Chapter 16

6 1 0
                                    

KINABUKASAN, syempre puyat kaming lahat dito sa bahay sa dami ng bisita namin kahapon kaya anong oras na din ako nagising, isa pa may sarili kasi akong bisita, si Luke.

Nakakatamad pa bumangon bukod sa puyat ako ang sakit pa ng katawan ko kakautos sakin kahapon.

Bumangon na ko kahit nakakatamad pa kasi nagugutom na ko at nagwawala na ang mga alaga ko sa tyan.

Paalis na ko ng kama ng makita ko si Luke na natutulog sa foam na nasa sahig.

Oo nga pala no?

FLASHBACK

Nang lumalim na ang gabi, bumalik na kami sa bahay dahil baka hinahanap na din ako nila mama. Habang naglalakad kami nagchichikahan kaming dalawa.

Madami dami akong nalaman sa kanya, tulad ng panganay sya at dalawa lang silang magkapatid, tapos lalaki din yung kapatid nya.

Tapos naikwento din nya sakin na galing sa bible yung name nilang magkapatid, sya si Luke Angelo at ang kapatid naman nya ay si James Matthew.

Banal pala sila pareng Luke

Nang makarating na kami sa harap ng bahay, dapat uuwi na sya kaso nakita sya nila mama kaya napapasok sya sa bahay. Inaaya pa sya nila papa at tito na mag-inom pero hindi sya napilit dahil sobrang baba pala ng alcohol tolerance nya. One to two shots lang ang kaya nyang inumin, swertehan na lang kung makatatlong shot sya.

Weak, charot.

Dahil wala naman kami parehas magawa. Inaya ko na lang syang kumain at manood ng anime, dahil mahilig din pala sya sa anime, hindi tulad ni Collins. Pinanood namin ang Fairy Tail, ilang beses ko na napanood to pero hindi pa din ako nagsasawa.

Alas dos na ng madaling araw pero nagvivideoke pa din ang mga kamag-anak ko. Habang kami naman ni Luke nakakaseason 2 na sa Fairy Tail.

Antok na ko ghorl

"Di ka pa ba inaantok Hope?" good question.

"Inaantok na nga ako kaso syempre mamaya na ko matutulog kasi hindi pa din naman ako makakatulog kasi maingay sila" tumango lang sya

"Tyaka nandito ka pa syempre bisita kita kaya hindi kita pwede iwan dito mag-isa" dagdag ko.

Totoo naman e ang bastos ko naman kung iiwan ko sya dito para matulog na diba?

"Matulog na tayo dito sa sofa. Inaantok na din ako e." saka sya pumikit.

"Hindi ako kumportable" reklamador ako e bakit ba hahahahaha.

Umurong sya sa dulo ng sofa.

"Higa ka dito" tinapik nya pa yung lap nya.

Awkward ampotek

"E-eh" tanggi ko

"Nagluluha na mata mo oh. Dali na, inaantok na din ako e" pumikit pa sya saka sumandal sa sofa.

Nagdadalawang isip pa ko kasi ang awkward talaga friendship.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya pero dumilat sya kaya napaiwas ako ng tingin. 

"Ayaw mo pa matulog??" gusto ko na syempre

"A-ah maya maya naman siguro tapos na sila. Hintayin ko na lang." nga pala san sya matutulog? Puno dito mamaya.

"Nga pala san ka matutulog mamaya? Lahat ng nandyan pa sa labas dito matutulog baka yung iba sa kwarto ni Kier matulog since wala si Kier" amp anong oras na di naman na sga pwedeng umuwi. Baka mapagtripan to sa kanto.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now