Chapter 21

4 1 0
                                    

ENJOY READING!!!

Illyria Hope

"KIER!!!" kaway ko pa para makita nya ko sa entrance.

"Tanga tanga bat kasi di kayo nagdala ng payong?" sabay bigay sakin ng payong namin.

"Tanga tanga ka din, hindi ko naman alam na uulan ngayon" pambubwisit ko.

Akma nya kong hahampasin ng payong sa ulo nang magsalita si Luke.

"Tara na l-lumalamig na ng sobra baka magkasakit t-tayo neto. L-lalo kana K-kier basa yung damit mo" wow concern, ang cute.

"Ah sus wala to malayo sa bituka.  Tara na, epal kasi to si Hope e" saka naglakad papuntang parking lot.

Ako pa epal?! Saksakin ko kaya sa lalamunan to.

Sumunod na kami kay Kier at sumakay sa kotse.

"A-ah babe sa shotgun na ko ikaw na sa likod lalamigin ka lalo, tapat ng aircon e" napatitig ako sa kanya.

Parang ang weird neto ngayon ni Luke. Kapag nagsasalita parang hindi sigurado lagi, laging nai stutter.

Walang imik na kinapa ko ang noo nya.

"What're doing b-abe?" lumayo pa sya ng konti

"Baka kasi may lagnat ka. Ang weird mo today, okay ka lang ba?"  alala kong tanong.

"Y-yes I'm fine. I'm sorry. I'm fine don't worry" binuksan nya ang pinto ng kotse napatingin pa ko saglit sa kanya bago pumasok.

Ilang saglit lang ay nasa bahay na kami.  Pinagpalit agad kami nila mama ng damit dahil nabasa kami nung papunta kami ng parking.

Pagakyat ko sa kwarto imbis na magbihis lang ay naligo na lang ulit ako. Pagkababa ko nakita ko yung dalawa na nanonood ng anime.

"Oo maganda yan pre madaming chikababes dyan" nakangisi pa nga ang bugok kong kapatid.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng kutsara at dahan dahan akong lumapit sa sofa at hinampas ng kutsara si Kier.

"Anong chikababes? Gusto nyo mawalan ng ulo? Ililipat nyo yan o ililipat nyo yan?" sinamaan pa ko ng tingin ni Kier.

"O" inambahan ko sya pero di manlang natakot.

Kapatid ko ba talaga tong demonyitong to?

Pinaningkitan ko ng tingin si Luke at nakuha naman nya ang ibig kong sabihin kaya nilipat nya yon.

"Good" lumapit ako para halikan sya sa noo pero nagulat ako nang umiwas sya.

Napatingin ako sa kanya pero nakaiwas sya ng tingin.

"A-ano babe nakakahiya k-kasi" nakakahiya?

"Nakakahiya? Kanino?" takha ko syang tinignan at nakita kong tumingin sya kay Kier.

"Hiya ka dyan kay Kier e makapal pa mukha nyan sa sampung pinagpatong patong na encyclopedia" tinignan naman ako ng masama ni Kier.

"Oh baket totoo naman." inirapan nya ko.

Attitude ampota kala mo talaga e.

"Ang boring naman nyan Hope e. Don na lang sa may chikababes!" kukunin nya sana yung remote pero mas mabilis kong nakuha yon.

"Ulol wag ka manood" pangaasar ko sa kanya saka ko sya binelatan.

"Hope kasi wag na yan ang boring naman nyan e. Yung kanina na lang mageenjoy ka din don madaming lalaki" nang uto pa nga.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now