12

41 22 13
                                    

Sabay kaming pumunta sa SSG Room dahil vacant pa naman at dahil nasa classes pa naman din ang ibang mga officers.

Naabutan ko roon si Janna kaya nawalan na kaagad ako ng gana. Pabalik-balik ang tingin nito sa 'kin at kay Cy. Tahimik siyang bumalik sa pag-ta-type, habang ako ay parang na-glue sa kinatatayuan. Tumugtog na lang bigla ang pamilyar na hiphop music kaya napalingon ako kay Cy na nanonood na ng video.

Pumuwesto ako sa gilid niya, at nagsimula na nga kaming mag-practice. Hindi nagsasalita si Janna -- pero nanonood naman siya kapag ako na ang sasayaw.

Sampung minuto na 'ata ang lumipas, at pagod na pagod na ako. Nakatanaw ang isang babae sa 'kin at mukhang gustong mag-comment.

"You're a bad dancer," said Janna.

Siyempre, hindi ako nagpaapekto ro'n dahil alam ko mismo sa sarili ko na magaling naman talaga ako. Hindi ko na lang siya pinansin at kumuha na lang ng mineral bottle sa bag. Nagpaalam na si Cy dahil malapit na rin ang next class niya. Nagpaiwan ako rito dahil kakatext lang ni Lowelyn na wala na naman daw ang subject teacher namin sa English.

"Magkaibigan ba talaga kayo ni Hershly?" I asked using my controlled voice.

Wala siyang naisagot sa tanong ko. Muli ko na lang sinuot ang medyas na tinanggal ko. Ang hirap kasing umikot kapag may suot na sapatos.

Sinulyapan ko siya. Nang mapansin na wala siyang balak na magsalita, umalis na ako at pumunta sa library. Nando'n din sina Lowelyn at Joyce kaya mahina na lang kaming nagkuwentuhan.

Pagsapit ng hapon, naghintay pa 'ko kasi nag-mi-meeting pa ang mga SSG officers. Sampung minuto na ako rito tapos kakaunti nalang din ang nakikita kong mga students. Madilim na rin ang paligid, at alam kong malapit na akong sunduin ni Manong. Mas maganda siguro kung ako na lang ang magmaneho sa sarili the whole year para 'di na ako makapag-abala at matuto nang maging independent.

"Tapos na?" tanong ko kay Janna nang lumabas siya mula isang room. Mas lalo akong nanlumo nang umiling ito. Ang pinagtataka ko lang ay siya lang naman ang nakita kong nasa labas.

Pero kahit na gano'n, sumuko na ako kaagad. Isang oras na ang lumipas. Bukas na lang siguro kami mag-pa-practice, bulong ko.

Siguradong marami pa siyang gagawin mamayang gabi. May weekend pa naman din.

"Uwi na talaga 'ko," I whispered with finality.

Akma na sana akong papasok sa sasakyan namin nang may humablot sa bag ko, kaya napaatras naman ako dahil sa p'wersa. Natatawa kong tiningnan si Joyce at nagtanong kung ano'ng problema at bigla-bigla siyang nanghahablot.

May dinukot 'to mula sa bulsa niya tapos pigil ang ngiting inabot sa 'kin ang phone niya. Pinaningkitan ko na muna siya ng mata.

Para naman akong lumutang sa ulap nang makita ang conversation nila ni Cy.

"Nasa mansyon siya ngayon?" hindi makapaniwala kong tanong. Nilingon ko 'yung dinaanan ko kanina. Akala ko nasa meeting siya...?

"Yup. Kaya puntahan mo na." Tinulak niya ako, pero agaran ko siyang nilingon, nalilito pa rin.

"Pero bakit?" Naghahalo ang saya, pagtataka, at pagkasabik sa boses ko.

"Akala niya umuwi ka na. Hindi ka raw no'n nakita sa room natin."

"Kase nga roon ako dumiretso sa SSG room dahil bali-balita na may meeting ang mga officers." Nagkamot ako ng ulo.

"P'wede naman silang magmeeting kahit wala ang President basta nandiyan ang Vice," she added.

Ang linaw-linaw ng sinabi niya, pero marami pa ring gumugulo sa isipan ko.

Atat na atat akong pumasok sa sasakyan at narinig pa ang cheer ni Joyce sa 'kin. Sinabi ko kay Manong na medyo bilisan pa ang pagmamaneho para makauwi na ako kaagad.

Three Seconds ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora