Kabanata 30: Pagpasok sa Academia

32 3 0
                                    

Sa Eolarus (balangay sa Hemuna)...

Dyna's POV

"Nakabalik na daw ang Aolffara mula sa bundok San Cristobal! Matagumpay nilang nailigtas ang mga nawawalang mandirigma!"

Anunsiyo ng isang mamamayan dito sa Eolarus. Ilang araw ding nasa misyon si Luna. Hindi ko talaga maiwasang hindi mag-alala para sa kanya.

"Ngunit sugatan ang napiling mandirigma, nakita kong walang malay ito habang buhat ng kapitan."

Sari-saring reaksyon ang narinig ko dahil sa sinambit na iyon. I sigh. Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko kahapon.

Inis naman. Paano ko maitatama ang aking kamalian kung hindi ko siya maprotektahan?

"Narito na ang mga gagamitin nating dokumento para makapasok sa Wolffire."

Saad ng kararating lamang na si Galin. Bumangon sa pagkakahiga si Mina at bumaba naman si Mike mula sa puno. Kinuha namin kay Galin ang aming mga dokumento.

Nakalagay doon ang admission slip namin para sa Wolffire at iba pang detalye ng aming pagkakakilanlan.

"Ang makakakilala lamang sa atin doon ay ang Aolffara at si Luna."
Makahulugan akong tiningnan ni Galin. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Hindi ako makikilala ng lahat dahil matagal ng binura at kinalimutan dito ang aking pangalan."

Matagal na magmula ng burahin sa alaala ng lahat ang pangalang Dynara Louisse Alegria.

"Dyna Brillantes?"

Seryoso akong tiningnan ni Galin.

"Nawala man sa ala-ala ng lahat ang tunay mong pangalan, naka-lathala naman ito sa bawat libro ng Lantria at Falleria. Maaari silang magtaka sa iyo kung any pangalang gagamitin mo ay—"

Hindi na niya itinuloy ang kanyang sasabihin. Humigpit naman ang hawak ko sa dokumento. Ngumiti na lamang ako ng pilit ng hawakan ni Mina ang aking balikat.

"Ngayon din ang punta natin doon kasabay ng mga bagong studyante mula dito sa Hemuna."

We nodded.

Pumunta na kami ni Mina sa aming kwarto para igayak ang aming mga gamit.

I was about to fix my clothes when Mina stop me.

"A penny for your thoughts?"

"Bakit?"

"Mukha ka kasing kinakabahan mula ng makarating tayo dito. Hindi ka nakikisalamuha sa ibag nandito. Binabagabag ka pa rin ba ng nakaraan?"

Natigilan ako sa kanyang sinambit.

"Walang dahilan para hindi ako mabagabag. Naaalala ko ang aking kasalanan sa bawat nandito. Hindi ko na alam kung tama pa ba itong ginagawa ko."

Mina sit beside my bed and sigh.

"You know what. Wala talaga akong ideya kung ano ba talaga ang nakaraang sinasabi mo. All I know is that you're also a guardian of the former chosen warrior. Pero kaibigan mo ako Dyna, at gusto kong tulungan ka."

I give her a sly smile and sit on the wooden couch beside my bed. Bigla namang bumukas ang pintuan ng aming kwarto at pumasok si Mike.

"Nandito na ang mga taga-academia para sunduin ang mga bagong estudyante. Tayo na."

Mina look at me and smiled. Kinuha na namin ang aming mga gamit saka lumabas.

Naabutan namin ang ilang mga sundalo ng palasyo kabilang ang dalawang guro ng academia na kinukuha ang mga dokumento. Ibinigay namin ang amin at sumakay sa magkahiwalay na sasakyan para sa babae at lalaki.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now