23

29 16 4
                                    


Dedicated to: @ManilynFaraal

_______________

"Galit ka pa ba?"

"Ano sa tingin mo?" I said in a low tone, shaking my head. "'Wag kang mag-aalala kasi kumain na 'ko. Ikaw na lang 'tong inaalala ko, kumain ka na rin ba?"

Nakangiti naman siyang umiling sa tanong ko. Pinanlakihan ko siya ng mata at saka tinulak at pinaupo. Binabalewala ang tinginan ng mga tao, nilagyan ko na rin ng ulam ang plato niya at in-engganyo siya na kumain dahil alas 8 na ng gabi.

"Ano'ng pang gusto mo? Orange juice ba, mango, o strawberry?" Habang tinatanong 'yun ay naghanap ako ng waitress.

"Kahit ano," he responded.

"Wala bang specific?" ako sabay ngiwi. "Alam mo na ang gusto ko, maybe it's time for me to know yours."

Bagaman nagsasalita pa rin ang celebrant sa harap, may mga babae pa rin na panay ang sulyap kay Cy. Ang nakakainis lang ngayon, e', panay ang kindat ng mga 'to, nang-aakit. Inirapan ko sila isa-isa pero 'di ko nga lang sila naubos dahil bukod sa marami ang mga 'to, hindi rin naman sila nakatingin sa 'kin.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo riyan?" tanong ko kaagad kay Cy. Nakangisi kasi siya habang nakatitig sa 'kin. May ideya na 'ko sa dahilan kung bakit, pero nag-aalinlangan pa rin akong sabihin mismo sa harap niya. "'Wag mong sabihin na kinikilig ka sa mga babae na 'yun?" Naningkit pa ang mga mata ko at saka humalukipkip.

Samantala, ayan siya't natawa lang lalo saka sinenyasan akong umupo sa tabi niya. Alam ko namang siksikan na pero pumayag na 'ko at pinagsawalang-bahala ang kilig na naramdaman.

Gage, 'bat naging marupok?

"Mga college girls na ang mga 'yan, 'di kayo bagay," mahina kong komento at sinadyang iparinig sa kaniya. "Kung magkakagusto ko man lang din, dapat sa mas bata sa 'yo."

Nagpigil siya ng ngiti sa narinig.

"Tama naman ako, 'di ba?" I asked, gauging his reaction. However, he just flashed his amazing smile. Ang unfair ng mundo. "Dapat lalaki 'yung mas matanda kaysa sa babae. 'Yun ang mas ideal."

"Oh..." sa dinami-rami ng sinabi ko ay 'yun lang ang naiwika niya. "Wala naman akong gusto sa kanila."

Gumaan ang loob ko na halos lumikha na ng malaking alon ang sariling dibdib. Nakita niya naman ang reaksyon kung 'yun, kaya kaagad akong nahiya sa sariling nagawa.

"May iba akong gusto."

'Di na 'ko nag-abalang balingan 'to, natatakot na makita siyang nakatingin naman sa ibang babae. Ayaw ko ng gano'n. Mas mabuti na 'tong wala akong nakikita. Bahala na kung mabaliw ako kakaisip. Bahala na... Nakakakaba.

"Marynald," he whispered.

Bakas ang gulat sa mukha ko nang ibulong niya 'yun sa kanan kong tenga. Nakalapat ang siko niya sa braso ko habang pinapakiusapan akong kainin ang hamburger na nilalahad niya. "Mukhang gutom ka pa." He suppressed a noticeable manly giggle.

Bagaman medyo nagtatampo, sinunod ko na lang ang gusto niyang mangyari. May kaunting breadcrumbs ang natira sa gilid ng labi ko. Samantala, kaagad naman siyang gumalaw at hinipan ang breadcrumbs paalis sa mukha ko.

"B-bakit mo 'yun ginawa?" ako, nahihiya, awtomatikong dumapo sa kung saan-saan ang tingin. "Baka may makakita sa 'tin." I almost plead.

Wala namang masama sa ginawa niyang 'yun, kaya 'di ko maintindihan kung saan nanggaling ang kaba kong 'to. Siya naman ay natatawang yumuko at nagsimula na ring kumain. Sa isang iglap nakalimutan kong maraming nakatingin sa min -- karamihan pa nga ay ang mga kababaihan -- at inakalang kami na lang dalawa ang nandito ngayon.

Three Seconds ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin