Chapter 15

4 1 0
                                    

"Kamusta? Success ba? Sarap?" di sila makaimik. Parehas silang nakaiwas lang ng tingin sakin.

"Ano? Bakit di kayo makapagsalita? Kanina ang ingay nyo sa loob ah?"

"Illyria Hope?" rinig kong tawag ni Luke

Sinundan nya ko? Tsk. Di ko yon pinansin at nanatiling nakatingin lang sa dalawa.

"Ano? Elivier? Kaye?" ulit ko

"I-Illyria" ano di mo alam sasabihin mo?

"Illyria na lang? Hindi na baby?"

"Illyria Hop--" napatingin ako saglit sa kakapasok lang na si Luke. Mukhang nagulat din sya kasi napatigil sya sa pinto.

"Ano Elivier? Sabi mo magccr ka lang. Kala ko ihi lang?"

"L-let me explain" explain amputa kanina ko pa nga sya pinagsasalita

"Pinagsasalita na kita kanina pa pero di ka umiimik ngayon sasabihin mo 'let me explain'?" malapit na ko umiyak sa sobrang sama ng loob pero pinipigilan ko lang kasi ayokong magmukhang mahina sa harap nila.

"B-baby wag dito. Magusap tayo ng tayong dalawa lang" akmang lalapit pa sya sakin.

"No. Wag kang lalapit sakin, nandidiri ako sayo, sa inyo." naramdaman ko na ang luha kong umagos na sa pisngi ko.

Ansakit puta hahaha.

"Tangina naman Collins. Sa dinami rami ng tao sa mundo si Kaye pa talaga? Kaibigan ko yan e oo di kami magkasundo ngayon, pero bakit naman sya? P-pinili nga kita kesa sa kanya tapos ngayon mahuhuli ko kayong dalawa, naglalampungan?" diko na kinayang magsalita. Wala na kong ginawa kundi umiyak pagkatapos non.

"Let's fix this outside, Illyria Hope" rinig kong sabi ni Luke

"N-no wala nang a-aayusin." pinunasan ko ang luha ko saka tumingin kay Collins.

"Magbreak na tayo" tanging sabi ko saka umalis doon. Narinig ko pa ang tawag sakin ni Collins pero di ko pinakinggan yon.

Ang sakit awit, yung boyfriend ko pinagpalit ako sa bestfriend ko hahahahaha. Sana yon niligawan nya una pa lang tutal gusto din naman sya ni Kaye.

"Illyria!"

Kahit nagbublur ang paningin ko sa luhang tuloy tuloy na umaagos sa pisngi ko lakad lang ako ng lakad kahit di ko na din alam kung saan ako papunta.

"Illyria" hanggang sa may humatak sakin

Si Luke.

Napaharap ako sa kanya.

"Bakit b-ba? G-gusto ko na umuwi" hagulhol ko. Wala na kong pake kung kalat kalat na make up ko.

Wala syang sinabi at niyakap lang ako ng mahigpit.

Si Luke na naman nasa tabi ko. Sya palagi ang sumasalo sakin sa tuwing bumabagsak at nasasaktan ako.

"Shh. Everything will be fine" haplos nya pa sa buhok ko.

Hinubad nya ang coat nya at nilagay yon sa balikat ko.

Iyak lang ako ng iyak sa dibdib nya. Nilabas lahat ng hinanakit ko.

Ilang minuto bago ako mahimasmasan. Inaya ko na syang bumalik sa quadrangle at sa kamalas malasan nakita kami ni Kier.

"Oh Hope ano nangyari sayo?" hindi ko kayang magsalita dahil baka umiyak lang ako at magkagulo pa kaya umiling na lang ako habang nakayuko.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now