22

29 16 2
                                    

Nagsidatingan sina Lowelyn, Joyce, at Ytang sa mansyon. Kahit umagang-umaga pa nga, e', yinayaya na nila akong gumala.

At s'yempre, kahit na may planong iba ngayon, pumayag na lang ako tutal naman ay kina Cy raw ang punta namin. Wala namang okasyon doon, sadyang bibisita lang talaga.

Bago ako umalis ay kinuha ko muna ang isang brown na sombrero at lumabas na ng k'warto. Wala sina Papa at Auntie ngayon, anyway. Siguro ay nasa farm o 'di kaya'y nasa sakahan.

Sa sala na ako dumiretso at doon sila naabutang naghihintay sa 'kin. As usual, ganoon pa rin ang mga suot nila. Hindi ko na kailangan pang isa-isahin.

"Grabe, epic 'yung science class natin kahapon, a," pagpaparinig ni Lowelyn habang nagsa-side-eye look sa 'kin. "'Di baleng walang natutunan basta kinilig ako." 'Di niya na matiis ang sariling kilig at hinampas na ako nang sunod-sunod.

Tumawa na lang ang iba, habang ako nama'y 'di pa rin makaget-over sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon, 'di pa rin ako lubos makapaniwala na nagkausap kami ng gano'n ni Cy. Tila ang gabi 'ata na 'yun ang pinakaespesyal sa lahat. Wala na akong masabi pa.

"Pero, Naldy," pagtatawag ni Ytang sa 'kin. "Papaano si Charlie?" Natahimik ako sa tanong niya. Anong papaano na si Charlie? E', okay lang naman ang relasyon namin.

"Ha?" naibulong ko saka humalukipkip. "Magkaibigan kami. Tapos mabait siya sa 'kin. Kaya...." Nilingon ko silang lahat gamit ang kaswal na tingin. "Okay lang naman ang relasyon namin. Hindi naman kami nag-away o ano."

Inakbayan ako ni Joyce, at nagsway-sway kami sa kalsada. Good thing at walang masyasong sasakyan ngayon dahil talagang masasagasaan kami sa porma naming ganito.

"'Di ba exam na sa lunes?" Bigla kong naalala na may kailangan pa pala akong gawin. "Dapat nag-s-study tayo. 'Di ba? 'Di ba?!"

Sinenyasan naman akong kumalma ni Ytang habang may mapang-asar na tingin. "Mataas kung magbigay ng grades ang mga subject teachers na 'tin. At kung bibigyan nila tayo ng 75, okay lang, pass naman 'yun hahaha." Matapos niya 'yung sabihin ay tumakbo na siya at nauna pa sa 'kin, habang si Lowelyn ay gano'n din ang ginawa. Naghahabulan na sila.

Samantala, si Joyce, nasa gilid ko pa rin. Napagtanto ko namang kami lang ang matino sa 'ming apat ngayon.

"Next week na ang uwi ng Frency natin," aniya sa kawalan at masayang napangiti. Hindi ko siya masisi dahil maski ako'y gustong-gusto na ring mayakap ang cute na pandak na 'yun. Mapapasubok na 'ata kami nito. Baka lalabas na ang mga hidden english vocabularies namin nito.

"Oo nga," pagsang-ayon ko, ngumingiti. "Oy, Joyce, ano'ng pangarap mo?"

Simula kagabi, nagsimula na akong ganahan sa pagtatanong about sa pangarap. Marahil ay grabe na talaga ang pagka-link ko sa lalaking 'yun.

Hindi pa man siya nakakasagot ay tumunog na ang phone ko. Isang message galing kay Auntie na nagsasabing nasa mansyon na raw ang playboy na Jake na 'yun.

"Ang sarap pumatay ng engineering student ngayon. Grabe," naiinis kong bulong sa sarili, kaya napatingin sa 'kin sandali si Joyce. "'Wag kang ma-fall sa isang engineering student, Joyce, mga betlog ang mga 'yun. Sa math lang magaling pero mga bangag naman talaga."

Naiinis akong nagkibit ng balikat.

Wala pang kalahating oras nang narating na namin ang bahay nina Cy, pero 'di namin siya naabutan dahil nag-o-operate raw 'to ng tractor sa kabilang purok.

Napakawelcoming naman ang Mama niya kaya panay ang tawa namin habang nanonood ng tv. Ang pambihira lang dito, horror ang pelikula pero kapag may lalabas na aswang, imbes na matatakot ay magtatawanan pa.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now