26

31 17 3
                                    

I woke up feeling so heavy and confused. My mind was floating in the air, but ironically, I couldn't breathe. Something was indeed odd.

Sari-saring ideya at emosyon ang yumakap sa 'kin, na halos sa sobrang dami'y 'di ko na malaman kung ano ang uunahin. Dumapo ang mga mata ko sa isang pamilyar na k'warto, kung saan mapapansin ang nightstand, dalawang maliit na upuan, at isang aso sa ibaba nito na tahimik na natutulog.

This is my room.

Pero, gulong-gulong pa rin talaga ako. Dahil ang naaalala ko lang na nangyari kanina ay ang pagtawag ko kay Frency para humingi ng tulong sa pagpili ng damit at ang pagsundo ni Cy sa 'kin.

Kinapa ko pa ang sariling noo, umaasang makakahanap ng sign para malaman kung bakit ako ganito ngayon. Kakaiba. Dahil ang paningin ko'y patuloy na umiikot nang walang tigil.

Isang malamig na temperatura ang naramdaman ko matapos itapak ang kaliwang paa sa sahig.

Patuloy pa ring naghihirap sa paglalakad, tumungo ako sa labas ng room at dinungaw ang mga tao na nasa ibaba na mukhang may pinagtatalunan. Tila isang napaka-komplikadong bagay ang pinag-uusapan nila. Pero bagaman gusto kong lapitan si Cy at humingi ng eksplenasyon mula sa kaniya, may nag-udyok sa 'king magtago.

"Sino'ng makakapagsabi kung bakit 'yun nangyari sa anak ko?" Papa's voice was as venomous as lightning, his angry voice covering the whole room. "Inuwi mo nga siya bago mag-alas nueve pero wala nang malay! Anong k'wentang lalaki ka?!"

I knew he was referring to Cy.

Mukha ay nababalot na ng luha, tinitigan ko si Cy, hinihintay siyang magsalita. Naaalala ko na ang lahat ng nangyari, pero 'di ko pa rin alam ang dahilan kung 'bat kailangan kong himatayin.

Ano'ng nangyari?

Why do I feel so odd? Why do I feel so anxious? Pakiramdam ko tuloy ay dapat na 'kong mangamba at manatili na lang sa k'warto para protektahan ang sarili. Pero lumipas ang ilang minuto na nanatili pa rin silang tahimik, habang ako ay pilit na tinatago ang sarili.

Sa pagdapo naman ng paningin ko sa isang sofa, nakita ko si Frency. Wala pa rin siyang malay. Kaagad akong kinabahan at akma na sana siyang lalapitan nang may isang puwersa na pumigil sa 'kin para makatakbo.

And then I saw Jake, my stepbrother whose eyebrows were being clouded with untouched sweats. Niyakap ko siya nang napakahigpit. Ilang taon ko siyang tinuring na parang ibang tao, nagawa ko nga siyang kalimutan, kaya ang mayakap siya nang ganito ay 'di ko talaga inakala.

Right now, I saw myself begging for haven. I felt like I transformed into my younger version of myself whose dream was to find a little shelter.

"Ano'ng nangyari sa 'kin?" I asked, my voice shaking. "Si Frency, bakit nandito si Frency?"

Bumalik ang kaba ko para sa kaibigan mo, kung anuman talaga ang dahilan kaya kami nawalan ng malay, hanggang ngayon ay wala pa rin akong naiisip. Sa totoo lang, gusto ko nang magdabog para makakuha ng sagot mula sa kanila -- lalo na kay Cy -- pero 'di ko naman magawa-gawa.

"Cyriel!" naiiyak kong sigaw nang makita kung papaano siya sinuntok ni Papa. Sa gitna ng pagtatampo ko sa kaniya, 'di ko pa rin naman s'ya kayang makitang nasasaktan. 'Yung tipong kahit ako na lang ang bumagsak nang paulit-ulit basta 'wag lang siya.

"Ano ba!" I screamed when no one valued my previous shout. In a heartbeat, my tears started to fall down to my cheeks, badly engulfing my cheeks. My vision was completely blurry now, but I desperately tried to step forward.

"Bumalik ka sa k'warto mo," ang mabigat at madiin na tinig ni Papa ang nagpatibay sa determinasyon kong tumayo nang tuwid, hinaharap sila sa kahit natatakot na ako. Bakit sila ganito? Bakit si Auntie ay umiiyak na rin kagaya ko?

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now