14

37 20 13
                                    

Ilang minuto akong natulala matapos mabasa ang messages nila. 'Di na agad ako nag-aksaya ng oras at kaagad nang bumalik sa mansyon.

Napaupo na lang ako sa kawalan ng maiisip. Ano nang gagawin ko ngayon? Hindi p'wedeng basta na lang ako tumunganga. Hindi na ako nag-abalang magpalit pa ng suot, bagkus ay tumakbo na patungo sa garahe. Maraming hospital sa area na 'to kaya kailangan ko talaga ng info mula sa mga kaibigan ko.

Naaawa ako kay Cy, sa totoo lang. Napagdaanan ko na kung gaano kasakit makita ang mahal mo sa buhay na nasa isang hospital room.

Kusang bumalik ang mga alaala ng nakaraan ko -- kung papaano namatay si Mama, at sa biglaang pagpanaw rin ni Ate.

Sa hindi namalayan na sandali, isa-isang tumulo ang mga luha ko -- luha para kay Cy at luha para sa 'kin. Alam kong delikado na ang ginagawa ko ngayon -- ang mag-drive ng lampas na sa limit speed -- pero wala akong ibang choice, dahil maski mga kamay ko'y hindi na nakikipag-cooperate.

Pero sa awa naman ang Diyos ay ligtas akong nakapunta sa hospital na sinabi sa 'kin ni Ytang.

Puting walls. Puting tiles. Mga nurses na nagtatakbuhan. Ang hindi mapaliwanag na amoy ng buong lugar. Ang lahat ng 'yun ay napaka-pamilyar sa 'kin.

Nagkaroon ng kaunting liwanag ang dibdib ko nang makita si Cy na nakaupo, pero 'di naman 'to nag-iisa. Nandito rin si Janna. Napangiti ako nang sinsero. Salamat naman at may nakasama siya kanina.

Humakbang ako papalapit sa kanila. Nakayuko ang lalaki kaya hindi niya pa ako nakikita, habang ang babae naman ay pinapatahan si Cy kaya likod ni Janna ang kaharap ko. Nanatili naman akong nakatayo at hindi umimik. Kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha ni Cy, alam kong problemado na 'to at inaamin kong ayaw ko 'tong makita. Ayaw na ayaw.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi nila, pero hindi pa rin nila ako napapansin.

"Tahan na. Hindi matutuwa si Tita kapag nakita ka niyang ganiyan," si Janna.

Napapikit na lang ako at napatingala, pero kagaya ng inaasahan ay puti pa rin ang nakikita ko. Palagi na lang puti. Nakakasakit na sa dibdib.

"Kung sinamahan ko sana siya kanina, hindi sana.." si Cy.

Hindi ko alam kung ano'ng klaseng aksidente ang nangyari sa Mama niya, pero may pakiramdam akong medyo malala ito dahil patuloy pa ang pagdating ng mga nurses.

"Nald?"

Inagatan ko si Janna ng tingin nang tinawag niya 'ko. Natatawa kong pinahiran ang luha sa pisngi ko. Masyado na akong nagiging emosyonal lalo na ngayong nasa ganito akong lugar. Parang ang lahat ay kahapon lang nangyari.

Napatayo si Cy nang mapansin ako. Napaawang na lang ang bibig ko nang makita ang pagod niyang mukha na nahahaluan ng pagtataka habang nakatingin sa 'kin.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Gabing-gabi na," he stated gently. Matamlay siyang namulsa at nagtatanong akong tinitigan.

"Nag-alala ako sa 'yo nang malaman na na-aksidente si Tita," pag-aamin ko. Nag-vibrate ang phone ko, kaya nagpaalam ako sa kanila para sagutin ang caller.

"Nandiyan ka na ba?" a voice from Joyce.

Halatang-halata rin sa boses niya ang pag-aalala.

Nasapo ko ang noo, malapit na namang umiyak. "Yes. Nakita ko na siya. Nandito rin si Janna."

"Janna? Mabuti naman. Kailangan niya ng mga makakasama. Kung pinayagan lang talaga ako ni Papa na pumunta riyan, baka may kasama ka pang bumiyahe kanina."

"Anong aksidente ba kasi?" I asked, calming my own breathing.

"Nasapok ng isang kotse."

Nasapo ko ang bibig.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now