11

38 21 19
                                    

May maliit na lamesa sa harap namin, kaya roon nalang namin pinatong ang phone ko. Ang speaker naman ay nasa inipuan ko pa rin kanina. Nagkatinginan kami, at parang kapwang naghihintay kung sino ang unang magsasalita.

"Kwarto mo 'yun?" I asked.

Kinagat ko ang dila habang nguninguso 'yung kwarto na pinanggalingan niya.

"Oo."

Hindi ko i-ni-expect na sasagot siya sa 'kin dahil mukhang hindi naman siya interesado na sabayan ako. Pero kahit na ganoon, napakasaya ko pa rin kahit na ganooln kaiksi ang sagot niya. Parang boses niya lang ang pinakaimporte sa lahat.

Ngumiti ako at nagtanong, "Start na tayo. So, sino ang unang sasayaw?"

Ngumiti siya at tinuro ang sarili. Ti-nap niya ang play botton at 'yung introductory part pa ng video ang lumabas. Sinenyasan niya 'kong umupo, at sumunod naman ako. Nabatid ko na ang nais niyang mangyari -- gusto niyang siya muna ang maunang sumayaw at papanoorin ko siya tapos ako na naman.

Three minutes ding nagtagal ang introductory music. Laking gulat ko naman nang magsimula niyang isayaw ang mga binti niya na sinasabayan naman ng mga kamay niya.

To say that he is a good dance is an understatement. Marami na akong nakitang nagsasayaw kagaya niyan pero ewan ko't link-link na ang side ko sa kaniya. Surely, maraming mas magaling pa sa kaniya, pero para sa 'kin, wala nang mas aastig pa sa kaniya.

"Ikaw na."

Napatayo ako nang tinawag niya 'ko. Bigla akong na-conscious. Magaling akong sumayaw pero may mga time na bangag pa 'ko sa bangag kaya natatakot ako sa maaaring mangyari. Ayaw ko talagang masayang ang oras niya sa 'kin kaya hanggang sa kaya ko, gusto kong ma-proud siya sa 'kin.

Parang bata akong lumapit sa kaniya, pakamut-kamot pa ng ulo. Pinause niya ang music. Nakamasid lang siya sa 'kin para magkaroon ng sign para muling i-play ang video.

"Hindi ko nakuha," pagsisinungaling ko. 'Yung first hanggang fifth move ay kuhang-kuha ko, kase 'yun ang madalas kong sinasayaw kapag bored ako o walang maisip.

Napatingin nalang ako sa braso nang tapikin niya 'to at humarap sa 'kin. May isang metro na pagitan sa 'min ngayon pero pakiramdam ko, wala pa rin itong saysay.

Slow motion niyang sinayaw 'yung first move at huminto. 'Yun naman ang naging timing ko para gayahin siya. Hindi ko naman namalayan na nagpatuloy-patuloy ako sa paghi-hiphop hanggang umabot na 'ko hanggang sa fifth move.

Klarong-klaro ang amusement sa mukha niya na mas lalong nagpakaba sa 'kin. Ang gaga ko talaga. Ano nalang kaya ang iniisip niya ngayon? Na marunong naman talaga ako pero masyado lang papansin sa kaniya? Nanghina tuloy ang tuhod ko, nahihirapan nang harapin siya at makipagtinginan.

Ano na?

"Fast learner ka," 'yun lang at nagpatuloy siya sa pagturo. Humakbang siya papalapit sa 'kin, at kusa naman akong napakilid no'ng kinuha niya ang phone at muling inaral ang video.

What was that?

Hindi ako nagkakamali. May amusement talaga sa mga mata niya n'on. Malamang ay umaarte nalang 'to para hindi ako mapahiya.

Ilang segundo siyang ganoon at humakbang papaatras. Pi-ni-lay ko ang video, at nagsimula siya sa pagtatalon nang kaunti tapos iikot. Ginaya ko siya. May mga pagkakataon na nagkakamali talaga ako sa mga ginagawa, pero patuloy niya pa rin akong tinutulungan. Nasa 1/4 palang kami ng video nang kapwa kaming napagod.

"Ang galing mo talaga!" Hindi ko maiwasang hindi siya purihin. Napaka-talented kase niya -- magaling pa academically, magaling din sumayaw tapos SSG officer pa! Wala na... nasa kaniya na ang korona. Siya na 'tong labis na pinagpala.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now