16

34 18 8
                                    

"Hinay-hinay lang sa pagkain," dinig ko pang bulong ni Frency sa 'kin, at doon ko lang napansin na silang apat ay parang kanina pa ako pinagmamasdan.

"Ang sarap ng ulam," naiwika ko na lang at nagpatuloy sa pagsubo.

Take note, panay pa ang vibrate ng phone ko sa bulsa, pero ayaw ko na talaga 'tong sagutin dahil for sure ay si Auntie pa rin ang caller.

Bumalik ang kaunting takot sa dibdib ko nang makitang may kakaunti na ring pumapasok sa bahay. Papunta na rin ba si Janna rito ngayon? Sana naman ay hindi... Sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay palaging may away at sagutan na nagaganap, at ayaw kong mangyari 'yun sa mismong lugar na 'to.

Masyado naman 'atang nakakahiya. Tapos nandito pa talaga ang parents ni Cy, at hindi basta-basta ang araw na 'to sa kanila, tapos may kaguluhan lang na mangyayari tapos ma-li-link pa ang pangalan ko? Iniisip ko pa lang ang ganoong tagpo ay parang gusto ko na lang magpalutang-lutang sa dagat.

Hindi nagtagal ay nakita ko na rin ang kapatid ni Cy.

May tunog ng camera akong narinig. At ayon... Si Lowelyn ay panay ang pag-take ng pictures kahit hindi pa handa ang mukha ko. Kaya ang ending, nagtalo pa kami para i-delete niya 'yung mga kuha kung saan para akong palaka na nag-i-imagine.

"Maganda ka pa rin naman dito," nakangising sabi ni Lowelyn sa 'kin at lumipat sa tabi ni Joyce para makaiwas sa palo ko. Wala na tuloy akong ibang magawa kundi humalukipkip at tahimik na mainis.

Hindi pa nagsa-sampung minuto, marami nang motor ang nagsidatingan, kaya kusang nagsitaasan ang mga buhok sa likod ng leeg ko.

Lord, sana wala si Janna. Papikit-pikit pa 'ko, pero pagmulat ko sa mga mata ko, para akong nabuhusan ng yelo. Nandito si Hershly. Wala nga si Janna pero si Hershly, e', nandito naman.

Hindi ko alam kung maiinis ba 'ko o matatawa na lang. Wala kasi akong mapili sa kanilang dalawa. Pareho silang nagsasanhi ng away. Parehong masyadong mayabang. At higit sa lahat: Parehong may gusto kay Cy. Napairap ako at sinandal ang likod, umiinit na ang ulo.

Nagtagpo ang mga mata namin ng babae at guess what? Inirapan niya lang ako at nagkibit ng balikat.

At siyempre, dahil nga ang apat sa tabi ko ay nakatingin din sa kaniya, agad nairita ang mga 'to. Kahit nga ako, e', gusto nang manabunot ngayon.

"Half-korean at half-spanish 'yang isang lalaki na katabi ni Hershly," 'yan ang bulong ni Ytang sa 'kin, at mas fi-nelex ko pa ang leeg ko para mas lalong mahanap ang tinutukoy niya.

Nasa mukha kasi ni Hershly ang tingin ko kanina kaya hindi ko napagtuunan ng pansin 'yung half-korean at half-spanish na sinasabi niya.

Pero kahit na ganoon, hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko ngayon. Naiinis pa rin ako. Kahit tanaw-tanaw ko pa siya'y umiinit na ang ulo ko, papaano na lang kaya kung lumapit siya sa 'min? Baka bigla na akong sumabog nito.

"Excuse me, guys." Nagtaka kaming lahat matapos tumayo ni Frency. Ngayon ay napalitan ng pagtataka ang pagkairita ko. Ano'ng nangyari sa babae na 'yun?

Tumayo si Lowelyn, na sinundan naman ni Joyce at Ytang, saka sabay-sabay nilang sinundan sa labas si Frency. Samantala, heto pa rin ako, tulala sa kawalan, at 'di makagalaw. Salamat naman at kahit papaano'y gumagana pa rin ang utak ko para makapag-isip-isip.

"Ano'ng nangyari sa kaniya?" naibulong ko sa sarili, at bigla-biglang sumulpot ang babaeng color pink ang buhok sa harapan ko. Naka-plastar ang nakakairitang ngisi sa mukha niya. At natingnan ko ang dalawang matatangkad at g'wapong lalaki na nasa tabi ng babae.

Naalala ko na naman 'yung binulong ni Ytang sa 'kin kanina.

Medyo fond ako sa mga Korean drama kaya agad kong nahuli 'yung half-korean at half-spanish na tinutukoy niya. At g'wapo nga 'to: Matangos ang ilong, medyo may pagka-brown ang buhok, nasa early twenties 'ata, tapos nakasuot ng long coat at gray suit. Overall, he looked rough yet so gentle. Basta ay kakaiba talaga ang karisma na hatid nito.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now