Kabanata 33: Khole

31 3 0
                                    

Someone's POV

Magmula ng malaman ni Luna na hindi niya tunay na magulang si Selena qy nagingmalayo na ang loob niya dito. Hindi niya ito binisita sa piitan o kinausap man. Naalala niya ang hindi gaano magandang pagsasama nila bilang mag-ina noon. Unti-unti ng nabibigyang linaw ang lahat sa kanya matapos malaman ang katotohanan.

Nakaupo si Selena sa gilid ng kama habang iniisip kung paano niya ipapaliwanag ang lahat kay Luna. Pumasok naman sa piitan ang studyanteng napqg-utusan na dalhan siya ng pagkain.

"Sabihin mo, tama pa bang binuhay pa kita?"

Otomatikong napalingon sa pumasok si Selena ng mahimigan ang boses nito. Nanlaki ang kanyang mga mata at sumibol ang takot sa kanyang puso ng magtama ang kanilang paningin.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok sa paaralang ito?"

Ngumisi ito sa kanya saka inilapag sa lamesa ang dala nitong pagkain.

"Nakalimutan mo na atang ako ang hari ng Falleria at hanggang nabubuhay si Andra ay makakapasok at makakalabas ako sa kahit saan mang sulok ng Lantria."

Sambit nito at nagbago ng anyo. Mula sa pagpapanggap na studyante ay naging isa itong matangkad na lalaking nakasuot ng itim na pandigma at maskara.

"Anong sinabi mo kay Luna? Bakit mo ginugulo ang kanyang buhay dito sa Lantria?"

Inipon ni Selena ang kanyang lakas at buong tapang na nakipag-titigan dito.

"Hindi ko nais na guluhin ang kanyang buhay, nais ko lamang itong itama."

"Hindi mo ba naiintindihan Lucian? Sa oras na malaman ni Luna ang lahat-lahat, magagawa niyangmaibalik ang mga naburang ala-ala ng nakaraan. Sisiklab muli ang digmaan at hindi kakayanin ni Andra. Hindi niya na kakayaning lumaban."

Pagmamakaawa niya dito ngunit isang nakakapangilabot na ngisi lamang ang isinukli nito sa kanya.

"Iyon nga ang nais kong maganap."

Sambit nito at tuluyan ng naglaho. Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok ang heneral ng mga sundalo. Natigilan si Selena ng magtama ang kanilang paningin.

"Anong gagawin niyo sa akin?"

Hindi umimik ang mga ito. Nilagyan siya ng kadena at binasbasan ng pananggalang ang buong silid saka umalis.

Samantala, sa pang-apat na rehiyon ng Lantria ay nakasakay saisang malaking agila ang apat na studyante para sa kanilang misyon. Tahimik ang mga ito habang minamasdan ang tanawin sa ibaba ng kapatagan.

Zapira's POV

3 days na simula ng umalis kami sa academia at ngayon lamang kami nakarating sa rehiyon ng Khole. Ito ang rehiyon ng tag-lamig, bawat rehiyon dito ay mayroong kanya-kanyang panahon. Khole, ang tag-lamig, Hemuna, tag-sibol, Lechisa, tag-lagas, Aralpha, tag-init, at ang Vartaue, (Bar-ta-we) kung saan nararanasan ang apat na season.

Sinulyapan ko si Luna at nakitang nakatanaw ito sa ibaba ng walang emosyon. Nahagip ng aking paningin si Dyna na nakatingin kay Cluian. Tsk. Don't tell me, she have a crush on him?

Hindi ko na ata dapat pinayagan na makasama siya sa misyong ito. She's getting on my nerves for I don't know reason.

"Let's switch seats."

Turan ko at hinigit si Cluian patabi sa akin. Dyna get shock and avpid my gaze while Cluian, on the other hand, is giving me a naughty grin.

"What? Nasira ko ba ang page-enjoy mo habang nakatitig siya sa iyo?"

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now