Kabanata 12: Azares

48 5 0
                                    

Luna's POV

After that incident, umalis na kami sa mansyon. Isina-ayos ni Galin muli ang mga nasirang gamit sa mansyon. Tinulungan namin siya na alisin lahat ng ashes ng mga nasunog kong ibon. Until now, I could'nt believe that I'm able to control one important element of Lluñira. The Infinite Flame of Ruby. Iyon ang sinambit sa akin ni Akiya kanina na aking gawin para makatulong ako kayna Dyna at Galin.

According to her, Infinite Flame is one of the rarest and dangerous type of ability a warrior have. Sa isang henerasyon, iisa lamang ang ipinapanganak na tao, lakda, or elemento na nagtataglay ng kapangyarihang iyon. I guess I'm one of them. Besides, I'm the chosen warrior of Lantria though I did'nt know when I will go on that place.

"Luna, mas maganda kung umuwi ka na muna. Baka mag-alala sa iyo ang iyong pamilya."

Dyna said habang naglalakad kami sa kalsada ng Mendiola Street. The sun finally rise and it's already 10:00 am. Wala pa kaming agahan. Masyado kaming naging busy kanina sa paglilinis at pag-aayos ng mansyon. Hindi namin naalala na kailangan naming kumain.

Speaking of my family.

I heaved a sigh. The did'nt know that I already leave them for my fate.

"Alam na ni Mama ang patungkol sa aking pagiging mandirigma. She also know's about Lluñira and Lantria. Kahit ang patungkol sa mga diyole alam niya rin."

"Your mother is very suspiscious." Saad ni Mike na naglalakad habang nakalagay sa kanyang batok ang mga kamay.

He's quite right. My mother knows something about them. Isang sikretong itinatago nito sa amin ni Kezia. Sa akin. I want to ask her but it's not the right time to do that. Masyado pang delikado, ramdam ko iyon. Who knows, baka hindi lang ang pangyayari kagabi ang mangyari sa hinaharap.

"Don't worry. If my mother know something. She keep it a secret for my own good." Sagot ko na lamang.

Nakalabas na kami ng Mendiola Street. Mina and Mike decided to go back home while Dyna and I walk towards the hospital where my mother and sister is. Gusto ko silang kamustahin.

I thought I will see them there but they're gone when we arrive. Isang sulat na lamang ang iniwan ni Mama kay Dr. Monteverde na ibinigay naman agad nito sa akin. Ng makitang abala si Dyna sa pakikipag-kwentuhan sa mga kaluluwa dito sa hospital. Binuksan ko ang sobre na may lamang letter at binasa.

Luna, anak.

Alam ko kung gaano kadelikado ang tinahak mong daan. Maayos na ang kapatid mo. Hinanap ka niya ng magising siya pero wala ka. Sinabi ko na lamang na may field trip kayo kaya hindi mo siya nabisita. Kung ano man ang kapalarang naghihintay sa iyo. Sundin mo. Mag-iingat ka. Umalis na kami dito sa Manila. Alam kong alam mo kung saan kami pupuntahan kung gusto mong bumisita. Maghihintay kami sa iyong pagbabalik anak. Mag-ingat ka.

Itinabi ko ang sulat sa bulsa ng aking pantalon at pinahid ang mga luhang namuo sa aking mga mata. Mami-miss ko kayo ma. Babalik ako. Babalik ako matapos kong tuparin ang aking kapalaran.

***

"Maayos naman ang grade mo Ms. Lapaz. Mataas din ang rank mo dito sa school. Ikaw rin ang nangunguna sa inyong batch. Bakit gusto mong mag-quit sa pag-aaral? Sayang ang scholarship mo."

Mr. Arundell. Dean ng college department namin at ang Vice President ng aming school. Nandito ako ngayon sa kanyang office at sinabi ko na dito na titigil muna ako sa pag-aaral. Kita ko ang disappointment sa mata nito. He's right. Ako ang rank 1 sa school na ito. Kahit na 2nd year college pa lamang ako, ako ang rank 1 hindi lamang sa aming department kundi sa buong school mismo.

"Pasensya na po Sir. Buo na po talaga ang loob ko. I've already decide to quit my studies on this year. I needed to find a job first before I continue."

Bumuga ng hangin si Sir at napa-iling.

"Sayang Ms. Lapaz."

Oo, sayang talaga. Sayang, pero kailangan kong gampanan ang pagiging piniling mandirigma. Ayon kay Dyna, kailangan ko ng pumunta ng Lantria para doon magsanay. Sa isang kilalang paaralan ng mga mandirigma doon. Ang Wolffire Academia.

"Kung magbabago pa ang isip mo, tatanggapin ka uli ng school na ito."

He said and give me my documents. I smiled at akmang magpa-paalam na dito ng may maalala.

"Uhm, sir. Can I ask something about Mr. Azares?"

Kumunot ang noo nito.

"You mean. Leo Kalhel Azares?"

Tumango ako.
Bumuga ulit ito ng hangin.

"This month, dumadami ang mga studyante na tumitigil sa pag-aaral. Pang-sampu ka na. Isa pa itong si Mr. Azares, at ang barkada nito. They quit their studies here last week. Sayang din ang batang iyon, siya ang rank 2 dito sa school natin. Ngayon naman pati ikaw titigil na din."

Kitang kita ko ang dismaya sa mukha nito. So, that's why I did'nt see him around lately. Nag-quit na ang mga ito. Naalala ko ang misyon nila noong nag-eavesdropping ako dito. Their mission is to get the book from me but they failed. Ito marahil ang dahilan kung bakit tumigil na ang mga ito.

"Alam niyo po ba kung saan ko siya matatagpuan?"

Nagta-taka ako nitong binalingan muli ng tingin. Pagkuwa'y napaisip ito.

"I don't know where exactly he is now. Pero nabanggit nito last time na pupunta ito sa Bundok Banahaw."

Bundok Banahaw? Anong gagawin nito doon? Napaisip naman ako.

"Bakit mo naitanong?"

He ask. Umiling na lamang ako at nag-paalam. Mabilis kong tinahak ang daan palabas. I was about to run outside when Dyna stop me. Humarang ito sa daan.

Her eyebrows furrowed. Pinamewangan ako nito.

"Balak mo bang puntahan sina Leo sa Bundok Banahaw?"

Bumuga ako ng hangin. Muntik ko ng makalimutan na nandoon nga rin pala siya kanina sa loob ng office. Tahimik at seryosong nakikinig sa aming usapan ni Mr. Arundell.

"Kailangan ko siyang maka-usap Dyna. Marami siyang alam. May pakiramdam ako na nagmula sila sa Lantria."

I answered. Sinubukan kong lampasan ito pero mas lalo itong humarang sa daan.

"Ano ka ba naman Luna. Kung marami kang gustong malaman. Bakit hindi mo sa amin nina Mina itanong? Bakit gusto mong sila ang sumagot sa mga tanong mo?"

Inis nitong tanong sa akin. I look away. Bakit nga ba sina Leo pa ang gusto kong tanungin? Nandyan naman sila. Ewan ko nga rin ba sa aking sarili. Haist. Maybe, I don't trust them.

"Bakit hindi ka maka-sagot? Guardian mo kami Luna. You should trust us."

Hindi ko ito sinagot. I averted her gaze and fade away. I'm sorry Dyna. I just want to find answers on my own.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now