18

28 17 3
                                    

"Ano'ng ginagawa mo ngayon?" tanong ko kahit alam na alam ko naman ang sagot.

"School paper. Gumagawa ng school paper."

"Na naman?" pagbubusangot ko.

Ito talagang babae na 'to, kahit gabi, e', panay pa rin ang trabaho. For sure hanggang madaling araw siyang gagawa ng mga achuachus na 'yan.

"Baka magkasakit ka niyan."

"May paracetamol naman dito. Don't worry," sagot niya lang.

Okay. Sabi ko nga.

"Ayst. Bahala ka. Basta matutulog na ako rito."

"Good night." May antok na sa boses niya, kaya napailing na naman ako.

"Good night."

Ako na ang unang pumatay sa tawag at akma na sanang hihiga nang maalalang gutom pa pala ako. Nagkamot ako ng ulo at napaisip-isip.

Kaya ko bang bumaba para makapag-dinner?

Hindi pa ako nakakapagdedesisyon nang tinawag ako ng isang maid mula sa labas, sinasabing dinner time na. Tahimik ko na lang sinuot ang tsinelas na nasa ilalim ng kama at lumabas na sa k'warto.

Naabutan ko silang dalawa na tila kanina pa 'ko hinihintay. Tahimik nga pala sila. Nakakapanibago. Madalas kasi na kapag nasa hapag-kainan kami ay parating may topic pero ngayon ay wala na.

Kumalam ang sikmura ko nang mapansin ang masasarap na pagkain. As usual, mga paborito ko pa rin ang nasa hapag.

"Gumaling na ba ang sugat mo?" boses ni Papa, kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Natatakot ako na baka mapunta ang topic patungo sa nagawa ko kanina.

Ngumiti na lang ako. "Medyo. Pero gagaling din 'to, panigurado." Ngumiti na naman ako at nagsimula na sa pagsubo.

"About what happened," naibulong ko sa hangin. Buo naman ang kompyansa kong narinig nila 'yun.

Ang pagkakataon na 'ata na 'to ang pinakamatagal na nasa dining table ako nang 'di nag-wa-walk-out.

Habang tahimik kanina sa pagitan naming tatlo ay may na-realise ako -- 'di pwedeng lumipas ang araw na 'to nang 'di ko nasasabi ang side ko. Dahil kapag 'di ako magsasalita, baka'y akalain talaga nilang nagsisimula na akong mag-rebelde. "Partly, it was my fault," I self-proclaimed.

Ni isa kina Lowelyn, Joyce, Ytang at Frency ay wala akong sinisisi. Sadyang kasalanan lang 'ata talaga ng mga officers kasi nahuli nila kami. Yah.

Ganito na nga lang 'ata ang dapat kong gawin -- ang gawing katuwa-tuwa ang mga nakakairita at seryosong bagay. Dahil kung patuloy kong poproblemahin ang mga 'yun, mag-ka-ka-pimples at wrinkles lang ako.

"Hindi na mauulit," ako.

Tumango lang sila. Kung alam ko lang naman kasi na mahuhuli pala kami, edi sana'y dito na lang kami nag-inuman ng tubig para walang nadisturbo.

"Sorry rin."

Minsan ko lang masabi ang ganoong salita. Noong una, akala ko'y nakakababa ng pagkatao ang paghingi ng tawad, pero ang gabi na 'to ang nagturo sa 'kin na 'di 'yun totoo, na nakakagaan pala sa loob kapag humihingi ka ng sorry -- lahat ng mga mabibigat na puwersa sa dibdib mo'y bigla na lang mawawala at mapapalitan ng mga positive vibes.

"P'wede niyo akong parusahan kong gusto niyo," I muttered.

Hindi kasi sila tumutugon kaya nasabi ko 'yun. Baka lang naman... Baka gano'n nga ang plano nila. Baka gusto nila akong bigyan ng leksyon.
At kagaya nga ng sinabi ko kanina, handa naman akong harapin kung anuman 'yang iniisip nila para ma-disiplina ako.

Three Seconds ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant