Chapter 12

5 1 0
                                    

ILLYRIA HOPE

Dalawang araw na agad ang lumipas nang maospital ako.  Dalawang araw na din akong nakahiga lang sa kwarto at nagpapahinga, daig pa ko ni Kier na kagagaling lang sa aksidente pero nakakalakad na paunti unti.  Ako kasi ayaw pa ko palakadin o pakilusin nila mama dahil baka mapapano daw yung ulo ko.  Ewan ko nga bakit sila nagaalala masyado eh lagi ngang sinasabi ni Kier na ang tigas tigas daw ng ulo ko.

Napabuntong hininga ako ng may maalala.

Sa dalawang araw na nasa ospital ako hindi manlang ako dinalaw ni Collins.

"Oh kumain kana"

Napatingin ako sa kapatid kong kapapasok lang sa kwarto ko na may dalang tray ng pagkain. 

Umupo lang ako at tahimik na kinuha ang tray at nagsimula ng kumain.

Napatigil ako ng may maalala kong itatanong kay Kier.

"Kier sabihin mo na nga sakin yung totoo.  Anong meron sa inyo ni Collins,  I mean bakit ayaw mo sa kanya? Please wag na wag kang magsisinungaling sakin" tanong ko.

Bumuntong hininga muna sya saka sumagot. 

"Ex girlfriend ko ang kapatid nya"

Literal na nanlaki ang mata ko sa sagot nya.

"Puta n-nagkagirlfriend ka na?" gulat ko pang tanong.

Kala ko bakla na to e kasi ang dami nyang fan girls sa school pero wala syang girlfriend. Tapos ngayon may ex girlfriend na pala sya? Anak nam pota.

"Anong akala mo sakin? Syempre sa gwapo kong to?" mayabang nyang sagot.

"Ulul eh bakit kayo nagbreak?" tanong ko pero umiwas sya ng tingin sakin.

"Hindi mo na kailangang malaman" sagot nya na ikinakunot ng noo ko.

"Sabihin mo na. Hindi kita pagtatawanan promise" tinaas ko pa kanang kamay ko.

"Hindi mo ko pagtatawanan kasi panigurado kapag nalaman mo magagalit ka sakin" nakayuko nyang sabi

"Sinong may sabi? Tsh sabihin mo na." pangungulit ko.

Kasi naman parang timang kapatid nya ko maiintindihan ko yon kung ano man yon

"S-sya si Ella Janne Collins. Naging kami nung 16 years old pa lang kami. Sobrang simple nya lang lahat ng binibigay ko naaappreciate nya kahit maliit na bagay lang yon. Masaya naman kami nung una pero nung nag isang taon na kami don ko na nararamdaman na nagbabago sya. Kapag binibigyan ko sya ng regalo tinatanong na nya sakin kung magkano yung bili ko don tapos kapag sinabi kong mura lang yon tinatapon nya yon mismo sa harap ko." napatigil sya sa pagkukwento saka napatingala sa kisame na parang pinipigilan ang luha na babagsak sa mga mata nya. 

"One time, binilhan ko sya ng singsing tyaka kwintas. Mahal yon hahahaha 2k yon tapos dalawa lang, simple lang yung design non kasi nga sabi ko simple lang naman si Ella panigurado magugustuhan nya yon. Tapos ayon nung binigay ko sa kanya yon natuwa sya kaya natuwa din ako not until tinanong nya kung magkano yon at nung sinabi kong 2k yon sabi nya sakin "2k lang? Ano ba naman yan Ian yung mga kaklase ko nga yung mga boyfriend nila tig 5k na kwintas binibigay sa kanila tapos ikaw 2k lang? Nagaaral ka dito sa Flamewood pero napaka cheap mo" binalik nya sakin yon tapos tinalikuran na nya ko hahaha" I gulp when I saw my brother's tears.

Shit ngayon ko lang nakita si Kier na ganto.

"Habang lumilipas yung araw palala sya ng palala kaya minsan nasasaktan ko sya kasi napipikon na ko sobrang natatapakan na yung ego ko sa mga pinagsasabi nya. Tapos nalaman ko pa na may nanliligaw sa kanya na taga Flamewood lang din at mayaman daw. Simula non tuwing nagkikita kami iba ibang alahas ang suot nya at halatang mamahalin yon, tapos proud pa sya non na galing sa manliligaw nya yon. Tapos ilang buwan lang nabalitaan ko na pinitigil na ni Ella yung manliligaw nya" tumigil muna sya saglit saka huminga ng malalim.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now