Chapter 19

13 1 2
                                    


Pagkatapos ay tumayo na si Luke sa pagkakaluhod at pumunta kila mama.

"Tito, Tita liligawan ko po ang anak ninyo. Hindi po ako mangangako na hindi ko sya masasaktan dahil alam ko naman pong hindi ako perpektong tao, pero mangangako po akong gagawin ko ang best ko para maging isang mabuting boyfriend, kung sasagutin nya man po ako." tahimik lang kaming nakatangin sa kanila.

Tumaas ang kamay ni papa, akala ko kung ano ng gagawin nya. 

Ipinatong nya ang kamay nya sa ulo ni Luke at ginulo ang buhok nito.

"Alam ko yon anak, sa ilang buwan na pumupunta ka dito nakita ko kung anong klase kang tao. Araw araw mong hinahatid si Hope kahit na ang layo na nitong bahay namin sa bahay nyo at kahit na dapat ang boyfriend nya ang gumagawa noon. Masaya ako dahil liligawan mo na sya." ngumiti si papa sa kanya

"Nasa iyo ang basbas namin sa panliligaw mo kay Hope." dagdag ni papa sa kanya

Lahat ng kaklase namin ay naghiyawan.

Napangiti ako.

Tumingin si Luke sakin saka tumingin kay papa.

"Thankyou po Tito" bahagya syang yumuko kila papa saka lumapit ulit sakin.

"Pano ba yan? Wala ka ng kawala" saka hinawakan ang kamay ko.

Mabilis na natapos ang birthday ko, o akala ko lang?

Bandang alas nwebe ng gabi madami dami ng nabawas sa mga bisita ko dahil mga nagsiuwi na ito at gabi na raw.

Ang mga natira na lang ay yung mga makikitulog samin which is sila Luke,  Clark, Marcko, Rence at Ciello.

"Illyria Hopeee! Lumabas ka dyaaan!" napatingin kami sa gate ng may nagsisigaw doon.

Anak ng- gabi na ah, sino ba to?

Lumapit kami ni Luke doon at nakita si Collins na may dala pang bote ng alak.

Lasing sya? Bakit? Tyaka bakit sya nandito?

"Collins" mahinang sabi ko.

Nag angat sya ng tingin at ngumisi bago magsalita

"Wow birthday mo nga pala ngayon no? Eh ano ngayon? Wala kong pakialam. Alam kong kinausap mo si Kaye para hiwalayan nya ko at bumalik ako sayo." nakipaghiwalay si Kaye?

Ngumisi sya ulit sakin.

"H-huh! Di na ko makikipagbalikan sayo. Kasi una sa lahat ginamit lang naman talaga kita para makaganti ako sa gago mong kapatid, eh ano kung hindi sya yung nangrape sa kapatid ko? Galit pa din ako sa kanya dahil kung naging mabuting boyfriend sya hindi sana nagkasakit sa utak yung kapatid ko!!" sigaw nya sakin saka nya pinunasan ang luhang umagos sa mata nya.

Huh! Bat parang ako pa may kasalanan?

"Collins umuwi kana hindi to ang tamang oras para mageskandalo ka. Bigyan mo ng consideration yung birthday ni Hope" pigil ni Luke.

"Hindi ako aalis dito hangga't di ka umaamin na kinausap mo si Kaye para makipaghiwalay sakin!" ah ang kapal ng apog. Bakit ko naman kakausapin si Kaye?

"Hindi ko kinausap si Kaye. Hindi ko na sya kinakausap mula nung--"

"Sinungaling!!" sigaw nya.

Ako pa sinungaling? Saksakin ko kaya to?

"Sinungaling ka, desperada ka kasing magkabalikan tayo hahahahaha asa kap-" sinampal ko sya.

Roses On The Tableحيث تعيش القصص. اكتشف الآن