9

35 23 24
                                    

"Bakit nandito ang mga bruha na 'yan?" galit na bulong ni Lowelyn sa 'kin. Umiling ako sa kawalan ng maisasagot at pinagtuunan nalang ng pansin ang pagkain sa harap.

"Prens, paalisin mo ang mga 'yan," si Ytang. Malapit na 'atang sumabog ang ulo ni Ytang. Madiin pa ang hawak nito sa kutsara niya, kaya napalunok nalang ako saka nag-iwas ng tingin.

Ewan ko, a', pero may pakiramdam akong hindi nagkataon lang kung bakit narito rin sila ngayon. Sa katunayan nga ay maraming karenderya malapit do'n sa school. Nandito lang talaga kami dahil ito ang request ni Frency.

"E', baka pagalitan ako ni Papa. At isa pa, 'di naman tama kung basta-basta ko nalang sila papaalisin nang walang dahilan," mahabang sagot nito. She had a point, tho. Siguradong manghihinala ang mga 'yan kapag mapapaalis sila kahit wala naman silang ginagawang masama.

Dahan-dahan ko silang binalingan at nakita ang pagtaas ng kilay ni Janna habang nakatingin sa 'kin. Ang babae na may pink na buhok naman ay may parang binubulong sa katabi nitong babae. Nasa left side nito si Cy na nasa sarili niyang mundo.

Mali pala ako. Feeling ko may mangyayari na namang kababalaghan ngayon.

Ang mga tingin kase nila ay parang nanghahamon. Tapos ang mga katabi ko naman ay ayaw paawat at nakipagkompetensiya rin gamit ang tingin.

"Oy, baka magalit si Papa kapag... mga baliw talaga kayo, e', 'no?" problemadong-problemado si Frency. Naawa na tuloy ako sa kaniya kase sinasaktan niya na ang sarili habang sinasaway ang mga katabi ko.

"Behave naman kami rito, a'," si Ytang. Maamo ang mukha pero galit pa rin ang tingin. Ganoon din naman si Lowelyn, wala akong mapili kung sino sa kanila ang mas galit dahil pareho ring namumula ang mga pisngi nila.

"Mary..." isang boses. Nasa tapat na namin si Charlie. Kung kanina ay naka-polo ito, ngayon naman ay naka-pambahay na. Long sleeve ito pero halata pa rin ang mga tattoo niya sa katawan. Nakatingin ito nang diretso sa 'kin, kaya agad akong tumigil sa pagkain saka tinuro ang sarili.

Bakante pa ang right side ng inuupuan ko kaya in-offer ko sa kaniya 'to.

"Mabuti nalang at naisip ni Hershly na rito na mag-lunch at nagkita na naman tayo," pagsisimula nito. Akma sana akong magtatanong kung sino ang babae na tinutukoy niya nang maunahan ako ng apat sa tabi ko.

"Hershly?" sabay-sabay sila na nagsalita, kaya ang ending ay umabot ang boses nila sa kabilang table. Mariin kong pinikit ang mga mata at nagdasal na sana ay may himalang mangyari at hindi narinig ni Hershly ang pangalan niya. Pero ayaw naman makisama ng tadhana sa 'kin, dahil napatayo ang babae na nagmamay-ari ng pink na buhok at naiiritang niyakap ang sarili.

Nakalimutan kong sabihin na may bangs nga pala siya. At magkaharap kami kaya mas lalo kong napansin ang hubog ng katawan niya. Pansin ko rin ang mahaba nitong pilik-mata at dimples sa baba ng kaniyang mga pisngi. Kahit pa nga nagsasalita lang siya'y natural lang na nagpapakita ang mga 'to.

Aksidente akong napatingin kay Janna. Nakamasid din naman pala 'to sa 'kin. Sabay nalang kami na nag-iwas ng tingin nang ibaba ni Cy ang hawak niyang magazine. Nag-usap silang dalawa, pero hindi ko na talaga sila binalingan pa.

"Are you guys talking about me?" si Hershly.

"Hindi," si Charlie na ang sumagot at napatayo pa.

"Hey, tattoo boy, why are you with them? Balik ka nga rito, upo ko sa tabi ni Janna," istriktang sagot nito. Si Charlie naman ay nag-aalinlangang napalingon sa 'kin na wari'y may hinihintay mula sa 'kin. Walang kibo akong napatango, at nakangiti nalang siyang tumayo at tumungo sa table nila saka umupo sa tabi ni Janna.

"O', bakit ko narinig ang pangalan ko kanina?" si Hershly.

Hindi pa rin siya nakaka-move on. Panay naman ang reklamo ni Ytang sa tabi ko, mabuti nalang at pinipigilan siya ni Joyce na tumayo pa para hindi mas lalong lumalala ang sitwasyon. Sinenyasan ko nalang sila na magpatuloy na sa pagkain para wala nang gulong mangyari. Ganoon nga ang ginawa namin para 'di na naman kami mapaaway.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now