Kabanata 13: Fire and Water

43 6 0
                                    

Luna's POV

"Damn it! Ano bang ginagawa natin dito sa bundok na ito? Ang daming nakasunod sa ating dwarfs oh!"

Reklamo ni Zapira sa mga kasama habang naglalakad sila paakyat sa kung saan mang parte nitong bundok. May papadyak-padyak pa itong nalalaman. Paano ba naman kasi, yung mga dwarf na nakasunod sa kanila, kumakapit sa binti ni Zapira. Ang ku-cute naman nung mga dwarfs, kaya ewan ko ba sa babaeng ito. Sobrang arte. Pasalamat siya at yung mga dwarfs na sumusunod sa kanila eh mababait.

"Can you just shut your fucking mouth Zap. Bundok ito okay, bawal ang maingay." Iritableng saad ni Ela. Dahilan para mapatigil si Zap at masamang tumingin sa kasama.

"Excuse me? Did you just call my mouth fucking?"

Okay, smells trouble. Lumayo ako ng kaunting distansya sa kanila ng mamuo ang tensyon sa pagitan ni Ela at ni Zapira. I feel they will gonna fight using their ability. Gustuhin ko mang manood ng malapitan upang makita ang kakayahan nila ngunit mas minabuti kong lumayo. Delikado. Mabisto pa nila akong nakasunod sa kanila. Though I'm still invisible.

"Yes I said it. Bingi ka ba? Gusto mo ulitin ko? Sige, as you wish. Shut your fucking mouth!" Ela muttered dahilan para umusok ang ilong ni Zap.

"Hindi ako bingi Ms. Khan!"

"Then why do you ask again if your not deaf? Ano nagta-tanga-tangahan?"

"Call me stupid again and I will burn you into ashes!"

Banta ng pikon na si Zap at pinag-liyab ang kanyang kanang kamay. Fire ability? Nope, it's not only that. It's not just fire. It's shining red. Like a treasure. A ruby. The Flame of Infinite Ruby! She can do that? Like me?

Hindi na ako magugulat kung bakit Zapira ang kanyang pangalan.

"Then do it Scott. Alam mong walang laban ang apoy sa tubig. I hold the Waves of Sapphire Spirit. I can kill your fire on just one touch."

Mapag-malaking saad ni Ela at naglabas ng kumikinang na tubig sa paligid ni Zap. Wala naman nagawa itong isa at inis na inihagis ang kanyang apoy sa pinaka-malapit na puno. The tree burn into ashes. Nagsi-liparan naman ang mga nakatira ditong ibon paalis. Napa-nganga ako. So, ganun pala talaga kalakas ang kanyang apoy lalo na kapag na-master na ng may kakayanan ito.

Zapira give Ela an intense glare in defeat. Wala namang pakialam sa kanilang dalawa ang tatlong lalaki na tahimik na naglalakad sa kanilang unahan.

Waves of Sapphire Spirit? Is that water? Ah, yeah. It's water. Pero bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ni Zap ng bantaan siya ni Ela? Fire is the strongest element so why is she afraid of water? Kahinaan nito ang tubig, pero malakas ang apoy niya. Ang tanga niya naman kung hindi niya iyon alam.

I look back on the ashes of the burned tree when I saw a little enchantress crying. Tsk. Mukhang tirahan nito ang puno. She is wearing a white dress, pointed ears, small sky blue eyes, long white hair, and a flower crown. Isang munting diwata ang nawalan ng tirahan at hindi man lamang ito pinansin ng mga taong iyon.

Nakaramdam ako ng inis kay Zapira. She should think that some creatures are living here on this mountain! Hindi yung basta basta na lamang soyang mansusunog! Para naman siyang katulad ng mga ibang taong mortal sa ginawa niyang iyon!

I approach the little enchantress and kneel in front of her.

"Uhm, ikaw ba ang nakatira sa punong nasunog?"

Saad ko dito. Tumigil ito sa pag-iyak at gulat na tumingin sa akin. Tumayo ito, tumayo rin ako.

"Kaibigan ka ba ng Lakdang iyon? Nandito ka ba para ako naman ang saktan mo?"

I heaved a sigh. Kitang kita ko ang galit nito kay Zap.

"Hindi ko kaibigan ang mga Lakdang sinasabi mo. Tinatanong lang kita kung ikaw ba ang may-ari ng punong nasunog?"

Nawala ang galit sa mukha nito at nag-simula na uling umiyak. Parang may kung ano namang kumirot sa aking puso ng makita siyang tumatangis. Suddenly, I could feel her sadness and pain too. Bumibigat at naninikip ang aking dibdib dahil doon. Mukhang sobrang halaga ng punong iyon sa engkantong ito.

"Oo, ako ang may-ari ng punong sinunog niya. Iyon ang punong pinag-iwanan sa akin ng aking ama at ina para alagaan at protektahan."

She answered while sobbing. Unti-unti namang nagsi-lapitan sa kanya ang ilang dwarfs na nakatira sa paligid at sinusubukan siyang patahanin.

"Nasaan ang mga magulang mo?"

Hindi ito sumagot. Lumapit sa akin ang isang enchantress na nakatira sa katabing malaking puno at malungkot na sumagot.

"Wala na sila. Pinutol ng mga tao ang punong tinitirhan at pinoprotektahan ng mga magulang ni Paroa. Ng maputol ang puno, walang nagawa ang mga magulang niya kundi ang bumalik sa Lantria at iwan si Paroa dito upang gampanan ng mag-isa ang responsibilidad nito dito sa bundok na aming binabantayan."

So, Paroa is her name. How cute. Bumuga ako ng hangin. Hinsi ko akalaing may mga responsibilad sa kalikasan ang mga kagaya nila. Ang mga tao kasi, madalas walang pake sa kalikasan. Alam nilang may posibilad na may mga nilalang kagaya nina Paroa ngunit ginagawa pa rin nila ang gusto nila. Kapag may ipapatayong building sa kung saan saan. Putol lamang sila ng putol ng puno. Akala ata eh, pagma-may-ari na ang mundo.

"Hindi ko alam na may ganyan din pala sa mga kagaya ninyo."

I muttered.

"Isa ka bang lakda? Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ang mga batang iyon?"

Tanong ni Paroa. Alam kong sina Leo ang tinutukoy niya pero bakit tinawag niya itong bata? Tila nabasa naman nito ang iniisip ko kaya naman sumagot ito.

"Isang libong taon na ako. Mas matanda pa ako kay Aya." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Paroa.

Tumango naman itong katabi niya which is si Aya.

"Isang daang taon naman ako. Si Paroa kasi, naudlot ang paglaki kaya ayan,   mukha pa rin itong bata."

Saad naman nito at ginulo ang buhok ni Paroa. Ah, kaya pala, bata ang tawag nila sa amin. Looks can be really deceiving.

"Ikaw? Hindi mo pa sinasagot ang tanong namin."

Sabay pa nilang tanong.

"Ah, oo nga pala. Hindi ako isang Lakda, ako si Luna, isa akong mortal na may kakayahang makita ang mga nilalang na katulad ninyo. Oo, sinusundan ko sina—OMG! Lagot! Nasaan na ang mga iyon?"

O_____O

Napasarap ang pakikipag-usap ko sa kanila, ayan tuloy. Hindi ko na alam kung saan nagpunta sina Leo. Natawa naman sila sa reaksyon ko.

"Wag kang mag-alala Luna. Kabisado namin ang buong bundok. Kung gusto mo, ililigaw namin sila ng daan para makita mo agad sila."

Alok naman ni Aya at kinindatan ako. I shake my head.

"Huwag na. Mas maganda kung ang aasikasuhin niyo ay si Paroa. Nawalan siya ng tirahan."

Lumungkot naman ulit ang mukha ni Paroa ng marinig ang sinabi ko. She glance at the ashes of her home. Kung may magagawa nga lang sana ako para sa kanya ay kanina ko pang nagawa—

Wait! Yes! I can do something! Pumikit ako at kinausap si Akiya. Yup, the book. Kaya ko itong kausapin once na naisin ko. Tutal siya naman ang may alam sa kakayahang meron ako, sa kanya ako hihingi na tulong.

"Akiya, I need your help."

"I know, you want to help the enchantress. You can bring back her home by using Wisdom of Emerald Nature."

Sagot nito at naglaho na sa aking isipan.

When I open my eyes, I was surprise to see their confused faces.

I smiled.

"I can bring back your home."

With that. I touch the ashes and let my ability follow my desire.

***

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now