Chapter 3

9 1 0
                                    


"Oo. Sakin galing yan." sabi ni Collins habang diretsong nakatingin sa'kin.

Bat parang hindi?

"Bakit "S"?"

"Tyaka kakapasok mo lang ah?"

" "S" means Supergwapo"

Hakdog

"Ah talaga?" not satisfied.

"Oo. Ayaw mo ba? Pwede mo naman ibalik sakin" nakanguso pa sya.

"Wag na naibigay mo na diba?"

kahit feeling ko hindi naman ikaw yung nagbigay.

"Kamusta araw mo, baby?" ngiti nya ulit.

Baby ampota.

"Sanaol Illyriaaaa" sigaw ng mga ungas kong kaklase.

Pagmumurahin ko na sana sila ng biglang may kumalabog.

Agad kaming napatingin sa pintong nilabasan ni Luke.

Problema non?

Maya maya pa ay dumating na si Ma'am Veriz - literature prof namin.

Si Collins ba talaga naglagay nung bulaklak? Bakit di ko namn feel?

Ilang oras ang nakalipas at natapos na ang unang tatlong subject. Inaya ko na lang ulit tumambay sa Mini Table yung kambal, pero hindi sumama samin si Kaye at busy daw sya. Awit.

Pagkadating namin ni Maye sa Mini Table ay may tao roon. Lumapit kami doon at nakita namin si Luke na nakatingin sa kawalan at walang emosyon ang mga mata.

Ano bang problema ng mga tao ngayon?

Naglakad na si Maye palapit sa Mini Table kaya sinundan ko na lang sya, alangan maiwan ako?

"Oy Luke! Hello, tumatambay ka din pala dito?" sabay upo sa tapat na upuan ni Luke.

"Ah oo minsan" tipid na sagot ni Luke.

Naupo na lang din ako sa tabi ni Maye, syempre panay kwento ni Maye ewan ko ba dyan, yung kambal nya ang tahimik tas sya ubod ng daldal. Napatingin ako kay Luke na nakayuko lang ng kaunti pero nakikinig din kay Maye.

Gwapo pala sya?

Well, nevermind.

"Hi baby!" biglang sulpot ni Collins

"Yiiii sanaol baby!" pangbubwisit ni Maye

"Ulol" mura ko.

"Oy pre paupo ako sa tabi mo ah" usap ni Collins kay Luke

"Ge aalis na din naman ako" sabay tayo ni Luke saka umalis

"Uh may nagawa ba ko?" takang tanong ni Collins

"Hayaan mo yon si Luke ganon talaga sya hahahaha" Maye.

Tumango naman si Collins.

"Baby--"

"Tantanan mo nga kakababy mo sakin"putol ko

"Bakit ayaw mo ba ng baby?" inosenteng tanong nya

"Ayoko."

Narinig kong bumuntong hininga sya at saka tumayo paalis sa pwesto namin.

"Hoy gaga ang harsh mo kay Mr. Collins" Maye.

Harsh na ba ko? Gusto ko lang naman protektahan sarili ko e.

Bumuntong hininga ako saka niyaya si Maye na bumalik na sa room.
Pagbalik namin ay nandon na si Collins at ng makita ako ay agad nya kong nginitian at saka kumaway.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now