Kabanata 35: Pagtakas

28 2 0
                                    

Luna's POV

Hindi ako makagalaw. Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa spell na inilagay sa akin ng kanang kamay ng Hari na si Eliko. Tinangka kong kunin sa kanila si Kezia pero hindi ko na nagawa dahil nakita agad ni Eliko ang ikikilos ko. Hindi ko naman alam na isang wizard ang isang iyon.

Pinatulog nila si Kezia at wala itong ka-alam apam na ginagamit siya ng itinuturing niyang Kuya. Gusto kong magalit sa haring iyon pero hindi ko maipakita ang galit ko. At hindi ko alam kung bakit.

"Akiya, sa tingin mo, bakit gustong sakupin ni Lucian ang buong academy?" ,tanong ko sa aking isip. Lumitaw naman sa aking harapan si Akiya at umupo sa gilid ng kama.

"Ano bang meron sa academy?" ,dagdag ko pa.

"Ang academy ang pinakang-puso at namumuno sa Lantria. Sa academy umaasa ang lahat ng nilalang na nandito," paliwanag niya saka itinapataa kadena na nasa aking kamay ang kanyang palad. Lumiwanag ito at unti-unting nabasag na parang salamin ang kadena.

"Bakit hindi tumutulong ang mga diyos at diyosa dito? Sila ang lumikha ng mundong ito diba?" ,saad ko. Ngumiti siya sa akin. Umalis ako sa kama at kinuha ang aking damit saka nagbihis, "Wala ba silang pakialam sa mga nilalang na nandito?" ,dagdag ko pa.

"Alam nila na ang nangyayaring ito ay nakasaad sa propesiya, at hindi sila dapat mangialam," ,anas niya. Magtatanong pa sana ako ng bigla na lamang siyang mawala. Bumuntong hininga ako. Nakarinig ako ng mga yapak ng mga paparating na kawal kaya agad akong naglaho. Lumitaw ako sa loob ng kwarto ni Kezia.

Hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Bantay sarado pa ng mga maid at ilang kawal.

"Bakit kaya hindi na lamang kuhanin ng mahal na hari si Reyna Andra?" ,sabi ng isang maid. Inilapag nito sa gilid ng lamesa ang pinunasang baso at muling nagsalita, "Sigurado naman ako na nagmamahalan parin sila kahit isang daang taon na ang nakakalipas," dagdag nito.

Andra? Sino si Andra?

"Ano ka ba. Hindi iyon magiging madali—",naputol ang sasabihin ng isang maid ng marinig namin ang isang malakas na sigaw mula sa isang kawal na sa palagay ko ay nanggaling sa aking silid, "NAKAWALA ANG MANDIRIGMA!"

Anunsiyo nito at nagmamasaling kumalat sa buong sulok ng palasyo ang mga kawal. Maging dito sa silid ni Kezia.

"Sigurado akong pupuntahan niya ang kapatid ni Reyna Andra kaya magbantay kayong mabuti sa silid na ito," saad ng kawal na pumasok. Natigilan naman ako.

Kapatid ni Reyna Andra? Sino? Si Kezia? Kapatid siya ni Reyna Andra? Pero si Zapira ang kapatid ni Kezia. Wait. Zapira Heandra Scott. He-Andra.

O____o

I mentally slap myself. Kung ano-ano ang nabubuong ideya sa isip ko. Kailangan kong malaman kung totoo ba yun o hindi, hindi yung eto ako at nainiwala sa sarili komg haka-haka. Tiningnan ko si Kezia na mahimbing na natutulog. Hindi pa kita maisasama paalis dito, pero babalikan kita.

Umalis na ako sa silid at nag-teleport palabas ng kastilyo. Lumitaw ako sa gilid ng dalawang puno kung saan tanaw ang eleganteng palasyo ng Falleria. Kailangan ko ng makabalik agad sa Lantria. Akmang hahakbang na ako paalis ng biglang lumitaw sa aking harapan si Eliko.

"Ipagpaumanhin mo Binibini, ngunit kamatayan ko ang kapalit sa oras na malaman ng hari na ikaw ay nakatakas," malumanay niyang saad at nag-summon ng dalawang wild lion sa magkabila kong gilid. Hindi ito katukad ng leyon na nakalaban ko noon sa academia. Malaki ang pagkakaiba nila. Hindi ba nanggaling sa Falleria ang lion na nakalaban ko noon? Tsk.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now