Kabanata 31: Moving forward

34 3 0
                                    

(A/n: I just need to fix something. Lucian is pronounce as Lu-syan and Cluian is pronounce as Kli-yan. Thank you for reading!)

Luna's POV

1 week.

1 week akong nakatulog sa ospital dahil sa natamo kong sugat sa una kong misyon. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi dahil sa balitang nandito na sina Dyna. May parte sa akin na masaya at meron din namang pangamba. Tsk.

"Luna!"

Nilingon ko ang may-ari ng boses na iyon at sa paglingon ko ay isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin.

"Na-miss ka namin! Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nila binu-bully dito?"

Pinalo ni Mina si Dyna sa balikat ng mahina.

"Ano bang mga tanong iyan Dyna? Para ka namang nanay ni Luna niyan eh."

Tiningnan ko naman sina Mike at Galin na kakapasok lamang sa dorm.

"Musta? Lalo ka pa atang namayat. Mukha ka ng tingting."

Mina muttered. I look at my wrist. Oo nga. Sino ba namang hindi mamamayat kung isang linggo kang tulog at hindi kumakain.

"Paano kayo nakapunta dito?"

Mina smiled at me.

"Magaling kasi ang boyfriend ni Dyna eh."

I playfully smiled at Dyna when she pinched Mina's waist. Nag-iwas naman ng tingin sa akin si Galin.

"Boyfriend pala huh."

"Wala akong boyfriend okay."

"Tss. Deny pa more Dyna."

"Wala nga."

At the cafeteria...

Maingay at panay ang tawanan ng mga studyante dito sa cafeteria. Ang iba mga nagpapasikatan ng kapangyarihan habang kumakain at halos panay pantasya naman ang mga babae patungkol sa Aolffara.

Nilingon ko si Leo na tahimik habang kumakain sa dulong lamesa kasama sina Gelo at Jeter. Narinig kong siya ang nagbantay sa akin habang nasa ospital ako. Hindi pa ako nakakapagpasalamat. Hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon si Zap dahil hindi pa siya tapos sa pagiging guide ni Cluian.

I was about to bite my apple when the cafeteria become noisy. Nagmukha tuloy tahanan ito ng mga bubuyog. Tumingin ako sa entrance at nakita si Cluian na papasok.

"Ang gwapo talaga ni Cluian diba."

"Papasang sixth member ng Aolffara."

"Sino kaya ang mate niya or may girlfriend na kaya siya?"

(—____—) -kami

Ngayon ko lang nalaman na may ganito din palang studyante ang wolffire. Bigla naman silang natahimik ng pumasok si Zapira na masama na naman ang timpla ng mukha. I mean, kailan ba hindi sumama ang timpla ng kanyang mukha?

"Who's that?" Mina ask.

"Iyan? Siya si Cluian Foster, new student din pero mas nauna sa inyo dito."

Paliwanag ko at ipinagpatuloy na ang pagkain.

*blag!

Napapitlag ako ng biglang may naglagay ng tray ng pagkain sa lamesa. I gulp when I see Zapira glaring at me.

"Gulay ang kainin mo ng hindi ka magmukhang kalansay."

She said. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kasamahan ni Leo. I look back at them and glared. Sinundan ko naman ng tingin si Zap na umupo sa tabi ng wall. Kinain niya yung pagkain ko.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now