24

27 14 1
                                    

"Hindi kita maintindihan," bulong ko sa hangin.

"Kumain ka na ba?" pag-iiba pa nito ng usapan.

"Hindi pa."

Nagbaba ako ng tingin, nawalan na kaagad ng ganang kumain. Dapat nga ay nag-se-celebrate kami ngayon dahil naka-pass siya sa scholarship na 'yan. Please take note, International Scholarship. Tinabingi ko na lang ang ulo at huminga nang napakalalim.

Bumalik na si Ytang sa table, kaya walang ibang nagawa si Cy kundi bumalik sa dating p'westo. Ni isang beses ay hindi ko na siya binalingan pa. At kanina pa tanong nang tanong ang mga katabi ko kung ano na ang nangyayari. I couldn't tell them. At isa pa, sure naman akong narinig nila 'yung pinag-usapan namin ni Cy kanina -- 'yung tungkol sa certificate at sa plano niyang i-reject 'to.

Kahit nga sa minuto na 'to, wala pa rin akong ideya kung bakit 'yun ang plano niya. Lahat 'ata ang ng students ay gustong makakuha ng scholarship, maski nga ako na 'di naman katalinuhan ay gano'n din, pero siya na nabigyan ng chance...

"Anong scholarship, Nald?" tanong ni Lowelyn sa 'kin, mahina ang boses. "At bakit parang nag-away kayo kanina?"

"'Di naman kami nag-away," pagpapaintindi ko. Gano'n ba ang naging tingin ng lahat sa simple naming pag-uusap kanina? Masyado na bang tumaas ang boses ko para sa normal lang na usapan? "Inaway ko ba siya kanina?" kuryuso kong tanong.

"Oo," siya. "Naawa nga ako sa tao. Parang kaunti na lang talaga, e', bibigay na." Pilit akong naghanap ng kung anong biro sa sinabi niya, pero ang tangi ko lang napansin ay ang malungkot nitong ngiti na tila nagsasabi siya ng totoo.

Walang gana akong tumango at sinubukang galawin ang crackers na nasa bowl. Ilang minuto naman akong nag-isip-isip. Knowing Cy, alam kong 'di siya basta-basta magdedesisyon na pagsisisihan niya lang sa huli. Siguradong may malalim na dahilan. Dahilan na hindi ko alam pero umaasa akong sasabihin niya sa 'kin.

At... Talaga bang nag-away kami kanina? Paulit-ulit kasing nag-re-replay ang sinabi ni Lowelyn.

Muli ay bumuga ako ng isang napakalalim na buntong hininga at saka bumaling sa direksyon niya, at nakitang nakayuko siya habang ang isang siko ay nakalapat sa table. Nag-vibrate naman ang phone ko, at tahimik ko 'tong kinuha mula sa bag.

Are you with Cyriel?

Text message 'yan galing kay Auntie. Kumunot muna sandali ang noo ko bago napagpasyahan na hindi na lang siya reply-an. Natatakot kasi akong magtipa ng mensahe at baka umabot sa punto na masabi ko na rin ang problema ko ngayon.

Muli ko na lang binalik sa loob ng bag ang phone ko. May hinala na 'ko kung bakit niya 'yun tinanong. Baka ay may nasira na namang appliances sa mansyon. Naalala ko naman kung papaano siya mang-insulto kaya nagpasalamat na rin ako't 'di ko siya nareply-an.

"Nald," tinig ni Cy, at inagatan ko naman siya ng tingin. "Hindi ka pa rin ba galit?" His voice was as comforting as lullaby! Galit ako! Dapat galit ako!

Pinamulahan kaagad ako ng mukha at napapalunok na nag-iwas ng tingin. Gusto kong tumango at makipag-usap sa kaniya, pero nang maramdaman ang tingin ng lahat sa 'min ay may malakas na hangin ang humampas sa mukha ko na nagpapaalalang 'di na dapat ako magsalita pa.

Tumayo si Ytang, hindi dahil sa may katawag ito kundi para bigyan ng p'westo ang lalaki sa tabi ko. Makalipas ang ilang minuto, may kaniya-kaniya na ring usapan ang bawat isa. Habang ako, nanatili pang tahimik, natatakot at nahihiyang magsalita.

Nag-flash back lahat ng mga sinabi ko kanina. Sino nga ba kasi ako para gumano'n? Desisyon niya 'yan. Hindi naman para sa 'kin ang scholarship na 'yan kaya bakit ganito ako kung maka-reak? Bakit apektadong-apekatado ako? Kaibigan niya lang naman ako.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now