Chapter 6

16 1 0
                                    

Pagkatapos kong sagutin si Collins ay nagcelebrate kami maghapon, pagkatapos namin kumain sa Street Hub ay dumiretso kami sa Font-maliit na park malapit sa school, doon kami nagpalipas ng oras hanggang sa magdilim na at ayain ko na syang umuwi.

Hinatid nya ko sa bahay kahit ayoko dahil paniguradong makikita sya ni Kier, at lagot na naman ako. Ayon nga ang nangyari.

Pagkarating namin naabutan namin si Kier sa labas ng gate at nagaabang. Kitang kita ko ang agarang pagsalubong ng kilay ni Kier.

Lagot ka self ang tigas kasi ng ulo mo.

"GABI NA AH BAKIT NGAYON KA LANG? SAN KA GALING?" galit na tanong sakin ni Kier

Di ako makatingin sa kanya sa kaba, ngayon ko lang nakita si Kier na ganito.

"A-ah dyan lang tumambay" kabadong sagot ko

"At magkasama kayo?" nakataas ang kilay nya at tila di nagugustuhan ang nakikita nya ngayon.

"A-ah pasok na t-tayo sa lo--"

"Oo magkasama kami." putol ni Collins sa sasabihin ko.

"Collins" mahinang suway ko sa kanya

Anak ng pating lalo lang ako malalagot nito e.

Pinanliitan ng tingin ni Kier si Collins.

"Pumasok kana sa loob Illyria Hope" seryosong utos ni Kier

"H-huh? Ah oo tara na Kier. Bye Collins" paalam ko.

"Mauna kana maguusap pa kami" habang diretsong nakatingin kay Collins

"Huh? Bakit? Tara na" aya ko

Tumingin si Kier sakin at agad akong napaiwas.

Ano ba kasing problema?

"Illyria Hope. Pasok sa loob. Ngayon na." seryosong utos nya ulit

Wala na kong nagawa kundi sumunod. Tumingin muna ako kay Collins at nginitian naman nya ko, saka ako pumasok sa loob.

Please Lord, wag sana sila magsuntukan sa labas.

IAN KIER

(Chapter 5 Scene)

Nang makita kong magdidilim na ay agad akong bumaba para tanungin kila mama kung dumating na ba si Illyria, pero hindi pa daw.

San ba nagpupupunta yung panget na yon?

Lumabas ako para abangan sya sa tapat ng gate namin. Lagi kong inaaway yon pero syempre mahal ko yon.

Maya maya pa ay dumating na sya. Kitang kita ko ang mga mata nyang halatang galing sa pagiyak.

"Hoy! Anong oras na bakit ngayon ka lang?" pagalit kong sabi.

"Kumain lang kami sa Feliz ng kambal" wala sa mood nyang sagot

May mali.

"May nangyari ba? Bat ganyan hitsura mo?" tanong ko

"Wala pagod lang ako" iling pa nya.

"Umiyak ka? Namumula mata mo" tanong ko.

"Hindi" tanggi nya

"Ulol anong hindi? Magsinungaling ka na kila mama wag lang sak--" naputol ang sasabihin ko nang bigla syang yumakap sa akin ng mahigpit.

Anong nangyari dito? Sino nagpaiyak dito?

"Ano ba kasing nangyari?"sabay haplos ng buhok nya para paaganin ang loob nya.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now