Chapter 22

4 1 0
                                    

ENJOY READING!!!

Happy New Year!!!!!

"What?" wala sa sarili kong tanong kay Luke.

"Oh c'mmon nalilito ka lang naguguluhan ka lang pre. Oh kaya baka lasing ka lang kaya mo nasasabi yan" angal ni Kier na mukhang nahimasmasan sa pagkakalasing.

Walang imik na nakayakap at umiiyak pa din si Luke sakin.

So that's his problem?

"Hey babe? Let's sober up? We'll talk tomorrow when you're in your right mind" I gave him a soft smile and then he nod.

Inalalayan ko sya paakyat sa kwarto at dahan dahan syang hiniga sa kama ko.

Nang maiayos ang higa nya, kumuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig at pinunasan ang mukha nya saka sya pinulbusan.

"Babe -rry" tinignan ko si Luke at malungkot na ngumiti saka sya hinalikan sa noo.

Bukas tayo mag uusap babe, kapag nasa ayos kana.

KINABUKASAN pagkagising ko hindi ko na naabutan si Luke sa kwarto kaya dali dali akong bumaba para hanapin sya. Pagkababa ko pa lang nakaamoy na agad ako ng pagkain.

"Mama, si Luke po?" tanong ko kay mama.

"Nasa kusina, Hope" agad akong naglakad papunta sa kusina at nakita ko sya doon na nagluluto ng umagahan.

"Hey" agaw ko sa atensyon nya.

Agad naman syang lumingon at gulat na tumingin sakin.

"Hey, good morning babe wait mo lang to ha lapit na to maluto. Shit di ko alam na maaga kang magigising" kinuha nya ang platong may sinangag  na binukod nya para sa amin  at hinanda ang pagkain doon sa maliit na lamesa sa kusina saka pumunta sa kusina para ilagay naman doon ang sinangag na para kila mama.

"Nako anak nagabala kapa dapat sa inyo na lang yung niluto mo" rinig kong sabi ni mama.

"Okay lang po yon" sagot ni Luke saka bumalik na sa kusina para tapusin ang niluluto.

Ilang minuto bago sya matapos ay umupo na sya sa kaharap kong upuan.

Ilang minuto kaming walang imik, walang gustong magsalita, natatakot sa kung anong kalalabasan once na may magsalita na.

Nagsimula akong kumain at hindi inalintana ang pananahimik nya.

Ilang minuto pa at hindi pa din nya ginagalaw ang pagkain nya kaya hindi na ko nakatiis.

"Bakit hindi mo pa ginagalaw yang breakfast mo, Luke?"

I dunno why, pero ayoko syang tawaging babe sa ngayon.

"A-ahm reason is I wanna talk to you. Since a-ayon ang sabi mo kagabi" sagot nya.

"So naaalala mo kung anong nangyari kagabi?" tanong ko.

"Y-yeah" nakayukong sabi nya.

"Look in to my eyes L.A, isang tanong isang sagot, are you gay?" tanong ko at ilang minuto bago sya sumagot.
 
"I-i don't know yet, m-maybe I'm just confused or m-maybe I am. I really don't know." sagot nya.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now