Chapter 4

13 1 0
                                    

"Ian Kier... " rinig kong sabi ni Collins habang nakaawang pa ng kaunti ang bibig at gulat pa din nang makita si Kier.

Magkakilala ba sila?

Lumipat ang tingin sakin ni Kier at naglakad palapit samin si Collins.

"Bobo ka nalaglag mo cellphone mo sa kotse ko" kier.

"Naiwan lang bobo na. Panget mo" asar ko sa kanya

"Sya ba yung Collins?" puna nya kay Collins na nakatingin pa din sa kanya

Ano bang problema nito?

"Oo sya si Collins, Elivier Collins, Collins sya si Ian Kier Marasigan, kuya kong ubod ng panget" biro ko.

"Wag mo pagkakalat na kapatid ko yan ah secret lang natin yon"

Mukhang nakabawi na si Collins sa pagkagulat at nakangiting bumaling sa akin.

"Ah oo. N-Nice to meet you I-Ian Kier"

Saka nya inilahad ang kamay kay Kier para makipagkamay dito pero tinignan lang yon ni Kier at saka kami tinalikuran.

Attitude ampota.

"Hoy Kier!" tawag ko sa kanya pero di na nya ko nilingon.

Naiwan sa ere ang kamay ni Collins kaya naman hinawakan ko na lang ito saka sya hinatak sa Streer Hub.

Pagkapasok namin ay agad din syang nagorder at ako naman ay naghanap ng uupuan namin.

Habang naghihintay, naalala ko yung nangyari kanina.

"Ian Kier..."

Magkakilala ba sila? Binanggit ni Collins pangalan ni Kier e. Binura ko na lang sa isip ko yon at napatingin sa kararating lang na si Collins.

"Ah, Illyria?" Collins.

"Hm?"

"P-pasensya na pwede bang mauna na ko? M-may biglaang emergency kasi sa bahay"

Napatitig ako sa kanya saglit at nakitang nagiwas sya ng tingin.

Dahil ba to sa kanina?

"Ah ganon ba? Bat nagorder kapa? Pwede ba itakeout to?" tanong ko

"Ah pwede naman yata teka. Miss!" tawag nya sa babaeng nagbibigay ng tubig kada lamesa.

Lumapit naman ito.

"Pwede po bang itake out na lang to?" sabay turo sa order nya.

"Opo saglit lang po at ibabalot ko" kinuha nito ang order ni Collins at yumuko ito ng bahagya saka tumalikod samin

Maya maya pa ay dumating na yung babae dala ang tinake out naming street foods.

Lumabas na kami at nagpaalam na sakin si Collins, di sya sumabay sakin dahil hindi daw roon ang daan nya.

May ibang daan ba pauwi sa kanila?

Naglakad na lang ako pauwi dahil malapit lang naman. Dahan dahan lang ang lakad ko dahil iniisip ko pa din yung nangyari kanina. Ang dami kong tanong sa utak ko, tulad ng magkakilala ba sila? Bat ganon yung inasta ni Kier kay Collins? Bat ganon reaksyon ni Collins nung makita nya si Kier?

Nagulat ako nang may biglang tumawag sakin.

"Illyria Hope"

Nagangat ako ng tingin at nakita si Luke

Roses On The TableWhere stories live. Discover now