Chapter 5

13 1 0
                                    

Ilang linggo ang nakalipas at halos magiisang buwan nang nanliligaw si Collins sakin. Di ko la din pinapaalam kila mama lalo na kay Kier. Lumalalim na din ang pagkagusto ko kay Collins. Habang tumatagal ay nakikilala ko sya. Naiintindihan at nagkakasundo kami sa lahat ng bagay.

Tuwing sabado ay palagi syang nagaaya ng date sa Street Hub. Palaging ganoon and I really appreciate all things that Collins do for me as my suitor. Araw araw pa din akong nakakatanggap ng bulaklak at sulat sa kanya na itinatago ko sa drawer ko.

Kinabukasan sa pagpasok ko sa school nadatnan ko ang kambal at agad akong nagtaka ng iwan ni Kaye si Maye ng makita nya ko.

Simula ng ligawan ako ni Collins, palagi nang ganon si Kaye. Feeling ko iniiwasan nya ko pero pag tinatanong ko naman sya ay 'hindi' naman daw pero iba sa sinasabi nya ang ikinikilos nya.

"Illyria!" tawag sakin ni Collins
"Hi" nakangiting bati ko sa kanya
"May bagong bukas na fast food chain malapit sa Bonifacio St. kain tayo don mamaya after class?" excited nyang sabi sakin.
"Talaga? Pwede naman. Ahm pwede ba natin isama yung kambal? Kasi pansin ko di ko na sila nakakasama nung mga nakaraang linggo" paliwanag ko
"A-ah oo naman" alanganing sagot nya.

Diko na sya sinagot at pumasok na sa loob para kausapin ang kambal.

"Maye!!! Sama kayo samin mamaya sa bagong bukas na fast food chain malapit sa Bonifacio" excited kong aya.
"H-huh? Tanungin mo si Kaye hehe" iwas tingin
Bumaling ako kay Kaye na nakaearphones. Tinanggal ko ang isa sa tenga nya kaya napatingin sya sakin.
"Kaye sama kayo ni Maye mamaya samin ni Collins sa bagong bukas na fast food chain sa Bonifacio" ngiting ngiti kong aya.
"Kaye! Sama na tayo malay mo libre hahahahaha" Maye.

Tumingin sakin si Kaye at tipid na ngumiti.

"Sige" saka ibinalik ang earphone.

Ano bang problema nito?

Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad kaming apat sa Feliz-pangalan ng fast food chain. Malawak ito kumpara sa Street Hub at ang main dish nila ay pasta.

"Anong gusto nyo girls?" tanong ni Collins na magoorder na
"Libre ba to Mr. Collins?" makapal na mukhang tanong ni Maye
"Oo naman" nakangiting sagot ni Collins
"Carbonara sakin!" excited.
"C-carbonara din sakin Elivier" seryosong sabi ni Kaye
"A-ah sige. Sayo Illyria?" baling ni Collins sakin
"Ah Mac 'n Cheese sakin" sagot ko.
"Oh sige hintayin nyo ko dyan ah"saka pumunta sa counter

Tahimik lang kaming tatlo habang naghihintay, hindi ako sanay dahil usually pag gantong magkakasama kami panay daldal ni Maye at babarahin naman sya ni Kaye.

"May nangyari ba?" tanong ko sa kambal
"H-huh? Wala naman Illyria bakit?" maye
"Ang tahimik nyo lalo kana Maye di ako sanay, naoawkward ba kayo sakin?" malungkot kong sabi
"H-hindi no! Wala lang talaga kong makwento hehe praning ka Illyria" di makatingin nyang sagot sakin.

Theres something wrong. I feel it.

Nanahimik na lang ako at mamaya ay dumating na si Collins saka inilipag ang kanya kanya naming order saka tumabi sakin.

Nagsimula na kaming kumain ng maramdaman kong may tumitingin sakin. Lumingon ako kay Collins na nahuli kong nakatitig sakin.

"Bakit?" tanong ko. Napaangat ang tingin ng kambal samin.
"Wala. Di lang ako makapaniwala na napapayag ko ang isang magandang tulad mo" pambobola nya

Napataas ang kilay ko.

"Ulol" pambabara ko.

Napatawa sya ng malakas sa pagmumura ko.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now