17

31 19 3
                                    


Habang may isang officer sa kaliwa kong side -- binabantayan ako -- parang pakiramdam ko isa akong drug lord na kailangang makulong panghabambuhay.

Dahil sa totoo lang talaga, unang beses ko 'tong naranasan. Noong nasa Maynila pa 'ko nag-aaral, parating nandiyan si Tessa para sabihing oy, 'wag 'yan, oy 'wag mong gawin 'yan, oy masama 'yan. Kaya nakakapanibago talaga sa pakiramdam ang ganitong eksena.

Mas lalo naman akong nahiya no'ng nasa court na kami, di 'ko naman lubos akalain na marami pa ring students kahit walang pasok ngayon. Kaya ang ending, pinagtitinginan na kami.

Tahimik na lang akong nanalangin na sana'y lumipad na lang kami patungong guidance office tutal ay mukhang doon din naman ang punta namin.

Awkward akong natigilan nang may biglang tumabi sa 'kin. Tila may puwersa namang nag-udyok sa 'kin na titigan ang lalaki.

"Okay ka lang?" sa mababang tono na tanong ni Cy.

Nahihiya akong napailing. Pansin ko na medyo nahuhuli na kami sa lakad at 'yung isang nagbabantay sa 'kin kanina ay nauna na rin doon sa harap.

"Ano'ng gagawin niyo sa 'min?" I asked him.

Halata ang takot sa boses ko. 'Di ko lang talaga maiwasang 'di mapahula tungkol sa kung anong klaseng punishment ang haharapin namin. Sure naman akong hindi naman masyadong malala dahil, hello? Wala naman kaming ginawang masama. At baka warning lang 'to para sa 'min. Sana nga.

Natatakot akong malaman nina Auntie at Papa ang tungkol dito. Siguradong magagalit ang mga 'yun o worse... Baka itakwil pa 'ko. 'Wag naman sana.

"Kumain ka na ba?" he just asked.

Imbes na sagutin ang tanong ko, e', panibago na namang tanong ang binigay mo sa 'kin.

Napabuga na lang ako ng hininga. Walang mangyayari kung makikipag-bakbakan pa 'ko ngayon dahil sa 'ming dalawa, ako 'tong pinakanakakaawa.

Swear. 'Di ko na talaga hahayaang mangyari ulit 'to. Nakakahiya na.

"Tapos na. Pero kanina pa 'yun kaya gutom na uli," mahina kong tugon at binilisan pa ang paglakad nang mapansin na malapit na kami sa kulungan namin—ang guidance office.

Handa naman akong harapin kung anuman 'yang ipapagawa nila sa 'kin bilang punishment, pero sana naman ay 'wag na nilang ipaalam ang eksena na 'to sa mga tao doon sa mansyon.

Baka akalain pa ni Auntie na isa nga 'kong rebelde. Hindi naman 'yan totoo, pero kapag siya ang maaatasan na sumundo sa 'kin dito, lagot na talaga 'ko.

"Ano'ng ginagawa niyo roon?" hinabol niya 'ko saka nagtanong na naman.

Wala akong ideya kung bakit niya 'ko i-ni-interview rito ngayon at 'di na lang maghintay na makapasok kami sa guidance room. Pero nga dahil sa karapatan niya namang magtanong, edi, okay, sasagot na lang ako.

"Nagpapahangin lang naman," I answered silently.

Parang tumingin siya sa 'kin nang matagal tapos balik na naman sa dinaraanan. "Masakit ba?" siya.

Hindi pa man ako nakakasagot sa tanong niya ay kaagad niyang hinuli ang kamay ko.

Para naman akong napako sa kinatatayuan dahil sa ginawa niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin. 'Di ko alam na napansin niya rin naman pala. At oo. Masakit nga. Pero hindi 'to ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon.

Napatitig ako sa sariling braso. Medyo namumula-mula 'to dahil sa paghila ni Janna sa 'kin kanina.

Tapos may suot pa talagang bracelet ang babae na 'yun kaya nagkaroon ng parang violet na oblong ang pulsuhan ko. Tahimik akong napaangat ng tingin sa katabi ko, at dinungaw niya naman ako gamit ang kakaibang tingin.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now