Kabanata 26: Hemuna

48 3 0
                                    

Luna's POV

Isang bag na puno ng damit at mga gamit ang aking dala habang ang Aolffara naman ay busy sa pag-aayos ng tent na gagamitin namin sa camping. O mas dapat kong sabihing punishment. I sigh and glance at Zapira who's giving me glares. Hindi nga pala siya kasama.

"Uhm, kung hindi niyo talaga gustong gawin yung parusa. Huwag niyo na akong samahan."

They look at me in chorus.

"Kami ang Aolffara Luna. Responsibilidad namin ang kaligtasan ng mga studyanteng gagawin ang mga parusang iniatang sa kanila ng paaralan." Sagot ni Jeter.

Isinakbit ko ang aking bag ng tumayo na sila dala-dala ang kanilang mga gamit. Lumapit naman sa akin si Leo na kanina pang walang ka-imik imik.

"Bakit? May problema ba?"

Tinitigan niya lamang ako. Titig na nakakalunod.

"Gamitin mo ito."

Sabi niya at isang maliit na punyal ang ibinigay niya sa akin. Kulay puti ito. Kakaibang punyal. Ang alam ko kasi, dapat kulay tanso ito eh.

"Para saan naman ito?"

Kumunot ang kanyang noo na parang naiinis.

"Ang slow mo rin eh no. Marami tayong mae-encounter na creature doon. Isa pa, hahanapin natin yung mga studyanteng nawala doon. Alangan namang magpatalo ka sa mga makakalaban natin. Kaya gamitin mo iyan."

"Pero may kapangyarihan naman ako."

"Hindi sa lahat ng oras ay aasa na lamang tayo sa mga kapangyarihang taglay natin. Hindi rin sa lahat ng oras ay magagamit natin ang kakayahan natin. Matuto kang lumaban ng pisikalan Luna."

I tsk. Kinuha ko yung punyal at isinuksok sa aking bulsa. Nagulat naman ako ng bigla niya itong kuhanin at ginawang maliit na bolang apoy na kulay asul sabay biglang laho nito.

"Anong ginawa mo?"

"Itinago ko, lalabas lamang iyon kapag may lalabas na kaaway, kaya dapat marunong kang gumamit ng punyal na iyon." He said and leave me behind.

Nakita kong napairap na lamang si Zapira. Haist. Hindi nga ako marunong gumamit ng kahit na anong sandata, ito pa kayang maliit na punyal. Sumunod na ako kayna Leo ng maglakad sila palabas ng lagusan. Kasabay ko naman si Ela.

Iba ang lagusang dinaanan namin dahil hindi kami sa library na school ko dati lumabas kundi sa gubat sa paanan ng bundok Banahaw. Nagulat ako ng makita ko ang isang puting van na mukhang sasakyan namin sa pagpunta sa Mount San Cristobal.

Sumakay na kami dito.

"Kayo lang?"

I look on the owner of that familiar voice.

0_____0

"Dellana?"

Tumingin siya sa akin, ibinaba ang shades na suot at kumindat.

"Hi, Luna!"

Siya ang nasa driver seat, nasa katabi namang upuan si Leo. Kami ni Ela ang nasa gitnang upuan at sina Gelo at Jeter ang nasa likod. I look at her from head to toe. Mukha siyang pupunta ng bakasyon. Ni hindi ko siya makilala. Hindi siya mukhang engkantada. Mukha siyang tipikal na bakasiyonista.

"Sino naman yan?"

Jeter ask. Lumingon ulit si Dellana sa amin.

"Pasensya na, mukhang hindi sinabi sa inyo ni Leo ang bagay na ito ah. Ako nga pala si Dellana, ang engkantandang nagbabantay sa Bundok Banahaw. Ako ang magiging taga-hatid, taga-bantay, at taga-sundo sa inyo papunta ng Mount San Cristobal."

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now