29

17 10 1
                                    

@Datgorl ,weweeww

________________________________

Kinabukasan, honor awarding na. Mag-isa akong naglakad patungong school. Nabungaran ko ang main court naming pinapalibutan ng iba't ibang desinyo. Bukas pa ang awarding ng mga seniors, so mga juniors muna ngayon. Pero inaamin kong wala pa rin akong gana.

Usap-usapan ngayon si Cy, at ang tungkol sa International Scholarship, may ibang nagsabi na ni-reject n'ya 'to, may iba rin namang nagsabi na in-accept. Nakakalito. Kung anu-ano nalang na tsismis ang pinag-uusapan, minsan nga'y muntikan na 'kong mahilo kakatimbang kung ano talaga ang totoo.

"Hoy, Quintayo! Sino'ng mag-a-assist sa 'yo?" tanong ng isa kong classmate. Halos lahat kami ay kasali sa honor list, at mostly ay may dalang magulang or relative na makakasama nila para mamaya. Nagkibit nalang ako ng balikat. "Meron sana," nasabi ko nalang. Si nanny sana, pero nasa day off pala 'to ngayon.

"Ayst, sayang, sure akong proud sa 'yo parents mo!" nakangiti at humahanga nitong sigaw na nagpailing nalang sa 'kin sa pagkadismaya.

Kahit na parang bata kung magpapa-assist pa, naiinggit pa rin ako sa iilan na kung makangiti ay parang nanalo sa lotto. At isa pa, hindi ko sinabi kina Auntie at Papa ang tungkol dito. Nakakahiya. Ang grade ko, walang-wala kay Ate noon. Kaya ano pang silbi, 'di ba? Baka akalain pa nilang naghahanap na naman ako ng atensyon.

"Joyce, sino'ng makakasama mo mamaya?" excited kong tanong nang makita siyang kakapasok palang sa room. Nilingon niya ako at saka matamis na ngumiti. "Kase ako, baka hindi na 'ko pupunta roon mamaya. Nakakahiya kaya. "

"Ha?" Nagkamot lang siya ng ulo at kunot noong binaba ang bag sa upuan. "Wala nga rin akong kasama, e. Same lang tayo. Pero 'bat 'di ka pupunta? Maraming mga students ang naghahangad na magaya sa 'tin, kaya bakit natin babalewalain ang achievement na 'to?" Nakangiti niya kong tinapik.

Nagpaalam na 'tong mag-he-headset muna, kaya si Ytang nalang ang pinagtripan ko nang makita siyang bagong dating.

"Ytang!" I shouted.

Napalingon 'to sa 'kin. "Bakit ka naka-jersey? 'Di ba sabi ni ma'am dapat mag-semi formal lang tayo?" I said.

'Yun kase ang announcement kahapon. Kaya nga naka-high-waist leggings nalang ako at flat sandal. Pero si Ytang ngayon, parang basketball league 'ata ang pupuntahan, as in naka-pair of jersey talaga. Baka may nakain siyang panis o ano. O sadyang 'di lang siya nakinig sa announcement kahapon.

"Di naman ako pupunta sa stage. Hindi naman ako kasali sa honor roll." Ngumisi pa siya at astig na nagpaikot-ikot, mas lalong pinapakita sa lahat ang suot niya. May ibang napangiwi, pero natawa rin naman ang lahat.

"Ikaw nalang sumama sa 'kin!" pagmamakaawa ko sa kaniya. "Wala si Papa, e'. Busy."

"Ha?" Natatawa niya pa 'kong sinapak, kaya nakanguso nalang akong humalukipkip. "Ano'ng tingin mo sa 'kin? Nanay? Tatay? Grabe ka, ha. Isama mo nalang si Cy mo," biro niya at saka naglabas ng dalawang racket sa bag niya at hinablot si Joyce papunta sa gray field.

'Di pa nag-iilang minuto ay nagpakita na rin sina Lowelyn at Frency. Si Frency naman ay pumunta sa likuran para i-bun ang buhok kong buhaghag.

"Wala ang mga seniors ngayon," walang gana kong sabi at kumuha ng tali sa loob ng bag. "Balita ko nasa kabilang school."

"'Bat ka updated?" kaswal lang na tanong ni Frency at nilagyan na rin ng gel ang buhok ko. "Parati ba kayong nag-cha-chat?"

Natahimik ako saglit sa tanong niya. Napatingin ako sa kung saan at bumuntong-hininga na lamang.

"'Di, a," pagsasabi ko ng totoo. 'Di naman talaga mahilig sa social media ang lalaking 'yun, e'. At isa pa, hindi rin siya showy kagaya ni Joyce. "Isang emoji pa nga lang ang naibigay n'ya sa 'kin."

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now