21

33 17 5
                                    

"Kuya, may itatanong daw si Naldy!" pagtatraydor ng katabi ko sa 'kin. Napakamot na lang ako sa sariling ulo at napalabi, problemadong-problemado.

Pero ang 'di ko matanggap, inosente lang akong tinaasan ng kilay ng secretary ng grupo namin. "Nald, magtanong ka na, tumingin na sa 'yo, oy," pagtutukoy niya kay Cy.

Napailing na lang ako sa pagkadismaya. Sa totoo lang... Akala ko si Frency nalang ang natitirang inosente sa mundo, 'di naman pala.

"Wala! Okay na! Kainis!" iritado kong sigaw at napayuko.

At kagaya ng inaasahan, gano'n nga ang nangyari, 'di na 'ko nagtanung-tanong pa sa kahit sino.

Walang gana akong napakapit sa isang strap ng bag habang ang isa namang braso ay nakalaylay lang, halata talagang pagod na pagod. Ewan ko pero 'di naman gaanong nakakapagod ang araw na 'to, sadyang 'yung science class lang ang dahilan kaya biglang naglaho lahat ng lakas ko na dagdagan pa ng litsing menstruation na 'to.

'Di ko tuloy maiwasang 'di mag-isip-isip habang naglalakad. Pansin ko lang naman na ang mga babae 'ata ang mas pinahihirapan ng mundo. Biruin niyo... Kami pa 'yung dadalawan kada buwan, ilang buwan pang magdadala ng baby sa tiyan. Masyado naman 'atang unfair, 'no?

Ako na lang pala ang mag-isa sa kalsada ngayon dahil sina Joyce, Ytang at Lowelyn ay nagpaalam sa 'kin kanina na may kaniya-kaniya raw'ng silang lakad.

Well, hindi naman ako literal na nag-iisa dahil may kasabay naman akong naglalakad na mostly ay freshmen. Ayaw ko namang maging rude sa paningin nila kaya sinusuklian ko rin sila ng sinserong ngiti.

Bukas naman, wala pa akong plano kung ano'ng gagawin ko. Pero baka sa sakahan nalang ako bukas kasi roon, masarap ang hangin, nakakaalis ng problema.

Pagpasok ko sa mansyon, wala pang tao except sa mga maids. Aakyat na sana ako nang may nilahad ang isang maid sa 'kin. Box ito na kulay brown at may parang resibo.

"Pinabibigay ng delivery boy kanina, ma'am, hinahanap ka," ani ni manang sa 'kin, at nakangiti ko nalang 'tong tinanggap kahit nalilito pa rin. "Alis na ako."

Napatango ako sa kaniya.

May feeling ako na medyo special ang bagay na 'to kaya excited tuloy akong napatakbo papunta sa k'warto.

"Tess!" Napatalon ako at mas lalo pang nilapit ang phone sa tenga "Ano'ng ginawa mo? Bakit mo pinadala ang bag? Sa 'yo 'to!" pagtitili ko.

Muli kong binalingan ang bag. Actually, minsan ko lang 'to nagagamit -- parang once a year lang -- pero para sa 'kin ito ang pinakaimportanteng bagay na mayroon ako. Ito rin kasi ang natitirang remembrance ni ate.

Alam ko na gustong-gusto niya 'to at 'yun ang dahilan kaya kahit ano'ng nangyari ay 'di ko 'to ibenenta. Pero nga dahil sa mas kailangan ng mama ni Cyriel ng pera noon, sino ba naman ako para 'di tumulong? Magkaibigan kami.

"What?" lito niyang tanong. Hula ko'y kaharap niya na naman ang notes niya. Exam time na kasi roon, panigurado. "Natanggap mo na?"

"No need to thank me, tho," walang emosyon niyang ani na mas lalong nagpanguso sa 'kin.

"Salamat talaga!" Kahit ngayon ay feeling ko napapailing na 'to sa kakulitan ko. "Kung alam mo lang ang sinakripisyo ko para makapag-ipon."

Muling nanumbalik ang mga araw na hindi ako nagkape para makapagtipid at makuha ulit ang bag na 'to. Never ko sinabi sa kaniya na may plano akong bilhin uli ang bag sa kaniya, kaya ganito na nga lang ang gulat ko ngayon.

"Babayaran ko 'to!" ani ko at niyakap nang mahigpit sa bag. "Next year 'ata. Basta babayaran ko 'to."

"Ikaw bahala."

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now