30

32 11 2
                                    

Wala akong ibang maramdam kundi sakit habang tinatakbo ang distansya patungo sa k'warto. Tila dahan-dahan pero sunod-sunod akong pinagtatataga sa dibdib. 'Di ko na rin makita nang maayos ang lugar sa kadahilanang puno nang luha ang mga mata ko.

Bakit kailangang mangyari sa 'kin lahat ng 'to? 'Di pa ba sapat na nawalan ako ng dalawang mahal sa buhay? Bakit kailangan ko pang masaktan nang paulit-ulit?

Hindi ko matanggap. 'Di ko batid kung kanino ba dapat ako magalit, dahil sa segundong 'to, pakiramdam ko ay nag-iisa lang talaga ako sa mundong 'to, walang karamay, walang balikat na p'wedeng masandalan.

Sunod-sunod naman na katok ang narinig ko, ngunit mapait nalang akong napangiti at napatitig sa ceiling. Alam ba 'to ni Cy? Aware ba siya sa nangyayari? Alam ba niyang siya talaga ang pinakasentrong dahilan kaya ako umiiyak ngayon?

"Open this door, Marynald, mag-usap tayo!" pumiyok pa ang boses ni Auntie na nahahaluan ng mabibigat na hininga. Pagkalipas ang ilang minuto ay tumigil na ang ingay, at ang tangi ko nalang na narinig ay ang sariling hininga at hagulhol.

Ganito na ba talaga ako kamalas? Mula sa pamilya... At sa taong mahal ko'y may malaki na akong kinahaharap na problema. Tinadhana ba ako na ipanganak para lang ipamukha sa 'kin kung gaano kasama ang mundo?

"Marynald, buksan mo ang pinto," isang malalim pero nagmamakaawang boses ang nagpakalama sa puso ko pero nagpagulo naman sa isipan ko. Dahan-dahan akong tumayo at nag-isip ng sunod na gagawin.

Bakit siya nandito? Nag-aalala ba siya sa 'kin? O naaawa lang? Ganoon naman kase talaga siya. Matagal na akong nasanay. Masakit tanggapin pero 'yun nga ang may pinakamalaking tyansa. Naaawa lang siya sa 'kin.

Napatitig nalang ako sa sariling paa, 'di pa rin makapag-desisyon. Pagbubuksan ko ba siya? Pagbubuksan ko ba ang lalaking minahal ng bata kong puso?

"U-umalis ka na lang," Bagamat buong lakas kong pinilit ang sarili na 'di pumiyok ay parati pa rin talaga akong nanghihina. "'Di na kita kailangan," pagsisinungaling ko at napahawak sa sariling bibig.

Siguradong mawawasak lang ako kapag magkaharap kaming dalawa—ayaw ko 'yung mangyari. Sapat na 'yung mga pagkakataon na nakita niya akong hinang-hina.

"Kailangan kita," balik niyang sabi, na talagang nagpahinto sa buong mundo ko. Tila isa 'yung bomba na walang patawad akong sinira at nilito. "Kaya, please, mag-usap tayo. Walang maaayos na problema kapag nanatili kalang na nagtatago."

Nanghihina kong inayos ang sariling buhok. Samantala, matapos ko siyang pagbuksan ay napatitig ako sa mukha niya at sa 'di inaasaha'y namuo ang galit ko hindi lang para kay auntie kundi para na rin sa kaniya. Matalino siya. Kaya imposibleng wala siyang kaalam-alam sa lahat. Tiyak na noon pa man... Batid niya nang..

"Sorry," aniya sa mababa at nagmamakaawang boses at nagbaba ng tingin. At doon na talaga tuluyang gumuho ang mundo ko. Ang ibig bang sabihin nito ay... Tanggap niya na ang lahat noong una pa lang?

Inaamin kong may parte sa 'kin ang umasa kanina na iiling siya at sasabihing misunderstanding lang ang lahat, na wala na akong dapat na problemahin pa. Kaya nga ngayon, wala na akong dapat na kompormahin sa kaniya dahil halata namang matagal na siyang may alam.

"Bakit 'di mo man lang sinabi sa 'kin?" Kumawala na naman ang pisti kong mga luha nang sunod-sunod, walang patawad. "Kahit masakit tanggapin, basta naging totoo ka, 'di ako magagalit sa 'yo."

Umiling siya at akma na sana akong lalapitan nang nandidiri akong napaatras. 'Di rin naman makakatakas sa 'kin ang sakit na dumaan sa dalawa niyang mga mata, takot na takot, na tila isang hakbang ko na lang talaga ay mawawasak na siya.

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now