13

35 20 10
                                    

"Kahit hindi pa nagsisimula ang contest, alam ko naman talagang ikaw na ang panalo," malakas na sabi ni Ytang. Nasa classroom na kami ngayon -- tapos na ang program -- kasama ang mga classmates ko na full support sa 'kin.

Unang kita ko pa lang sa emoticon na sinend sa 'kin ni Cy, alam kong kahit matalo ay proud pa rin siya sa 'kin. At ngayong ako nga ang nanalo, parang wala na akong mahihiling pa.

"Dali. Tanggalin na natin ang contact lens mo," natatawang singit naman ni Frency at lumapit sa 'kin. "Bakit ang ganda mo?" May paghanga sa mga mata nito.

Magandang-maganda si Frency. Lalo na kapag ngumingiti ito. Natural din ang kulay chocolate niyang buhok. Napapatitig ako sa kaniya. By that looks, I was sure she has a brighter future. I was certain.

Lumapit si Ytang, at sumunod naman sina Joyce at Lowelyn sa kaniya. Tumabi sila sa 'kin at kaniya-kaniyang naglabas ng phone.

"Para may remembrance. Baka makalimutan mo na kami kapag may kaniya-kaniya na tayong trabaho," a statement from Ytang, making me feel odd.

Naghatid ng kakaibang emosyon ang litanyang 'yun ni Ytang. Rinig na rinig ko ang humor dito pero ramdam ko rin ang pagiging seryoso.

Ayaw kong magsalita ng tapos pero kahit kailan ay hindi ko sila makakalimutan kahit pa sila na ang hindi kumaibigan sa 'kin.

"Hindi 'yan mangyayari." Seryoso naman si Joyce. "Kase hindi ka naman magkakatrabaho, Ytang,"
pagpapatuloy nito na nagpatawa sa 'ming lahat.

Matapos naming magpicture-taking ay ni-remove na ni Frency ang contact lens ko. Sabay kaming umuwi at dumiretso kami sa mansyon (sa garden). Doon daw kami magse-celebrate, ika nila.

Wala na akong magawa laban doon since sang-ayun din naman ako. Kaming lima lang naman ang mag-se-celebrate.

Ginawa nila akong parang reyna -- nakaupo sa harap ng isang table habang silang apat ang nag-pi-prepare ng mga pagkain sa hapag. Malandi man kung sabihin, pero mas lalo akong kinikilig sa ginagawa nila.

Pakiramdam ko ay 'etong araw na 'to ang magiging most memorable day sa buong buhay ko. Inaya ko na silang kumain, at natatawa na lang kaming nagkuwentuhan.

"Inspired kay Pres, e'," bigla na lang nag-change ng topic 'tong si Lowelyn. Mahina naman akong napaubo, hindi alam kung ano'ng irereak. Silang apat ay nakatingin sa 'kin, malamang ay hinihintay ang sasabihin ko.

Pero masyado na talaga akong malandi, dahil imbes na magalit ay napatawa pa 'ko nang malakas. Umayos na lang ako ng upo at hinawi ang baby hair ko. Tutal naman ay minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon, susulitin ko na. Minsan lang ako magpakita na kinikilig ako dahil most of the time, masikreto akong tao. Joke lang.

"Hindi, a'. Good mood lang ako," I lied with a humor in my voice.

Kinagat ko na lang ang sariling dila at kumuha ng tinidor para makakain nang pansit.

"Oy, nandito na si Cyriel!" silang tatlo. Napalingon naman ako sa likuran.

Walang tao.

"See? Sino'ng niloloko mo? Kami? No way," panunuya ni Ytang, at nagtawanan naman silang apat, habang ako naman ay pilit na ina-absorb ang pangyayari.

"Gusto mo i-invite ko?" Inosenteng kinuha ni Frency ang phone niya at handa na sanang mag-type nang agad kong nilayo sa kaniya ang phone at tinago sa loob ng bag ko. Lito niya akong binigyan ng tingin pero kinalauna'y nagpatuloy na rin siya sa pagkain.

"Parang may gustong makita si Nald ngayon, a'." Nakatingin nang malagkit si Lowelyn sa 'kin. Binigyan ko siya ng masamang tingin dahil muli niya na namang binuksan at binalik ang ganiyang usapan, pero tumawa lang siya. Hayst. Ano ba kasi'ng maaasahan ko sa mga 'to?

Three Seconds ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang