
                                    

(Note: I don't know the whole legend about the mountain. So, hindi lahat ng mababasa ninyo ay tunay, at ito ay malayo sa mga kwento na naririnig ninyo patungkol sa bundok. I just write according to what I imagine. So, if you know something about legend and myth. I'm asking for your help to correct me and guide me. Enjoy.- jewelofthediamond)

At Lantria:

Zapira's POV

"Wala ba tayong gagawin? Hahayaan na ba nating makuha sila ng mga nilalang na iyon?"

"Kumalma ka muna Zap. Naliliyo na ako sa kakalakad mo pabalik-balik."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh di huwag mo akong tingnan kung naliliyo ka."

He sigh and look at the hologram where we saw Luna and the others hiding inside an old house while the old man fights against the dak creatures. Ano bang katangahan ang nasa isip nila at hindi man lamang nila tulungan yung matanda?

"Nabahag na ba ang mga buntot nila? Dapat nilang tulungan si Tatang!"

*pak!

I glared at Cluian who suddenly hit my head. He just give me a smirk and then his face turn serious.

"Para mailigtas ang mga Lakda, kinailangan nilang magpanggap na mga tao. Sa oras na malaman ng mga nilalang na iyon na sila ay mga Lakda. Mapapahamak sila. Hindi na sila makakalabas sa bundok na iyan kahit gamitin pa nila ang kanilang kakayahan. Pero kung tao sila, maaari nilang mahanap ang daan para makalabas."

"Kung ganoon, hindi nila maililigtas yung limang lakda na nawala diyan?"

He sigh na parang nagtitimpi siya sa akin. Tsk. Masama bang magtanong?

"Maililigtas nila yung lima kung hanggang sa huli ay hindi malalaman ng mga nilalang na sila ay Lakda."

He answered and sit on the sofa and cross his arms. Lihim akong napamura ng lumabas yung muscle niya sa braso. Agad kong iniiwas ang tingin ng tumingin siya sa akin. Tangina naman self. Magunos dili ka.

Tumingin na muli ako sa hologram at pinanood ang nangyayari sa bundok na iyon.

At Mount San Cristobal
Time: 6:50 pm

Leo's POV

Hindi ito maganda. Hindi pa rin natatpos ang ingay ng mga atungal ng mga nilalang na nasa labas. Si tatang naman ay panay ang sibat sa mga nagtatangkang lumapit sa kubo niya. Napansin ko ang isang transparent na barrier na nakapalibot sa buong kubo na pilit sinisira ng mga itim na nilalang na iyon.

"Ang lakas ni tatang."

Jeter mumbled and lean on the wall. Naikuyom ko ang aking kamay nang makitang unti-unti nang nababasag yung barrier. Natamaan ng sibat yung isang nilalang kaya umatungal ito ng malakas at binundol ang barrier. It almost crack. Tumakbo naman si tatang papasok ng kubo at pumasok sa kwarto kung nasaan kami.

Pawisang-pawisan ito at bakas sa mukha ang pag-aalala.

"May lihim na lagusan sa ilalim ng kubong ito. Kailangan niyo nang makaalis, masisira na nila ang pananggalang na ginawa ko."

Pagkasabi niya noon ay hinatak niya ang kahoy sa gilid at bumukas ang sahig na ikinabagsak ni Gelo sa ilalim.

"Aray! Ano bang klaseng tunnel ito?"

Inihagis sa akin ni tatang ang isang sulo na kanyang sinindihan, hawak naman ni Jeter ang isa. Binigyan niya kami ng sibat at ilang gamit na maaari naming gamitin pangdepensa laban sa mga nilalang na iyon.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now