Kabanata 36: Prinsesa ng Falleria

31 2 0
                                    

Luna's POV

Malamig at malakas ang hanging kanina pang humahampas sa akin. Iniintay ko ang pagbagsak ng aking katawan sa tubig o sa lupa pero hanggang ngayon nahuhulog pa rin ako. Walang katapusan akong nahuhulog sa banging ito.

"Luna," tawag sa akin ng isang boses. Pamilyar ito, at kilala ko ang boses na iyon, "Luna," tawag nitong muli sa akin. Iminulat ko ang aking mata at nakita si Akiya na nasa aking harapan at nahuhulog din. Bago pa man ako makapagtanong sa kanya kung bakit ay sinagot na niya ako.

"Nasa loob ako ng puso mo, kaya maaari kong maranasan ang mga nangyayari sa iyo, kung nanaisin ko," sambit niya at hindi na muling umimik.

Parehas kaming nahuhulog sa banging napakadilim. Maya-maya pa ay unti-unti na akong nakakarinig ng mga boses. Pahulog ako ng pahulog, palakas naman ito ng palakas. Bumagsak ako sa tubig, nakakapagtaka lamang dahil nakakahinga ako.

I didn't even feel wet. It's like the water is just a cold air touching my skin. Minutes pass and I saw a light that fully get my attention. Ang mga bula na nalikha ng ako'y bumagsak sa tubig ay naging ala-ala. The memories is inside the bubbles.

I look at my left and I saw my childhood memories. Nakita ko ang aking sarili na kasing-edad ni Kezia. We were both playing but as time goes by, I'm the only one growing. I look at my right and saw my highschool life. No friends, totally alone. Period. Noon ko rin nalaman na nakakakita ako ng mga nilalang kaya mas lalo akong nilayuan ng mga tao. Why there are some people who can't accept the fact that there are people like me who can see ghost, spirits, and mythical creatures?

Isang bubble ang pumatak mula sa aking ulunan at nakita ko ang alaala ko sa hill. It was the time where I accidentally killed Aolffara and my guardians. I immediately pop it. It's one of the memories that I wan't to forget. Lumingon ako sa aking likuran ng may bubble na lumabas mula dito. It was different compared on the small bubbles coming from me. It was not even my memory. I saw Dyna with the King of Falleria inside the castle. Kasama nila sina Akiya, ang ama ni Leo, at ang isa pang babae na hindi ko kilala.

Hahawakan ko na sana ito ng bigla itong maglaho. Another bubble appeared and I was stun the moment I saw the memories inside of it. Lantria and Falleria is actually friends and they're having their feast together.

"Maaari ba kitang isayaw?"

Agad kong nilingon ang may-ari ng boses na iyon. Nawala na sa loon ng mga bula ang mga ala-ala. They're like water particles form into real bodies. Dahil nakatayo sa aking harapan ang naka-maskarang si King Lucian at si..,

"Zapira?" ,naisatinig ko dahil sa gulat. Ngumiti si Zapira at tinanggap ang kamay ng hari. Sumayaw sila sa saliw ng musika. It's like the king is dancing with his queen. They look inloved with each other. Kitang kita iyon sa mga mata nilang nakatingin sa isa't-isa. But how come Zapira doesn't know all of this?

Another scene emerge and the scene is too brutal. Duguan at maraming sugat sina Akiya at ang ama ni Leo, ganoon din si King Lucian. Nakaupo sila pabilog. I saw Dyna on their middle. It wasn't the Dyna I knew. Duguan ang kanyang damit, puno ng mga sugat, pula ang kanang mata, violet ang kaliwa, may maliliit na ugat sa mukha, at naka-kadena na may seal. Galit na galit itong nakatingin sa mga taong nakapalibot sa kanya.

"Huwag mo itong gawin, mahal ko," pagsusumamo ni King Lucian kay Zapira na nanghihina na at sugatan din kagaya nila, ngunit isang ngiti lamang ang ibinigay nito sa kanya.

Tumayo si Zapira at nagsimulang lumakad palapit kay Dyna. Akmang pipigilan siya ni King Lucian ng lagyan siya ng seal ni Zapira. He cannot move nor use his abilities to stop her. All that he could do is to watch and cry. Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi mapaiyak. Ramdam ko ang bigat at lungkot sa puso ng hari. Ang kagustuhang pigilan si Zapira at isang matinding pagsisisi. Pakiramdam ko ako ang nasa kanyang posisyon.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now