5

49 31 40
                                    

Napabalik ako sa huwisyo nang hilain ako ni Lowelyn patungo sa kung saan. Namalayan ko nalang ang sarili na kaharap ang isang table. Nagpasalamat din naman ako dahil may sarili kaming table at 'di na namin kailangang makisalo sa iba.

Sa palagay ko limang tables ang nandito ngayon at ang amin ang pinakamaliit sa lahat, pero kasya naman kaming lima kahit papaano. May mga drinks na nakalapag sa lamesa.

Kusa akong napaayos ng upo nang may isang lalaki na lumabas mula sa parang isang kusina. Batid kong nagniningning na naman ang mga mata ko ngayon kagaya na lamang ng maputi at makinis na balat ng lalaki.

"Mamaya pa ang ibang ulam, a'," friendly na sabi ni Cy at tiningnan isa-isa ang mga kaibigan ko, tapos ako ay walang natanggap na ganoon galing sa kaniya.

Tinaas ni Joyce ang kanan niyang kamay, kaya napatingin ang lalaki sa kaniya at pati na rin kaming apat. Medyo nakaramdam ako ng kaunting kaba nang bigyan ako ni Joyce ng isang tingin na hindi ko ma-describe.

Napalunok ako at awkward na naglibut-libot ng tingin. Nasa isang grupo ng mga sexy-ing babae ang tingin ko hanggang sa magsalita na naman si Joyce.

"May kape ba kayo?"

Alanganin ko silang tiningnan, at nagtagpo naman ang mga mata namin ng lalaki. Matagal bago ako naalis sa pagkakatulala at mahina akong nagpasalamat dahil 'di ako natuluyan kanina. Naaasar kong binalingan si Joyce nang nanunuya niyang tinapik ang braso ko.

Ngiting aso naman ang iba maliban nalang sa lalaki na nasa harapan namin kase parang normal pa rin naman 'tong nakikipag-usap, 'di kagaya ng mga bruha sa tabi ko.

"May isa kase sa 'min na alergy sa soft drinks at gusto niya kape lang," pabulong na sabi Joyce pero ang lakas-lakas naman. Awtomatiko akong napayuko at naramdaman na parang saglit na bumaling ang lalaki sa 'kin.

Napaayos ako ng upo nang may parang may dumila sa paa ko. Kuryuso nila akong tiningnan, at pangiti-ngiti ko nalang kinuha si Owen at hiniga sa magkalapat kong mga hita.

"Kape. Sige. Magtitimpla muna ako," ang lalaki. Namilog ang mga mata ko nang sa 'kin pa 'to nakatingin habang sinasabi 'yun. Tumalikod ito sa 'min, at sinasadya akong siniko ni Joyce. Nginiwian ko silang lahat saka nagkibit-balikat.

Para 'di tuluyang mamatay sa pang-aasar nila, pinagmasdan ko nalang ang buong bahay.

Kung sa labas ay alam kong hindi ito ganoon kaliit, ngayon naman ay mas lalo kong napagtanto na mas malawak pa pala 'to sa inaasahan ko. Walang masyadong gamit kaya kasyang-kasya ang lahat sa sala. Medyo naninibago rin ako kase isang fluorescent bulb lang ang nandito at nasa tapat pa namin.

May gumagamit naman ng flashlight sa kabilang side kaya medyo lumiwanag ang paligid.

"Narinig mo ba 'yun?" si Frency tapos walang pasabing ninakaw si Owen sa 'kin. Nag-peace sign lang 'to at hindi na nga binalik sa 'kin ang alaga ko.

Naisip ko ang mga tao sa mansyon. Baka alalang-alala na ang mga 'yun. Kaya napagpasyahan kong magpadala ng message para malaman nilang kasama ko naman ang mga kaibigan ko at para 'di na rin nila ako sunduin pa.

Binalaan ko nga sila na huwag na huwag talaga nila akong ipapasundo dahil babalik ako ng Manila kapag nilabag nila ang utos ko. Alam kong masyado na naman akong nagiging rude, pero wala na akong maisip na ibang paraan para hindi na nila ulitin ang ginawa nilang pagsundo sa 'kin noon.

"Hoy, Nald.." Mahina akong binatukan ni Frency.

"Ano?" patay malisya kong tanong, pinaglalaruan ang sariling kuko para 'di lumala ang kaba sa dibdib.

"Ipagtitimpla ka raw niya."

"Pake ko. Hindi ko naman siya pinilit. Siya lang talaga 'tong--"

Bago pa 'ko matapos sa pagsasalita ay may isang baso ng kape na nilapag sa harap ko. Nagugulat akong nag-angat ng tingin sa lalaki. Nakagat ko ang pang-ibabang labi, hindi alam kung ano'ng gagawin.

Three Seconds ✔Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum