7

38 23 38
                                    

Hindi siya nagsalita kaya tumahimik nalang din ako.

"Oy!" a voice.

Napatingin ako sa may-ari ng boses na 'yun. At nakita ko nga si Frency. May ribbon pa rin sa ulo nito, pero hindi na siya nakasuot ng dress o kung ano pa man na nakasanayan kong makita na suot-suot niya. Lumapit siya sa 'min, habang napaayos naman ako ng tayo.

"Ah..." bulong niya habang inaamoy ang sarili. Kahit gabi ay halata pa rin ang ink na nasa balat nito. Kung hindi ko lang namemorize ang height niya, baka hindi ko na talaga siya makilala sa napakaitim niyang mukha.

Pasimple niyang hinawakan ang sariling pisngi na parang nahihiya.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ko. Alalang-alala ako sa kaniya, pero nang ngumiti ito at saka tinapik ang kanan kong balikat, gumaan ang pakiramdam ko.

"Ganito ang trabaho ko kapag gabi," sagot niya naman pero wala pa rin talaga akong naiintindihan.

"Taga-ayos ako ng mga bisekleta kapag gabi!"

Napaubo ako sa sagot nito. Naghintay pa 'ko ng ilang minuto, nagbabakasakaling babawiin niya ang sinabi niyang 'yun pero wala naman.

Pilit akong tumango. Sa isip ko ay dahan-dahan nang naglalaro ang itsura ni Frency na nag-aayos ng sasakyan. Akala ko ba ay para lang sa mga lalaki ang ganoon na trabaho? 'Di talaga ako makapaniwala. Ako, sinasayang lang ang ibang gabi, habang may ibang tulad naman ni Frency na nagsusumikap.

Hindi ko maiwasang 'di ma-guilty. May mga gabi pa nga na binubuhos ko lang ang sarili sa pag-iisip kung papaano ako makakaganti kay Papa, habang may iba naman na todo na ang kayod para magkapera.

"Paminsan-minsan lang din naman ang ganito... Kapag may nag-re-request... ganoon lang. Na-miss ko na nga kaya hindi ko maiwasang 'di ma-excite."

Humahanga akong napatango sa sinabi niya.

Naalala ko naman ang lalaki sa tabi ko na kanina pa tahimik kaya nilingon ko siya para magpaalam.

"Alis na 'ko," I announced.

Hindi naman 'to nakasagot, nag-iisip pa. Dinungaw nito ang madilim na daanan, pero bago pa siya makatutol ay hinila ko na si Frency.

"Sasabayan mo naman ako, 'di ba, Prens?" Ramdam ko pa rin ang pag-aalinlangan ni Cy. Hinila ko nalang si Frency na parang ayaw pang sumama sa 'kin.

"Ang layo noong sa inyo! Ano ba 'yan!" nakangiwing pagdadabog niya. Hindi naman talaga malayo, ang arte-arte lang talaga. Marahil ay gusto niya lang na si Cy ang sumabay sa 'kin papauwi. Wala na rin naman siyang ibang magawa kundi magpatuloy sa paglalakad dahil malapit na rin kami sa 'min.

"Ano'ng ginagawa mo roon?" she asked.

Kumurap ako.

"Family problem?" dagdag nito.

"Yup. Na naman. As usual. Walang pinagbago."

Winagayway ko ang kamay sa ere at bumuntong-hininga. Kahit papaano ay gumaan na talaga ng pakiramdam ko. Lalo na sa part na may tumulong sa 'kin na sumipa sa container. Kakaiba rin pala ang lalaki na 'yun.

Buong akala ko talaga'y sasawayin niya 'ko at pagsasabihan na tumahimik dahil nakakaabala na 'ko sa iba, pero malayo naman sa mga 'yun ang ginawa niya. Parang habambuhay ko na 'ata siyang pasasalamatan dahil do'n.

"Lahat naman talaga ng pamilya ay may problema," mahinang usal niya. Nilingon ko naman ito saglit at balik na naman ang tingin sa daan. "Kahit nga gaano pa-kaperfect ang isang pamilya, may problema pa rin. Hindi 'yan maiiwasan."

Inakbayan ko siya matapos niya 'yung sabihin. Sa paraan ng pagkakabigkas niya, parang may pinaghuhugutan din siya.

Napaisip naman ako siyempre. Tama siya. May pamilya na financial problem ang kinahaharap, may iba naman na cheating, at 'yung sa 'kin naman... Ewan ko. Ewan ko kung ano'ng tawag sa problema namin.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now