Kabanata 53: Dimensiyon ng Salamin

35 0 0
                                    

Leo's POV

Nakabalik na sa Lantria sina Luna maging sina Andra, naiulat na ni Luna ang nangyaring pagliligtas nila sa mabuting parte ni Elona. Ngunit hindi iyon ang aking ikinakabalisa. Some warriors are missing along with other ancient creatures. Nagsimula ito nang lumitaw ang pulang buwan. At hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik ang kulay nito sa kalangitan. It's alarming, even the moon knows what is happening.

"Sabihin mo Andra, patungkol saan ang pagtitipon nating ito? Hindi ba't dapat na naghahanda tayo para sa parating na digmaan?", saad ni Maestro Craven na kararating lamang sa loob ng opisina ng mga konseho.

Zapira—I mean Andra didn't say a word. Malakas niyang inilapag sa gitna ng lamesa na nasa aming harapan ang isang puting libro.

"Ito ang libro ng Eklipso, ang librong inilathala ng mga magulang ng ating mga ninunong sina Elona at Cassandra," sambit niya at binuksan ito. Ilang salita ang lumabas dito ngunit agad din itong naglaho na ikinapag-taka naming lahat.

"Hindi na muling mababasa ng iba pa ang mga nakasulat sa libro kaya akin na lamang itong sasabihin, lahat kayo ay makinig," seryoso nitong saad na ikinatigil ng lahat, "kailangan nating ihanda ang bilog ng buhay, at protektahan ang mga nilalang na may buhay dito sa Lantria para sa pagsapit ng ika-walo ng gabi sa ika-tatlong araw mula nang lumitaw ang pulang buwan," dagdag pa nito na ikinagulat naming lahat.

"Ngunit, dalawang araw na lamang ang meron tayo mula ngayon....kaya inaatasan ko ang buong Aolffara na ihanda ang bilog ng buhay at bantayan itong mabuti. Lahat ng mga propesor, ay pumunta sa natitirang apat na rehiyon upang iulat sa lahat na simula ngayong araw ay manatili na muna sa loob ng kanilang mga tahanan. Kailangan ninyong lagyan ng pananggalang ang bawat tahanan ng mga nilalang maging ang buong rehiyon at mga nasasakupan nito. Kapitan Lucas, isama mo ang iyong hukbo at papasukin sa kani-kanilang dormitoryo ang lahat ng mag-aaral ng akademya. Lagyan ninyo ang lahat ng dormitoryo ng matibay at mabisang pananggalang,"

"anumang oras mula ngayon ay darating na ang mga kawal mula sa Falleria sa pangunguna ni Heneral Lazarus upang tumulong sa atin mula ngayon. Ang napiling mandirigma, Luna," tumigil siya at tila nagdadalawang isip sa sasabihin. Isang kutob ang bumalot sa aking puso nang makita ko kung gaano kaseryoso si Andra at ang hari,

"Luna, kailangan mo nang palakasin ang iyong sarili. Pisikal, emosyon, espiritwal, maging ang iyong tunay na kakayahan ay kailangan na nating malaman. Leo, Akiya, kailangan ninyong sumama sa akin sa Dimensiyon ng Salamin, wala na tayong oras," sambit nito.

Dimensiyon ng Salamin. Isa iyong dimensiyon kung saan nakatigil ang oras, karamihan sa mga sinaunang mandirigma ay doon nage-ensayo upang sanayin ang kanilang mga sarili. I've been there before.

Umalis na ang mga inatasan at kami na lamang ang natira. I look at Luna beside me and she look worried. I held her hands and squeeze it.

"Don't worry, the time inside the mirror dimension is not moving. Hindi lalakas ang kapangyarihan ng masamang Elona kahit pa ilabas mo ang tunay mong kakayahan sa loob ng dimensiyon," I muttered, she look up at me and smiled.

We were about to leave when Cassandra appeared in front of us holding the sword of Emmanuel Alegria.

"Hindi ako narito upang lumikha ng gulo. Narito ako upang tumulong na palakasin ang kapangyarihan ni Luna," she said. Isang malaking orwel na lila ang mga mata ang dumating. Nagbago ito ng anyo dahilan upang sumibol ang kaba sa aking dibdib.

"E-Elona," I mumbled. Luna hold my hand tight and speak, "She's the good side of Elona, she will not harm us," saad nito. I frown. Ibang-iba nga ang hitsura niya sa Elonang lumitaw sa aking opisina noon.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now