Chapter 1

23 2 0
                                    

Illyria Hope

Tinamaan ng lintek, di pa nga 'ko nakakauwi bumuhos na yung ulan.

Sumilong muna ako sa Waiting Shed sa labas ng school namin para hintaying tumila ang ulan. Masarap sana matulog ngayon kaso wala pa ko sa bahay badtrip naman tong ulan wala din sa hulog e.

Ilang minuto bago humina ang ulan. Okay na siguro to ambon na lang naman. Binuksan ko na ang payong ko at nagsimulang maglakad.

"MISS PASABAY HA!" gulat akong tumingin sa lalaking biglang sumilong sa payong ko.

"Kupal. Kilala ba kita?" bigla bigla kasing nasulpot hindi ko naman sya kilala

"Ako si Elivier" ngiting ngiti nyang sabi

"Mamatay na nagtanong" sagot ko.

"Ay grabe sya, bat ang sungit mo?"

"Bat ang fc mo?"

"Makikisabay lang naman ako kasi wala kong payong." nagpapacute.

Iniripan ko lang sya at tumuloy na sa paglalakad habang etong lalaki na sumabay sakin kwento ng kwento.

Ano namang pake ko?

Maya maya pa ay tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil din ako.

"Oy miss dito na ko salamat ah. Sa sunod ulit" bat ba ngiti ng ngiti to? Di ba nangangalay bibig nito?

"Anong sa sunod? Wala nang susunod magdala ka ng sarili mong payong" naglakad na ko paalis doon.

Pagkapasok ko pa lang ng gate namin sigawan na agad ni tita at mama ang narinig ko. Wala namang bago lagi naman silang ganyan.

"Nandito na ko!" sigaw ko pagpasok ko sa bahay.

Walang pumansin sakin dahil mga famous silang lahat.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko , naglock ng pinto at nahiga sa kama ko.

"Illyria Hope! Ian Kier! Bumaba na kayo dyan at kakain na!" rinig kong sigaw ni mama. Nakatulog pala ko. Nagbihis muna ako saka bumaba para kumain.

"Bakit ang hirap nyong tawagin. Pinaghihintay nyo palagi ang grasya" mama.

"Nakatulog kasi ako ma sorry na highblood ka na naman" si Kier din naman hindi pa bumababa

"Mama si Hope may boyfriend na!" sigaw ng demonyong pababa pa lang ng hagdan.

Boyfriend ampota.

"Tanga! Manliligaw nga wala e boyfriend pa." pasigaw kong sagot sa kanya.

Papansin na naman e kulang sa buwan

"Tanga ka din! Nakita ko kayo kanina magkasabay pa kayo ikaw pa naghahawak ng payong. Sya lalaki dapat sya naghahawak ng payong. Bakit? Narealize nya ba na mas lalaki pa sa kanya girlfriend nya? Hahahaha" pangaasar nya.

"Tanginamo" mura ko sa kanya.

"Language!" sigaw ni papa na kararating lang galing sa trabaho.

"Ano ba yan Illyria Hope? Bakit ka nagmumura? " papa.

"Nagagalit sya kasi nahuli kong kasabay nya boyfriend nya kanina hahahaha"

Bwisit to sasapakin ko na to sa ngala ngala.

"Hindi ko nga boyfriend yon! Kulit ng lahi mo ah. Hindi ko kilala yon nakisabay lang yon sakin kasi wala daw syang payong" asar kong sabi.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now