4

62 36 36
                                    

Parang timang na naman akong napangiti nang pumarada ang pamilyar na sasakyan sa harapan namin. Awtomatiko akong napakamot sa ulo sabay tingin kina Joyce, Lowelyn, Ytang at Frency.

Kumaway nalang ako at pumasok na sa kotse dahil halatang ako naman ang sinusundo.

Buong biyahe ay mas lalo akong nagalit lalo na ngayong alam ko kung sino ang may kapakanan kaya nandito si Manong. Sigurong si Papa ang nag-utos na ipasundo ako.

Nakakahiya, sa totoo lang. Ano nalang kaya ang iisipin ng bago kong mga kaibigan ngayon? Na parang bata pa rin ako kung ituring ng mga magulang ko?

Hindi mailarawan ang mukha ko habang papasok sa mansyon namin.

Maraming maids ang bumati sa 'kin, pero hindi ko kayang ngumiti ngayong gabi.

Ano'ng karapatan niyang sunduin ako? Hello? Hindi na po ako bata at mas lalong hindi naman ako puslit para 'di makauwi nang mag-isa!

Nadaanan ko si Papa sa tabi lang ng hagdan at nakangiti pa 'to, kaya naman ay mas lalo akong nairita. Hindi ko siya binati pabalik. Kahit pa nga si Auntie na tinatawag ang pangalan ko mula sa sala ay hindi ko na rin nilingon.

Padabog akong nagpatuloy sa pagmamartsa at agad na humiga sa kama. Hindi ko naman namalayan na sa sobrang pagkabusangot ay kusa akong nakatulog habang may galit pa rin sa dibdib.

Kinabukasan, wala pa ring pinagbabago ang mukha ko, 'di pa rin maipinta.

Naligo muna ako bago bumaba para mag-agahan. Inaasahan ko pa naman sana na ako nalang mag-isa kakain kase alas nueve na ng umaga kaya malamang ay hindi ko na sila maaabutan, pero nagkakamali pala ako, kase 'di pa 'ko tuluyang nakakalapit sa kusina, narinig ko na ang pag-uusap nina Papa at Auntie.

Napag-alaman kong ngayong araw na pala ang harvest. Narinig ko ang sariling pangalan kaya napangiwi naman ako.

"Okay lang sa 'kin," walang gana kong sabi. Pinagtatalunan pa kase nila kung papaaano ako mapapayag na tumulong mamaya. Ngumiti ang dalawa, pero kahit na ganoon ay wala pa ring pagbabago ang mukha ko. Doon ako umupo malayo sa kanila.

Habang kumakain ay naisip ko na naman ang kagabi. Sana nalang ay sinendan nalang nila 'ko ng messages at kusa naman akong uuwi! Hindi 'yung magugulat nalang ako't para akong bata na may sumusundo sa 'kin.

Napairap ako at pinakinggan pa ang pinag-uusapan ng dalawang tao sa harap. Wala talaga akong kaaalam-alam sa pinagsasabi nila pero pinilit kong makasunod.

"Three harvesters are enough," sabi naman ni Auntie na mas lalong nagpalito sa 'kin. E', ewan ko rin kung bakit bigla-bigla nalang ako nagkahilig sa mga ganitong bagay. Siguro'y dahil 'to sa lalaki na 'yun.

Speaking of him... Gusto ko tuloy malaman kung makikita ko pa ba siya ngayon. Tumigil ako sa pagsubo para matitigan si Auntie. Abala silang dalawa sa topic kaya 'di pa nila napapansin ang pagkakatulala ko.

Umiling si Papa at inabot ang phone na nasa tabi ng plato niya. Hindi ko masundan ang pag-uusap niya at ng caller dahil napakabilis nitong magsalita tapos 'di pa talaga naka-loudspeak. Nagngitian nalang kami ni Auntie, at nagtanong siya kung sigurado na ba raw talaga akong tumulong. Tumango naman ako.

Hindi ko naman 'to gagawin nang walang dahilan, e'. May gusto akong makitang isang tao kaya isasakripisyo ko na muna ang plano kong bumili ng mga leggings ngayon.

Kahapon, pinangako kong bibili na talaga ako ng mga gamit para sa renovation ng kwarto ko, pero ngayong may chance na 'kong makita siya, hindi na 'ko magpapatumpik-tumpik pa.

"Knowing you, I am sure you had another plan for today like buying things or whatsoever," nakangising imik naman ni Auntie at binigyan ako ng nanghahamong tingin.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now