6

35 19 35
                                    

Nakanguso na naman akong nagbaba ng tingin at pinaglaruan ang sariling kuko. Nag-play na ang panibagong pelikula, pero sa 'kin lang naman sila nakatingin at wala sa laptop ko.

"Parang may iba," pabulong na sabi ni Lowelyn, at agad ko nalang binalik ang tingin sa harap.

"Pero saan mo balak mag-aral?" tanong ni Joyce.

Napaisip naman ako sa tanong na 'yun.

Noon, plano kong pagkatapos ng dalawang buwan ay babalik na 'ko sa Maynila para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral.

Nangako pa naman ako kay Tessa na sabay pa rin kaming mag-aaral. Pero ngayon, medyo nalilito na 'ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ba ang gusto ko - dito ba sa probinsya o doon sa Maynila? Hindi ko maiwasang hindi maipagkompara ang dalawang lugar. 'Di ko ginusto na dito tumira, hindi dahil sa panget ang lugar na 'to kundi narito lahat ang masalimuot kong nakaraan.

Bumuntong-hininga nalang ako nang walang maisip na maisasagot kay Joyce. Gusto ko rito. Gustong-gusto. Pero natatakot ako sa maaaring mangyari sa 'kin.

Sa bahay na 'to nawala si Mama at dito rin namataan ang patay na katawan ni Ate, at dito ko rin natunghayan kung papaano manakit si Papa noon.

"Pag-iisipan ko muna," mahina kong sagot, parang ako nga lang ang nakarinig no'n sa sobrang hina.

"Pero saan ka ba nasanay na school? Sa public o sa private?" nakapangalumbabang tanong ni Joyce.

"When I was an elementary student, I studied in a private school. Pero na-realize kong gusto ko rin maranasan ang public school, kaya nasa public school na ako simula grade 7 hanggang grade 9."

"Pero kung ako ang papipiliin, mas pipiliin ko 'yung private school. Daming gwapo roon, e'," kinikilig na ani ni Lowelyn saka tinapik pa niya ang kaliwang pisngi niya, nag-i-imagine. Hindi ko alam kung ano ang itutugon kaya natawa nalang ako.

"Marami ngang mga gwapo pero mga ano naman," pambabara ni Ytang.

"Na ano?" Si Lowelyn.

"Na basta!"

"Anong ano nga?!"

"Gwapo nga pero mga mayayabang!" Umirap pa si Ytang at nagwalk-out.

Lahat kami ay tulala habang tanaw ang bulto niyang papalayo. Doon lang kami nagkatinginang apat noong tuluyan na nga 'tong naglaho sa paningin namin. Unang nagtanong si Frency, kung ano'ng nangyari kay Ytang. S'yempre ay umiling nalang ako dahil maski ako ay hindi rin alam kung bakit ganoon maka-reak ang babae na 'yun.

Sinubukan kong humula kung ano ang dahilan, pero wala naman sa katinuan ang isip ko ngayon kaya napaayos nalang ako ng upo.

Na-itsapwera nalang ang pelikula sa harap namin dahil lahat kami'y nakatingin sa kawalan, gulong-gulo. Ino-off ko nalang ang laptop ko at humalukipkip sabay tingin sa ceiling. Bumalik naman ako sa pag-iisip tungkol sa pag-aaral ko. Nalilito na 'ko, sa totoo lang.

"Dear, he wants to talk to you," si Auntie na kakaharap palang sa 'kin. May mask pa 'to na suot kaya medyo nagulat ang mga kasama ko.

Nagpaalam ako kina Lowelyn, Frency at Joyce at tumayo para pumunta sa meeting room namin, habang si Auntie ay nakasunod lang sa 'kin.

Hindi ko alam kung bakit gusto akong makausap ni Papa, pero sana naman ay walang bad news.

Nadatnan ko siya na nakapo sa isang swivel chair. Nakalapat ang siko nito sa lamesa at mukhang may malalim na iniisip. Umupo kami ni Auntie sa visitor chair, at sikreto ko namang pinaypayan ang sarili. Nagngitian kaming tatlo, tapos 'yung sa 'kin ang pinakapeke sa lahat.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now