Kabanata 19: Aolffara

46 3 0
                                    

Luna's POV

Iginala ako nina Kat at Cam sa buong academia buong maghapon. Pinuntahan namin ang mga lugar na dapat ko daw na malaman sa buong Wolffire. Marami silang pinaliwanag sa akin. Kagaya ng mga pagkaka-kilanlan ng mga studyanteng mandirigma dito.

Ang mga studyante dito sa Wolffire ay nahahati sa limang sector. Limang sector ng mga mandirigma na pawang malalakas sa kanya-kanyang abilidad at personalidad.

Widstein Sector. Ang sector na kinabibilangan ng mga mandirigmang nagtataglay ng mga abilities na konektado sa Nature. Dito makikita ang mga mandirigmang may kakayanang kontrolin ang lupa, hangin, bato, dahon, mga puno, at mga halaman, maging ang kakayahang kumausap sa mga hayop. Ayon sa dalawa, ang pinaka-malakas na mandirigma sa sector na ito ay si Xandrex Angelo Montefalco. Ang may hawak ng kapangyarihan ng Emerald Nature.

Dralden Sector. Ang sector kung saan nabibilang ang mga mandirigmang nagtataglay ng abilidad ng Water. Nandito din ang mga nilalang na nagtataglay ng mga kakayahang gumawa ng yelo, ng barrier, at kahit na anong klase ng liquid na maaaring kontrolin. Dito din makikita ang mga spell enchanters, mind readers, at time controlers. Ang pinaka-malakas na studyante sa sector na ito ay si Shirayn Micaela Khan. Pero sabi din nina Kat, hindi dito nakatira si Ela, kasama ito sa dorm ni Zapira dahil si Ela lamang ang nakaka-pagpakalma dito sa tuwing nagagalit. Tsismosa din pala sina Kat at Cam eh.

Flimero Sector. Ang sector kung saan matatagpuan ang mga mandirigmang ang kapangyarihan ay apoy, at konektado sa ruby. Iba't ibang klase ng mga apoy ang nandito, may white fire na ang main purpose ay healing at cleansing, ang yellow fire which is purpose ay gumawa ng light, ang red orange fire na kagaya ng apoy ng araw, at ang pulang apoy na siyang pinaka-malakas sa lahat. Dito rin nagmumula ang mga sandatang ginawa mismo ng mga mandirigma. Si Zapira Heandra Scott ang nangungunang mandirigma sa sector na ito. At dahil tsismosa ang aking dorm mate na si Cam, sabi niya, higit daw sa isa ang kakayahan ni Zap, pero mas gusto niya sa sector ng Flimero.

Galaxiria Sector. Ang sector na kinabibilangan ng mga mandirigmang nagtataglay ng mga sumusunod na abilidad. Sky manipulation, Cloud manipulation, Weather manipulation, Light manipulation, Rain and Rainbow manipulation, Snow manipulation, pati na rin ang four season which is ang Summer, Fall, Autumn, at Winter. Nangunguna dito ang mandirigmang si Mattias Jeterson Enrile.

And the last sector. Ang sector na nangunguna sa lima.

Hestaleon Sector. Dito nabibilang ang mga mandirigmang may kakaibang kakayahan kagaya ko. Nandito ang mga mandirigmang nagtataglay ng higit sa isa o dalawang kakayahan. Matatagpuan dito ang mga mandirigmang may abilidad ng sa papel, ng sa glass, ng space(sabi ko kay na Cam, dapat sa Galaxiria sector ang ability na yan pero hindi daw eh), ng gravity, voice manipulation, music and technology magic, dark manipulation, at marami pang iba. Pinangungunahan ito ni Leo Kalhel Azares. Sino pa ba?

"Nga pala Luna, sa Monday pa ang simula ng klase mo diba?"

Saad ni Kat. Lumingon ako sa kanya saka tumango.

"Bakit? May problema ba?"

She pouted.

"Hindi ka kasi namin masasamahan sa paglilibot dito eh, may klase na kami mamaya pagkatapos mag-lunch."

Napatango-tango ako at kumagat sa burger na in-order ko kanina. So that means, I will be alone later here. But it's okay, may kilala pa ako na nakaka-alam ng mga pasikot-sikot sa school na ito kaya ayos lamang.

"It's fine Kat. Pwede naman akong mag-stay sa dorm o kaya ay mag-practice ng ability ko mamaya diba. Saan ba dito ang lugar na pwedeng pag-praktisan?"

I ask. Cam answered.

"Usually, sa battle field kami nagpa-practice, pero pwede ka din namang lumikha ng isang lugar kung saan ka magpa-practice ng ikaw lamang."

I nodded on her suggestion. May naisip na akong gagawin mamayang mag-isa na lamang ako.

"By the way, I notice that all of the students here always bow their head whenever they saw Leo walk on the hallway. Royalty ba siya dito?"

Bumaling ako kay Kat na katabi ko, lumapit ng kaunti at saka bumulong.

"Prinsipe ba siya dito?"

They both chuckle when they heard me. Umiling si Kat.

"Leo is not a prince Luna. Wala ka pa nga talagang alam. Let me introduce to you the Aolffara."

Tumaas ang kilay koat rumehistro sa aking mukha ang pagka-curious.

"Aolffara?"

Both of them nodded. Nagsimula ng magsalita si Kat.

"Aolfarra is a group of strong warriors here in Wolffire and on the whole Lantria. They train for years to become the strongest warrior that everyone can rely on. They are like a royalty, though, they are not royals by blood. Binubuo sila ng limang miyembro na lahat nagmula sa mga noble and legendary clans dito sa Lantria."

Group of nobles. Di na rin masama.

"Kilala mo naman siguro ang mga mandirigmang nangunguna sa bawat sector dito. Ipapakilala ko pa rin sila sa iyo. Xandrex Angelo Montefalco, from Widstein Sector who holds the Wisdom of Emerald Nature. From the noble clan of Montefalco, one of the first clan who live here in Lantria ng likhain ito ng mga Bathala."

Now, I know why he had this earthly vibes.

"Shirayn Micaela Khan, from Dralden Sector, she holds the Waves of Sapphire Spirit, the infinity power of water. Grand daughter of Maestro Khan, a noble family from Leshisa region. Zapira Heandra Scott, from the Scott family, a noble clan from Europe. Ipinanganak siyang tao, kagaya mo, ngunit ng matuklasang taglay niya ang Flame of Infinite Ruby, ipinadala na siya dito sa Lantria."

And she really looks like you. Basa ko sa kanyang isipan.

"Next is the only heir of the Enrile Clan, a noble family from the Dalenca region. Mattias Jeterson Enrile. He holds the Silvero El Kristalio. You know, the silver crystal's power."

And I like him. Lihim akong napangiti ng mabasa ulit ang nasa isip ni Kat.

"And the last. Their General, Leo Kalhel Azares, son of Mr. Prime Leonard Azares, the President of Lantria Province. Isa siyang bridole, kaya naman kinakatakutan dahil sa kanyang mga tinataglay na kakayahan. Though, alam nang lahat na ang kanyang pinaka-malakas na kakayahan ay nagmula sa Falleria."

Shock is visible on my face the moment I heard the last words she said. Falleria. Ang mortal na kaaway ng Lantria.

Napatango-tango ako matapos sabihin iyon lahat ni Kat. Kinuha ko ang isang baso ng tubig saka ito ininom. Mukhang masyado akong maraming nalaman ngayong araw na ito.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now