Chapter 20

4 1 0
                                    

Matapos ko sagutin si Luke nung araw ng graduation namin. Lalo syang naging sweet sakin, yung sweet na hindi nakakaumay.

Hindi sya nagbago tulad ng ibang lalaki na once na sinagot mo na sila magbabago na wala na yung mga pa sweet gestures etc.

Lagi pa din akong nakakatanggap ng handwritten letter galing kay Luke pati na red roses, at syempre palagi pa din syang pumupunta dito sa bahay, halos dito na nga sya tumira e.

Tulad ngayon, nandito sya ulit sa bahay. Nagiging feel at home na nga to e. Tapos eto pa mama at papa na tawag nya kila mama.

Ang kupal.

"Hey, babe, you're not listening"

"Ha? May sinasabi ka pala. Sorry" nginitian ko sya ng pagkatamis tamis yung tipong mauumay sya. Chos.

Bumuntong hininga sya bago magsalita.

"Anong oras tayo pupunta sa University bukas para makapagenroll na?" ulit nya.

"Hmm. Agahan natin para makauwi tayo kaagad o kaya para makapaglaboy tayo after"

Nakasanayan na kasi namin na maglaboy laboy pag nakalabas, pero mas madalas pa din na dito kami sa bahay nanonood ng anime o di kaya naman ay nagsu-super-advance reading kami. Syempre college na kami sa pasukan hindi pwedeng paeasy easy lang.

"Yeah, that would be great." ngiti nya sakin pagtapos ay itinuon ulit ang mata sa tv.

Nanonood kami ngayon ng Assassination Classroom.

"Oy Hope, Luke kain na." aya samin ni Kier.

Tumayo naman agad kami at pumunta na sa hapagkainan.

"Upo na kayo, Hope, Luke" pagkatapos non ay nagdasal si Tita pasasalamat sa pagkain. Matapos magdasal ay samin natuon ang topic.

"Luke ano ngang kinuha mong course hijo?" tanong ni mama sa kanya.

"IT po, mama" tamo mama daw, luh.

"Oh mahirap yan ah. Sa mga computer yan hindi ba?"

"Opo"

Nang matapos kaming magtanghalian, bumalik na kami sa sala at bumalik sa panonood.

GABI na at eto ako ngayon hindi pa din nakaka get over sa ending ng Assassination Classroom.

"Bakit kasi ganon, Koro-Sensei" hikbi ko habang panay agos ang luha ko.

"Hey, don't get too affected. Stop crying babe" pang aalo nya sakin habang pinupunasan ang luha ko.

"Dalang dala ko sa iyak ni Nagisa e" yumakap pa ko sa kanya saka umiyak ng umiyak.

Hayop pinatawa ko ng pinatawa sa umpisa tapos ganon yung ending?! Putangina.

Iyak lang ako ng iyak sa dibdib ni Luke, hanggang sa naramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko.

LUKE ANGELO

Panay iyak ni Hope dahil sa ending ng anime na pinanood namin kanina at ngayon ay nakatulog na sya sa dibdib ko.

"Cute" saka marahang hinalikan ang noo nya.

Iniaayos ko ang pwesto nya at inihiga sya ng maayos sa sofa.

"Oh anong nangyari dyan?" tanong ni Kier na kakababa lang ng kwarto.

"She's crying over assassination classroom and fell asleep" kumunot ang noo nya.

Iniisip na naman nitong ang engot ng kapatid nya.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now